Unexpected fall <3
Author: Misteryosa101
Prolougue:
PaulPaulPaulPogi: “Jack, I just wanted to say goodbye. Thankyou for being a friend. Papag-aralin daw ako sa public nila mom.Pamantasang something e. Wait…. Pamantasang Lungsod ng Maynila yata yun. Yes, sa Manila na ko magaaral. Para daw maranas ko yung naranasan nila. I love you! ”
Then he offline. Such a jerk! After a few months of boarding at my house?! Then, iiwan nya ko? Omg. Get lost! You asshole! To tell you guys, he won’t catch you if you fall. And yes!
I fall. An unexpected fall.
Chapter 1
“My god! Hell week to. Firstweek of school wala pa naman sigurong gagawin. Next week na lang ako papasok ^_^.” Pumunta muna ako sa library este sa bookstore. Nagsuot lang ako ng t-shirt then pants. Dumiretso ako kaagad sa bookstore. Naghanap ng bagong libro and at last! Nakahanap rin. (Book: The lost hero) kinuha ko yung book. Since nakabukas na sya, binasa ko habang naglalakad. And hindi ko bibilhin yung libro. Ang corny masyado pag may bookshelf sa bahay. And sayang kung bibilhin ko, mabubulok lang yan sa bahay e hindi naman ako sanay ng pa-ulitulit yung binabasa ko. Pumunta ko sa medyo sulok ng bookstore para hindi ako dadaan-daanan. Headphones on. Nagsimula na ko magbasa. And after a few minutes naramdaman kong may tumabi sakin. And I ignore it. Naramdaman ko lang na nakatitig sya sakin at ang sama ng tingin. And may naramdaman akong pain dun sa tagiliran ko. Nung tinignan ko nagdudugo, then may hawak syang pocket knife. Tas tumakbo sya. Pero nahuli sya nung isang lalaki dun sa may dictionary section. Ginulpi siya dun tapos wala na kong makita.
Na-alimpungatan ako tapos pagising ko akala ko nightmare lang, totoo pala. Tatayo sana ko, kaso biglang sumakit yung tagiliran ko kaya ayun napahiga ulit ako. Napa-“ahhhhhhhhhhhhhhhh” na lang ako ng nilikot ko yung tingin ko na nasa hospital pala ako. Naka-hospital gown pa ko. Hays… Ayokong nagsusuot neto e! Muka kong magsasaka. -________- Hinanap ko yung phone ko. Nakita ko din naman agad kaya kinuha ko na. Baka kasi na-contact nila si mama. Patay! O.O then walang miscalls or text. Buti na lang at di nalaman to nila mama. Patay ako sigurado pagnalaman nyang may saksak ako.-____- Kinuha ko yung damit ko tapos nagbihis na ko sa cr. Tapos tinignan ko yung wallet ko, walang bawas, walang kulang. Nakita kong may lalaki dun sa couch, natutulog ata. Pinuntahan ko tapos tulog nga. At sya yung nangulpi dun sa lalaki. “Kung tutuusin wala akong utang na loob sa lalaking to e kasi ginulpi nya yung lalaki pagtapos akong saksakin.” Sabi ko sa sarili ko. Wala ring kwenta, nanakit lang sya. Pero dahil mabait ako, nagiwan ako ng 5 thou sa gilid nya. Tapos umalis na ko. Pagdating ko sa bahay nakita ko si manang dun sa kitchen.
“Manang, hindi ba dumating sila mama?”
“Ah dumating po kanina. Pero sabi ko po pumasok kayo. Pero bakit po naka-civilian kayo?” pakielam nitong matandang to. Sinamaan ko sya ng tingin.
“Ah sige po.”
Umakyat na ko sa taas. Yung kausap ko pala kanina katulong sa bahay. Kumuha sila mama nyan para may kasama ko sa bahay since lagi silang wala. Ok nanaman sakin si Aray e. Aso ko. Yung katulong kasi boring. Simpleng MMK naiiyak. Di pa marunong mag-xbox. Pero bago ang lahat ako nga pala si Jack Louisse. Babae, 15 years old. Senior. Wala nanaman akong ibang hobbies kundi magbasa ng libro o kaya xbox. Sige tulog na ko. “Arf!Arf!”
“Aray! Choochoo.” Sige pala tulog na kami! =)
Chapter2
(1 week ago.)
Hell day! Papasok na ko. Nakakainis naman. Panget ng uniform!!! Kainis >.< Mini-skirt sya tapos kala mo picnic pero hindi naman red may pagka-maroon lang tapos jumper yata yun. Tapos medyas na mahaba kulay itim!! Oh diba muka kong mascot!! Kadiri >.< Kahit pa ilang years na ko nagsusuot ng uniform eto yata ang pinaka-panget! Bat kase dito pa sa bulacan na-destino si dad e! Oo, transferee ako. Wala naman akong namimiss bawat lipat ko kase nagsasawa ako mga tao dun.