'When The Curtain Falls'
ᴀ ɴᴏᴠᴇʟ ʙʏ
MsGlitterPen
***WARNING!
My story "When the Curtain Falls" was categorized as 'mature', it may contain intense violence, sexual content and/or strong language that may not be appropriate for underage readers.
DISCLAMER
This novel is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
***
PrologueISANG malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni freya at nanlulumong isinapo sa mukha ang kakapirasong script na kanina pa niya kinakabisa.
Balot ng kaba ang dibdib niya. Ilang minuto nalang magsisimula na ang shooting para sa ginagawang commercial ng kilalang perfume brand. Masquerade ball ang set up ng lugar at siya ang gaganap na pambungad para sa commercial.
Wala naman talagang siyang line na sasabihin pero kailangan parin niyang sundin ang gagawing pag-arte na nakasulat sa binabasang papel. Katulad nalang ng kung paano siya maglalakad, kikilos at ngingiti sa harap ng camera. Mukhang madali kung babasahin pero mahirap na kapag gagawin.
She have to walk in the big banquet room kung saan naroon ang masquerade ball. Then the perfume scent will spread, that will lead to the man toward on her derection. Pagkatapos ay ngingiti siya sa kaeksena at ganun din ang gagawin nito. Showing like they had attracted to each other ganun lang kadali ang magiging aksena niya. Ngunit tuwing gagawin na niya ang mga iyon ay bigla nalang siyang inuunahan ng kaba. Hindi niya magawa ng maayos ang kaniyang parte kahit pa ilang beses na siyang nageensayo. Hindi niya alam na ganun pala kahirap ang umarte.
Nagpakawala siya ng malalim na paghinga.
Isa lamang siyang waitress sa kilalang coffee shop. iyon ang kaniyang part time job na isinasabay niya sa pagaaral sa kolehiyo.
Isang araw habang nasa duty siya ay nilapitan siya ni ms sam na nagpakilala bilang talent manager. Tinanong siya nito kung entesado ba siyang mag artista na sa una ay nagaalinlangan pa siyang tanggapin. Pero alam niyang magiging malaking tulong iyon sa kaniya kung magiging isa siyang artista, kaya kahit nagdadalawang isip ay pikit mata na ring niyang sinunggaban ang offer nito. Ilang buwan lang siyang sumabak sa mga acting classes na ibinigay sa kaniya ni ms. Sam, hanggang sa isalang na siya sa commercial project na iyon. Pero parang nawala ang lahat ng natutunan niya sa pag-acting at napalitan ng nerbiyos. Parang gusto na yata niyang umayaw.
Muli siyang bumuga ng hininga at tinitigan uli ang papel. Pagkatapos ng ilang sandali na pagtitig duon ay ibabalik na sana niya ang sarili sa pagpapractice nang may kung sino nalang ang nagsaita sa likuran niya.
"Kinakabahan ka ba?"
Agad niyang nilingon ito. Isang matangkad na lalaki ang nakita niyang nakatayo roon. Naka suot ito ng itim na teuxedo at itim na maskara. Napapalibutan iyon ng maliliit na batong kumikinang sa paligid. Mula sa mata hanggang sa kalahati ng ilong lang nito ang natatakpan, samantalang ang manipis lang nitong labi ang nakikita niya.
BINABASA MO ANG
🔞 When The Curtain Falls [ON HOLD]
General FictionFreya was satisfied with what she did achieve in her career, dahil alam niyang hindi biro ang lahat ng kaniyang pinagdaanan para makamit ang pagiging isang magaling na primera kontrabida. She would say, her life was almost perfect. Not until cliden...