Someone's POV
"Tsk! Pano yun? Nakita na nila yung anak nila?" tanong ng isang lalaki sa kanilang kinikilalang pinuno.
"MGA INUTIL! Para saan pa't pinabantayan ko sila sa inyo kung hindi niyo rin pala sila mapipigilan sa pagk-krus ng landas nila?!" sigaw ng pinuno. Agad namang napatayo ang isang babae.
"Pwede ba?! Hindi mo naman kami kailangang sigawan! Saka alam mo ba, sa totoo lang! Kung hindi ka lang talaga namin kaibigan eh hindi na kami sasali sa mga kalokohang pinag-gagagawa mo." sabi nito.
"So ano ang pinapalabas niyo? Na ayaw niyo na, ganun?" sabi naman ng pinuno kuno. Napa-iling naman ang mga kasamahan niya sa sinabi nito.
"Bahala ka. Basta labas na ako rito. Tama na 'to." sabi ng lalaki sabay lumabas na sa silid na agad namang sinundan ng iba pa nitong kasama.
"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay malaki pa rin ang galit mo sa kanila. Sana mahanap mo na rin ang kapayapaan sa sarili mo." iiling-iling na sinabi ng babae sa kaibigan niya at tuluyan na rin siyang umalis.
---
Kate's POV
"Kaye, ano gawa mo?" nakangiti kong tanong sa kakambal ko at tumabi sa kanya.
"Eto nakikipagtitigan sa pader. Ikaw ba?" Hmm? Napatingin naman ako sa pader na tinitingnan niya.
"May problema ba?" baling ko uli sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti. Sad smile.
Umiling naman siya. "Wala naman." sagot nito.
"Alam mo ba, Kaye. Medyo ramdam ko yung nararamdaman mo ngayon." pag-oopen up ko. "Siguro dahil twins tayo kaya ganun? Ang cool pala natin! ^__^" pagpapatuloy ko at napangiti naman siya.
"Ang totoo niyan hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na may twin sister pala ako. Dati kasi pangarap ko talaga na magkaroon ng kapatid. Para kahit nasa trabaho lagi sina mommy at daddy, at least may kasama pa rin ako na kapamilya ko." nakangiti kong sabi.
"Kaya ngayon na nakilala kita, sobrang saya ko talaga. At wala na akong ibang mai-wiwish kung hindi ang kasiyahan ng kambal ko. Kaya wag ka ng malungkot, ha?" sabi ko at hinawakan ang both cheeks niya.
Pinatong naman niya ang kamay niya sa kamay ko. "Salamat Kate." sabi niya at nagyakapan kami.
"Ang sweet naman ng kambal ko~!" sabay naman kaming napatingin ni Kaye kay mommy na nakasandal sa may pintuan at nakangiti sa amin.
"Mommy!" sabay naming sabi at tumakbo kay mommy para yumakap.
Kaye's POV
Agad namang gumanti ng yakap sa amin si mommy. "Sorry mga anak ha? Kasi lagi na lang kaming wala ng daddy niyo. Pero wag kayong mag-alala. Sinikap na namin ng daddy niyo na tapusin lahat ng trabaho at dahil dun, 1 week tayong magbabakasyon!" nakangiting sabi ni mommy.
"Waaa! Talaga po, mommy?!" sabay naming tanong ni Kate.
"Yuuup!" sabi naman ni daddy at nakisama na sa yakap namin.
"Saan po tayo pupunta mommy, daddy?" tanong ko.
"Kayo ba? Saan niyo gusto pumunta?" tanong ni daddy.
"For me, kahit saan po daddy. Basta kumpleto tayo." nakangiting sagot ni Kate. Tumango naman ako bilang pag-sang ayon.
"Nakuuu! Ang sweet naman ng kambal namin." sabi naman ni mommy. Napatawa naman kami lahat.
BINABASA MO ANG
Magical Destiny [ KathNiel ]
FantasyMagical Destiny - ikalawang libro ng Magical Academy na isa sa mga pinaka-una kong ginawang storya, at ang kauna-unahang storya kong natapos.. Hindi man ganun ka-bongga ang story line nung book 1, eh ginawa ko naman lahat ng makakaya ko para mag-pas...