C5:PERFECT

26 2 0
                                    

Nilingon ko sila na may ngiti sa aking labi.

"Anong ngingiti-ngiti mo dyan" sabi ni Judy na may halong pagtataka.

"Ahh siguro naka inom nang pintora" sabi ni Remy at humagalpak ng tawa..

"Ohh siguro nakalunok ng tissue, hahahahaha" sabi ni honey.At ang tatlo hayon parang mamatay na sa pagtawa.

Tinaasan ko sila ng kilay.

"Anong pintura at tissue ang pinagsasabi nyo dyan" pagsisinungaling ko.

Natigilan naman silang tatlo sa pag tawa at lumingon sa akin.

"Pinatatawag kayong tatlo ng principal doon sa stockroom,meron kasing isang istudyanting puro pintura na nagsumbong sa inyong tatlo.Sinundan daw nya kayo don at nang lumagas daw kayo ay natatawanan kayo kaya na curious siya kung anong ginawa nyo sa loob kaya pumasok sya at" pag sisinungaling ko ulit at ipinalakpak ko ang aking kamay ng isang beses.

"Kaya pala gusto nyo akong papasukid don" another lie.

Lord sana po mauto itong tatlo para makaganti na ako lord pleassssss!!!

Pagkatapos ko yung sabihinay tumakbo na ang tatlong oto otong anak ni corazon.

Akalain mo nga naman naoto ko yung tatlo...hahahaha...ako na talaga..hahahaha...

Sinundan ko yung tatlo na papunta sa stockroom...

Naabutan ko silang tatlo na naka tayo lang sa tapat ng pinto ng SR.

Lumapit ako sa kanila.

"Ano ba kasing pinag gagawa nyo jan kanina ha?" Tanong ko sa kanila para maoto talaga..

Tinignan lang nila ako at nag tutulakan kong sino ang magbubukas ng pinto...

Pero sa huli ay napagdisisyonan nilang sabay nilang bubuksan ang pinto..

Sigi lang..buti naman at kami lang ang tao dito..hihihi.

Nang mabuksan na nila ang pinto ay agad ko silang tinulak papasok at dali daling tinara ang pitno.

Pagkasara ko ng pinto ay may narinig na akong magkakasunod na pagbuhos ng tubig pagkatapos ay ang tili nilang tatlo,magkakasunod na kalabog.

Naghintay pa ako ng ilang sigundo at narinig ko ulit ang mga tili nilang tatlo...

Hahahahahahaha perfect hahahahahahaha

Tawa lang ako nang tawa  habang naglakad palayo..

Judy's POV...

Naglalakad kaming tatlo at pauwi na sana ng makita ko si Steph na parang may hinahanap.

"Uyy guis tignan nyo oh" sabay turo kay Steph,"Sino kaya ang hinahanap nyan"

"Baka naghahanap ng forever ang bruha" sabi ni Remy at nagtawanan kaming tatlo.

"Lapitan kaya natin" Suhistyon ni Honey.

At tumango naman kami ni Remy.

Dahan dahan kaming naglakad papunta sa kanya at nang naka abot na kami ay agad agad ko siyang binati.

"Hoy freak may hinahanap ka yata"

Unti unti siyang lumingon.

Nagulat nalang ako ng pagharap nya ay ay..

Nakangiti?..

"Anong ngingiti-ngiti mo dyan" sabi ko.

"Ahh siguro naka inom nang pintora" sabi ni Remy kaya natawa nalang kaming tatlo.

"Ohh siguro nakalunok ng tissue, hahahahaha" sabi ni honey at nagpatuloy lang kami ng tawa.

"Anong pintura at tissue ang pinagsasabi nyo dyan" sabi ni Steph na labis kung pinagtataka.

Kaya napahinto kami sa pagtawa at lumingon sa kanya.

"Pinatatawag kayong tatlo ng principal doon sa stockroom,meron kasing isang istudyanting puro pintura na nagsumbong sa inyong tatlo.Sinundan daw nya kayo don at nang lumagas daw kayo ay natatawanan kayo kaya na curious siya kung anong ginawa nyo sa loob kaya pumasok sya at" sabi nya at pumalakpak ng isang beses at alam ko ang ibig niyang sabihin.

"Kaya pala gusto nyo akong papasukid don"

Kinabahan ako sa sinabi nya.Pero wala naman akong nakita kaninang ibang istudyante maliban sa aming tatlo.

Nauna na akong tumakbo papunta sa Stockroom at sumunod naman ang dalawa.

Hingal na hingal akong tumigil sa tapat ng pinto ganon din ang dalawa.

"Ano ba kasing pinag gagawa nyo jan kanina ha?" Tanong ni Steph sa amin na  sumonod pala.

Tinignan lang namin sya saglit at pagkatapos ay tumingin na ulit sa pinto.

"Rem ikaw na magbukas" sabi ko.

"Ayoko nga ikaw nalang Hon" sabi nya.

"Mas lalung ayaw ko no"

"Okay ganito nalang para Fair tayong tatlo nalang" sabi ko at tumango naman sila.

Hinawakan na namin ang doorknob at unti-unting binuksan ang pinto.

Nang mabuksan na namin ito ay may biglang may tumulak sa amin papasok kaya wala sa oras kaming naka pasok.

Pagkatapos non ay may nagsirado ng pinto at pagkasara ng pagkasara ay may liquidong nabuhos sa amin galing sa aming likod kaya napatili talaga kami.

Napatalon ako sa subrang gulat at pag apak ko sa sahig ay nadulas naman ako sa sahig kasi may naapakan akong parang mga maliliit na mga bilog na bagay kaya napahawak ako sa kanila kaya  kaming tatlo ngayon ang natumba.

Malakas ang impact sa pagkatumba namin kaya meron ding malakas na kalabog ang nalikha.

Napamura ako ng mahina dahil sa sakit ng tyan.

Ilang sandali pa ay parang perong bagay na nasa ulo ko.Natakot ako at agad iyong kinuha at hinila ng meron na namang nahulog na mga maliliit na bagay mula sa ibabaw namin kaya napatili na naman kami.

Steph's POV

Iniwan ko ang tatlong anak ni corazon doon at naglakad lakad na parang walang nangyari.Pagkatapos kung maglakad ay napag disisyonan ko munang umupo sa isang walang taong shed.

Nang may bigla akong narinig na mga malalakas na tawa.

Tinignan ko kung sino ang tumawa at nakita ko ang isang lalaking senior na may tinitignan.

Sinundan ko ang tingin nya at nakita ko ang tatlong corazon na naglalakad.

Natawa ako ng malakas.

Para silang mga dikorasyon pag pasko may mga kumikinang kinang pa sa kanilang katawan.

Tumayo ako at lumapit bahagya sa kanila.Hindi mona alam kung anong expression ng mga mukha nila dahil sa mga pintura at mga sequence na nasa mukha nila.

Tumingin naman silang tatlo sa direksyon ko at kitang kita sa mga mata nila ang mga lumiliyab na apoy ng makita nila ako.

"Ang saya ano" Malakas kong sabi para marinig nila.

Pero ang tatlo ayon tumatakbo papalapit sa akin kaya tumakbo narin ako palapit sa kanila..chosss...syempre tumakbo ako para di nila ako maabotan..

"PAPATAYIN KITAAA"Sigaw sa akin ni Judy habang tuloy parin sila sa pag habol sa akin.

Nakita ko na ang nakabukas na gate kaya ngumiti ako.

" Hindi naman siguro kayo lalabas nang ganyan diba?"nasa gate na ako ng sinabi ko yun at nilingon sila at nakita kong huminto ang tatlo.

Sa huling pagkakataon ay tinawanan ko sila ng malakas at lumabas na ng School.

Hoo nakakapagod pala kung may humahabol sayong tatlong kampon ni satanas.

"PERFECT" Nasabi ko nalang sa subrang saya..

Who Am ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon