(PART 2)_THE MEETING
Nandito na lahat ng mga classmates ko well except sa dalawa.Hinihintay nalang namin ang pagdating ng aming subject teacher..
"Guis excited naba kayo para mamaya kasi ako super" sabi ni Helen na nakatayo sa harap namin..
Sya kasi raw ang naka isip sa laro..Nakaka inis lang at napag isipan pa nilang gumawa ng laro uuurrrr...
"Syempre naman kami pa" sabi ni Judy..
"Pagkatapos ng klase natin ngayon ay mag aassign na kayo kung sino ang mag bablindfold each group okay" sabi ni Helen habang nakangiti at bumalik na sa kanyang upuan ng dumating na ang aming subject teacher..
"Good morning class"
"Good morning ma'am" sabay naming sabi..
***
Natapos na ang aming klase kaya kaming lahat ay pumunta na sa aming mga groupo at nag usap na.
**
Natapos na ang aming usapan at lahat kami ay masaya pwera nalang sa mga na assign mag blindfold..
Hayy buti nalang at si Tony ang na assign at hindi ako.THANK YOU LORD..
TONI'S POV...
Natapos na ang aming pag usapan at lahat sila ay masaya at ako..Heto nag eemote.
Sa dami rami ng myembro ng groupo namin ako pa!ako pa ang napili para mag soot ng pesteng blindfold na yan..
Ngayon isinusumpa ko na ang lahat ng mga blindfold sa mundo..
Pwede namang si Mark o di kaya si freak(yun ang tinatawag nina judy kay Steph)..uuurrr nakaka inis talaga..
"Ready ka naba mamaya?" Sabi ni Lay Ann ang matalik kong kaibigan na nag suggest na ako nalang..
"Bweset ka!" Sabi ko sa kanya..
"Ohh wag mag strong" natatawa niyang sabi.
Inirapan ko nalang siya at lumabas na sa classroom para mag lunch..
Palabas na sana ako ng hinawakan ni judy ang braso ko.
"Mag usap tayo mamaya don malapit sa Narra tree pagkatapos mong kumain"sabi nya kaya napatango nalang ako.
Binitawan na niya ako at nagpatuloy nalang sa pag lalakad..
Ano kaya ang problema ng babaeng yun.Dati naman si Steph lang naman ang ginanon nya bakit pati ako..
***Pagkatapos kong kumain ay nagmadali na akong pumunta sa may narra tree.Lakad takbo akong pumunta don kasi may kalayuan ang punong yun mula sa cafeteria..
Nakita ko ang tatlong pabebe na naka upo sa bench..
" Ano bang pag uusapan natin dito ha"sabi ko sa kanya at lumingon naman sya sa kinatatayuan ko..
Tumayo sya ganon din ang dalawa niyang kasama na si remy at honey..
"Balita ko ikaw raw ang na assign mag blindfold sa groupo nyo..am I right?"Tanong niya..
" Oo,nakakainis nga ehh"
"Well kung hindi mo gusto,hayaan mong tulungan ka namin"
"Pano?"
"Gusto naming wag ka nang sumali sa laro para mapunta kay freak ang trabaho mo,magpanggap ka na may sakit,o kaya umuwi kana sa inyo at kami na ang bahala mag excuse sayo sa groupo mo.At isa pa sinabihan na namin si Troy na incase hindi ka makakasali si freak ang papalit sayo..O deal?"sabi nya at nagabot ng kamay.
Ngumiti ako at tinanggap ang kamay niya."Deal!"
***Stephanie's POINT OF VIEW
Pagkatapos naming mag usap usap ay lumabas na ang iba kaya anim nalang kaming natira dito..
Si Mark na kausap si Lailah,Si Judy na umuupo lang sa kanyang upuan na para bang may ini-isip,Si Toni na kausap din si Lay ann,at ako na nakatingin lang sa kanila.
Nakita kong tumayo na si Toni at palabas na sana ng bigla itong hinawakan ni Judy na nasa likuran na pala niya.
Nagulat si Toni sa ginawa ni Judy kaya kaagad niyang tinignan kung sino ang may hawak sa kanya..
Ano na naman ang kalukohan ng babaeng ito.Kaya ba ayaw na niya akong ibully dahil may pinupontirya na siyang iba?Huhh malas lang ni toni..
Nakita kung may sinabi sa kanya si Judy pero di ko marinig kasi ang layo ko sa kanila ehh..
Nakita kung tumango tango si Toni kaya binitawan na ito ni Judy.
Bumalik na si Judy sa kinauupuan nya at si Toni naman ay naka labas na ng classroom..
Tumayo na rin ako at pumunta na sa Cafeteria para kumain na ng lunch.
Nang maka abot na ako don at naka bili na ng pagkain ay agad akong naghanap ng bakanteng mesa .Pero sa kasamaang palad ay puno na lahat ng mesa dito kaya napag pasyahan kong sa labas nalang kakain..
Dito nalang ako kakain sa mga bench malayo sa cafeteria at malapit lapit naman sa puno ng narra..
Umupo na ako at nagsimula ng kumain..Ilang minuto ang lumipas ay nakita ko si toni na tumatkbo papunta sa puno ng narra.
Isinawalang bahala ko nalang iyon at nagpatuloy na sa pagkain.
Ilang minuto pa ang lumipas nang bigla kong naalala ang pag uusap nina judy kanina.
Ano kaya ang pag uusapan nila?lumapit ako sa puno ng mangga at doon ko nakita sina toni at ang tatlong corazon.
Lumapit pa ako para marinig ang kanilang pinag uusapan habang nagtatago sa isa pang kahoy..
Ngunit huli na ang lahat. Tanging ang salitang deal nalang at pag abot ni toni sa kamay ni judy ang naabotan ko at bumalik na si toni papunta sa cafeteria..
Malakas ang kutob ko na may binabalak na naman ang tatlo..
Pabalik na sana ako ng classroom ng maka salobong ko si zach na may maraming dalang karton..
"Gusto mo ng tulong?" Tanong ko sa kanya..
"Kung okay lang sayo" sabi nya habang nahihirapan sa pag dadala ng mga karton.
"Oo naman" at kinuha na ang isang karton na nasa ibabaw na bahagi..Alangan naman yung nasa ilalim ano ako shunga..
Mabigat ang kartong ito ha kaya di na ako mag tataka kung bakit nahihirapan si zach..
"Bakit ikaw lang ang nagdadala nito asan si Zy"
"May tinatapos lang doon sa SC Office"
Sumunod lang ako sa kanya kasi di ko naman alam kung saan to dadalhin..
Huminto na kami sa tapat ng pinto ng library.Pinihit na ni Zach ang pinto at nakita ko doon si Mark na may kausap sa kanyang Cellphone..
"Mga libro pala to?"
"Ahh hindi mga school papers yan dito lang pinalalagay ni ms principal"
"Ahh ganon ba,may kukunin ka paba?kung meron sasamahan na kita"
"Ahh wala na last na to,Pwede ka nang pumunta sa classroom, Thank you nga pala"
"Wala yun ikaw nga parati mo akong tinutulongan ehh"
"Mauna na ako ha may aasikasuhin pa kasi ako"
"Okay bye ingat ka"
Umalis na siya kaya ganon nadin ako..
BINABASA MO ANG
Who Am I
Random"Revenge is not a SIN, it's JUSTICE" That what I believe, what I do and what I want... I think I know, I think I don't but I will seek for the answer of my very precious question..... "Who am I?"