Beauty and The Pig (C-8)

38.8K 175 6
                                    

Chapter Eight

Nagulat sya ng maka-receive ng isang text message galing kay Pola. Nagreply naman sya dito, “Bakit?” tanong nya. “Wala, siguro kasi ako yung una mong binigyan ng Christmas card,” reply nito. “Pano mo naman nalaman?” tanong nya ulit dito. “Basta, tara tulog na tayo,” sabi nito. Matapos nyang mag goodnight dito, “Pano nya naman nalaman na sya yung una kong binigyan ng Christmas card?” tanong nya sa sarili.

Nagkita sila kinabukasan, agad nya namang tinanong kung pano nito nalaman na ito ang una nyang binigyan ng Christmas card o ano pa mang card yoon, pero ayaw nito sabihin kung pano. Hindi na sya nagpumilit, “Basta, kahit nakakatawa okay lang, natuwa naman ako,” sabi nito sakanya. Tumawag sakanya si Ralph, tinanong nito kung nasaan sila at susunod din ito kasama si Darlyn. Sinabi nya naman na nasa mall sila ni Pola. “Bakit naman palagi kayong nasa mall? Wala na bang ibang pupuntahan?” tanong ni Ralph, “Saan mo gusto? Sa manila zoo?” tanong nya dito. “Minsan naman lumanghap din kayo ng alikabok, puro na lang aircon,” natatawang sagot nito, “Sumama na lang kayo sa amin ni Darlyn bukas, pupunta kami sa museum,” aya nito sakanya. “Hmm, sige baka gusto din ni Pola na makalanghap ng alikabok, anong oras ba?”, “After lunch. Sige na bye.” Habang naglilibot sa mall, “Pola, gusto mo ba sumama tayo kayla Ralph at Darlyn bukas?”, “Saan naman pupunta?” tanong nito, “Sa museum daw, after lunch,” pumayag naman ito. Napagdesisyunan nilang manood na lang ng sine, “Ano ba gusto mo?” tanong niya, “Kahit ano, ikaw bahala.” Kaya naman namili na sya ng palabas, romance-comedy ang pinili nya, baka kasi hindi mahilig sa action si Pola kaya naman hindi nya na pinagkaabalahan pang pumili ng action. Matapos manood, tinabi nila ang ticket na may pirma ng bawat isa, mahalaga daw yun kasi yun ang first time nilang manood ng sine na magkasama. Natapos na naman ang isang araw na silang dalawa ang magkasama.

Kinabukasan, after lunch sila magkikita-kita, alas dose sya nagising at 12:30 naman naligo, pagtapos maligo ay kumain na sya, nalowbat ang cellphone nya kakapatugtog kagabi para maaga antukin, pero wala din namang nangyari. “Ate, aalis na ko,” pagpapaalam nya. Pagdating nya sa meeting place, alas dos na, at mga nakasimangot na ang mga kasama nya, “Pare, ano nangyari sa after lunch natin?” kunot-noong tanong ni Ralph, “After lunch naman to ha?” sagot nya, “Kanina pa kaya dito si Pola, nauna pa sya samin dumating, ala una nandito na sya, kami 1:15, tapos ikaw alas dos,” sabi ni Darlyn, “Kanina ka pa namin tinetext at tinatawagan, nakapatay naman cellphone mo,” saad ni Pola. “Sorry naman po, nalowbat po kasi cellphone ko,” sagot nya. Nahirapan pa silang maghanap ng jeep na sasakyan at kailangan pa nilang maglakad ng malayo para makapunta sa linya ng jeep na dadaan sa museum. Nakasakay na sila ng jeep malas lang at traffic, “Iiba tayo ng daan para mas mapabilis pa tayo,” sabi ng driver, habang nasa byahe, “Manong, pakibaba na lang po kami sa museum ha,” sabi ni Ralph sa driver. “Museum ba? Kanina pa tayo dumaan doon kaso, hindi naman mapapansin kasi nag iba tayo ng daan.” “Sige manong, para na, dito na lang kami bababa,” para ni Darlyn. “Pag minamalas nga naman oh,” naiinis na sabi ni Ralph.

Naglakad ulit sila ng malayo para makapunta sa museum na pupuntahan nila, pagdating nila sa gate ng museum hindi na nagpapapasok dahil alas quatro na at hanggang 5:30 lang ang museum kapag weekdays. “Malas talaga natin ngayon,” sabi ni Ralph. “Okay lang, malapit na naman tayo sa Luneta, maglibot na lang tayo, marami namang garden doon eh. Magpicture picture na lang tayo, may dala din akong snacks para sa atin,” nakangiting sabi ni Pola. “Tama, buti na lang at hindi na mainit, kaya pwede tayo umupo sa malapit sa may fountain,” dagdag pa ni Darlyn. “Hindi pa rin kami malas, buti na lang at malapit kami sa Luneta,” sabi nya sa sarili. “Pare, bili tayo ng saranggola,” aya sakanya ni Ralph, natawa sya, “Sige ba.” Habang nagpapalipad sila ng saranggola, pinipicturan naman sila ni Pola, si Darlyn naman ay masaya rin na nanonood sakanila. Malapit na magdilim at makikita na rin ang iba’t ibang kulay na nakalagay sa fountain, dumarami na rin ang tao.

“Pola, anong regalo sayo ni Lindon?” tanong ni Darlyn, “Madami, sneakers, backpack, kwintas, hikaw, teddy bear, at Christmas card,” sagot ni Pola. “Wow! Marunong ka palang mag bigay ng card, Lindon?” natatawang tanong ni Ralph, “Hay nako, Ralph. Kung alam mo lang, hindi sya marunong magbigay ng card, first time nya lang magbigay ng card sa isang tao,” sagot ni Pola, “Bakit mo naman nasabi?” tanong ni Ralph. “Pano ba naman kasi, hindi nya man lang tinanggal yung plastic na nakabalot sa card, at hindi nya ginamit yung envelope na nasa likod ng card,” natatawang sagot ni Pola. “Hala, may envelpoe pala na kasama yun! Hindi ko alam eh, basta binili ko na lang yun,” sagot nya, natawa naman ang tatlong kasama nya. “Kaya naman pala nalaman nya, hay, malay ko ba?” sabi nya sa sarili. “Pare naman, bakit kasi hindi mo ko sinama nung  namili  ka,” sabi sakanya ni Ralph. “He, sige na change topic na, ito namang babaeng ‘to pinapahiya ako eh,” biro nyang sabi kay Pola, natawa lang ito.

Di nagtagal nag umpisa nang umambon, “Guys, tara na uwi na tayo, baka lumakas pa yung ulan,” saad ni Darlyn, alas siyete na kaya oras na rin para umuwi. Hinatid nya si Pola sa harap ng gate ng bahay nito. “Dalhin mo na muna yung payong, balik mo na lang sa akin kapag nagkita na tayo ulit. Ingat ka ha, I love you.” “I love you more, sige na matulog na ha, pagod eh. Bukas text mo ko,” pagpasok na nito sa loob ay umalis na rin sya.

Masaya sya na kahit palpak yung regalo nyang card para kay Pola ay masaya naman ito. Bago sya matulog ay muli nyang pinakinggan ang voice record nito paulit ulit hanggang sa makatulog sya. “Kung pwede lang sana na laging tayong magkasama, kung pwede lang na bago ako matulog ikaw ang makikita ko, maging sa pag gising ko ikaw ang una kong gusto makita. Kulang ang isang araw na magkasama tayo, Pola.”

Beauty and The Pig (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon