Lost

1.9K 85 16
                                    

Nasaan na ako?
hindi ko sila makita kahit saan.

wala akong kilala dito.
hindi ko rin sila makontak dahil wala network dito ang simcard ko.
lalo akong nanlalamig habang nag lalakad at tumitingin sa paligid.

paano na?
okey lang sana kung nasa pilipinas ako.
pero hindi! nasa ibang bansa ako at walang ibang kilala maliban sa kanila!
nanginginig ang katawan ko sa takot na baka hindi na nila ako makita.

Vicku, Bryon.

nabulong ko nalang sa sarili ko habang maluha luha na.
madilim paman din sa labas at mukhang uulan sa kasagsagan ng malamig na panahon.
nag lakas ako ng loob na lumapit sa dalawang babaeng umiinom ng kape sa isang coffee shop sa gilid ng daan.

e-excuse me.

sabi ko sa kanila na ngumiti naman sa akin kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.

How can we help you?

tanong nila sa akin.

I-im lost.

sagot ko sa kanila nag tinginan silang dalawa ng may halong pag aalala.

where do you live honey?

tanong nung isang babae sa akin.

I don't know the address.

sagot ko sa kanila.
habang tumatagal ang pakikipag usap ko ay nag uumpisa nanaman akong kabahan.
paano nalang kung hindi napansin ni Bryon at Vicku na wala ako?

who lives with you? do you have a phone number?

tanong naman ng isa na nag labas ng cellphone.
una kong naisip ang mag kakapatid pero baka hindi sila kilala ng mga ito dahil hindi naman sila dito citezen.

Exel! Exel Tracer Marcovick? you know him? i live in his house.

agad silang nag tinginan saka tumawa.
wala akong naging ibang reaksyon kundi gulat dahil sa naging itsura nila matapos ng sinabi ko.

why? what's wrong?

tanong ko sa kanila na tumayo na at isinabit ang mga mamahalin nilang bag sa kanilang mga braso.

He's an Heartrob Dear. Are you a fan or what?

tanong nila sa akin saka tumatawang umalis.
narinig ko pa ang sinabi nung isa.

is she crazy?

tanong pa nila sa isa't isa habang nag lalakad.
parang bigla akong nahilo dahil sa sobrang gulo ng isip ko.
pakiramdam ko umiikot ang paligid at wala akong makitang maayos.

napaupo ako sa kinatatayuan ko at ni isa ay walang lumapit para tanungin kung ayos lang ako.
huminga ako ng malalim habang nakatingin sa sahig,pilit kong pinakakalma ang sarili ko.

mag isip ka ng ibang bagay Riley. hindi ka pa malayo mula sa kanila.

naisip ko nalang saka ako dahan dahang tumayo at muling tumingin sa paligid.
ang mga matataas na building na nasa paligid ko ang tangi ko lang nakikita.
kahit ang entrance nung museum kung saan ako galing ay hindi ko na matandaan ang itsura.

kahit kaylan talaga Riley. hindi ka parin nag iisip ng maayos.

Bakit nga ba pinairal ko ang nararamdaman kong inis dahil lang sa hindi ako pinapansin ni Bryon.
bakit ko nagawang lumakad palayo ng hindi manlang iniisip kung nasaan ako?
masyado akong pakampante na hahabulin nya ako dahil gusto nya ako.

lumalaki na ang ulo mo Riley.
masyado ka ng pakampante.
ikaw ang may mali.
Ako ang may mali.

madilim parin ang paligid at nag babandya ang malakas na ulan sa kasagsagan ng malamig na panahon.
wala akong kahit anong dalawa kundi ang cellphone kong walang kwenta at sarili ko.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon