Armando's PoV
9:02 p.m. Wednesday
"Reyes!" sigaw namin. Sumunod naman si Carlos sa pagtumba.
"Anong nangyayari sa kanila?!" tanong ng Principal.
"Hindi po namin alam, Sir." sagot ni Esther.
"Wait. I think it's because of the tear gas." ani ko.
"What? Tear gas? How the hell did they breathe a tear gas?" nagugulong tanong ni Principal Nathan. Pinaliwanag namin lahat at dumating ang medical team at dinala sa clinic sa loob mismo ng dormitory.
Napahampas siya sa lamesa at galit na nagsalita. "Kagagawan na naman ng killer na iyon! Kailangan na nating mag-ingat lahat. Wag na wag kayong magpapakabulag sa mga kilos niya. Wala akong pake kung nandito man siya ngayon basta maghanap kayo ng posibilidad na ang katabi niyo o ang nasa likuran niyo ang killer. Wala ng patumpik-tumpik pa! Kumilos kayo, alamin niyo kung sino ang killer." galit niyang utos sa amin at sabay lumabas na ng dorm.
Nagkatinginan kaming lahat. "Now what?" tanong ni Rinel. Sa totoo lang, nagmumukhang leader na namin si Rinel. Lagi siya kaagad na kumikilos, gustong-gusto niya na malaman kung sino ang killer, parang dati wala siyang pake kung may gulo man. Meron kayang rason sa pagiging ganyan niya?
Sa totoo lang wala namang tumututol kaya mas maganda na may gumagabay sa amin.
"We need to go to the coordinates." utos naman ni Charles.
"Let's end this." seryoso niyang sabi.
Si Charles, isa rin sa mga gustong-gusto na malaman kung sino ang killer.
Alam mo para silang magka-tandem ni Rinel. Tawagin mo na silang "easy bestfriend" dahil sa pagtutulungan nila lagi. Ang bilis ng pangyayari sa pagitan nila.
Pero ako tangina. Hindi ako makagawa ng "da moves" kay Angelica. Pakipot pa kasi. Bago ako mamatay, gusto ko sana siyang matikman, bago pa matapos ang lahat. Napangiti ako ng matindi.
Nagulat ako ng siniko niya ako. "Huy anong nginingiti-ngiti mo diyan?" tanong niya.
"Ah-eh wala. Haha." pilit kong tawa.
"Baliw." naglakad na sila papunta sa mga kinatatayuan ng mga staffs.
"Maghintay ka lang Angelica." bulong ko at ngumisi.
Sarah's PoV
"Please!" pagmamaka-awa namin sa mga staffs ng Seiken Dormitory.
"Kailangan na naming malaman kung sino ang killer. Siguro ito na yun. Kaya kailangan na naming pumunta sa coordinates na binigay niya." sabi ko.
"But the Principal will--" pinutol ni Rinel ang sasabihin niya. "Hindi ba ang sabi ng Principal kailangan naming malaman na kung sino ang killer. Kayo ang sisisihin namin pag may nabawasan pa sa amin." pananakot niya.
"Okay. But you'll need to explain this tomorrow." sabi ni Mr. Seiken.
"Eric, here's the key please kindly drive them to what place they're saying." utos niya.
"Yes sir!"
Nakarating na rin kami sa wakas. Ito talaga yun?
"Wait. This is the hospital right? Cristine?" tanong ni Romeo.
"Y-yes." utal na sagot ni Cristine.

BINABASA MO ANG
Amity Isn't Real {Tangled Minds Series #2}
Mystère / ThrillerThis is not an ordinary revenge story you always saw in T.V series/Movies/Books or EBooks. Everything's twisted, everything's a mind blown. Why not see our main protagonist? The killer, and the justice they deserve, or they're seeking at the wrong p...