In a bacterial relationship?

3.6K 123 71
                                    

“Ms. Audrey, nasa oven na po ang naculture na Pseudomonas aeruginosa at Escherichia coli gaya  po ng inutos niyo, nasa autoclave na po lahat ng mga petri dishes at test tubes na ginamit, at nadisinfect ko na po at na- UV light ang Micro Lab 1 and 2.” Napatingin ako kay Celia na nasa glass door na nakaawang ng maliit lang, nakatanggal na ang lab gown niya, wala na siyang gloves at mask. Nakasukbit na rin ang bag niya sa balikat. Pauwing pauwi na siya.

“Anong oras na ba?” Ibinalik ko ang tingin ko sa ginagawa na pag-iinoculate ng bagong specimen sa nakuha kong bagong samples.

“Nagpaalam di ba po ako na maaga ako uuwi.”

“Oras, Celia, oras.” Sabi ko, wala akong panahon sa paligoy ligoy na sagot. Gagawa pa ako ng 200 streak inoculation ng mga samples na to at wala akong panahon sa mahabang seremonya.

“A-alas-kwatro po Mi-miss..” Rinig ko ang panginginig sa boses niya. Eto na naman tayo. Tinigil ko ang ginagawa ko. Tinanggal ko ang mask ko at ang gloves at sinukbit ko ang lab gown ko sa rack at pumunta sa pintuan.

“Excuse me” Pagpapasintabi ko kasi nakaharang pa rin siya sa pinto. Umurong siya at pinadaan niya ako. Habang marahan kong sinarahaan ang pinto paglabas ko.

Naglakad ako ng mabilis at ng malalaking hakbang papunta sa culture room para tignan kung nakaset sa tamang temperature ang mga bagong culture na specimen at kung tama ang pagkakaayos at labeling, dumaan din ako sumandali sa may autoclave area kung nakaset sa tamang pressure, init at oras. Matapos ay tinignan ko mula sa labas ng glass wall ang Micro Lab 1 and 2. Everything checked. Buti naman. Kung hindi ko ito gagawin baka may mali na naman mangyari dahil sa pagmamadali ni Celia at ako ang liable doon.

“M-miss, pwede na po ba akong umuwi?”

Napalingon ako kay Celia na nasa may gilid ko na tila hindi mapakali kung papayagan ko ba siyang umuwi ng maaga.

“Sige, papauwiin kita ng maaga. Pero bukas kailangan mo ako tulungan all the way sa classification and identification of colonies hanggang sa species.”

Napalunok siya at nag-alangan sumagot. “O-opo, Miss. Promise.” Tinaas niya ang kanan niyang kamay na tila napilitan.

“Sige na. Ingat sa pag-uwi.” Sabi ko.

Nagmamadaling tumakbo si Celia palabas ng laboratory department. May date siguro.

Naglakad na lang din ako pabalik sa Micro Lab 3 ng  maramdaman ko nalang na puno na ang bladder ko. Ngayon ko lang naramdaman na naiihi ako. Sobrang busy kase at mula pagkapasok ko kanina pagkatapos maglunch hindi pa ako lumabas ng laboratory para mag-CR or mag-tea break. Magkakasakit ako nito eh.

I flushed the toilet. Ang ginhawa lang ng pakiramdam ko. Lalabas na sana ako ng cubicle ng marinig ko ang pamilyar na boses ni Celia.

“She’s pathetic. Grabe paano niya nasisikmura na buong umaga hanggang gabi na puro bacteria, viruses o protozoans lang ang kaharap. At pati ako gusto pang daragin sa buhay niya ang karelasyon ay bacteria. Nakakaawa.” Rinig kong naghalakhakan ang mga babae niyang kasama sa  kanyang sinabi.

“Uy wag ka, ang alam ko for promotion na siya. After niya matapos yun Masteral thesis niya ipopromote na siya as Assistant Director ng Micro Laboratory. Naka-linya na sa President’s approval ang paper for promotion niya.” Sabi ng isang pamilyar na boses ng babae.

“Eh ano naman ngayon? Nakita niyo ba siya? Mukha na siyang bacteria dahil yon ang lagi niyang kasama. Ang balita ko wala man lang siyang naging boyfriend, wala man lang love life. Mataas nga ang posisyon niya pero tatandang dalaga na talaga siya na ang tanging  karelasyon ay mga bacteria at ang mga anak niya ay puro bacteria na rin. Ahahahaha!”

In a bacterial relationship?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon