Chapter 2

23 1 0
                                    

"Pogi Sukli mo!" Sigaw na syang nagpabalik kay Jomel sa realidad

Agad nyang tinungo ang cashier at kinuha ang kanyang sukli.

"Pasensya na po hehe!" Nasabi nalang nya sa kahera

Bumuntong hininga muna si Jomel bago lumingon at magpalinga linga sa paligid

"IMAHINASYON" bulong nya sa sarili

Walang kahit na anong bakas ni Prince ang naroroon, walang napasong dila, walang bawas ang kape, walang kagat ang tinapay.

"Hay ano bang meron sayo Prince at nagkakaganito ako!" Usal nya sa sarili

Isang malalim na buntong hininga ang muli nyang pinakawalan bilang tanda ng panghihinayang.


Buong araw na ginulo si Jomel ng sistema nya. Napapadalas kasi ang pananaginip at pagiimagine nya kay Prince na pati tuloy lunch nila ni Don ay naapektuhan. Nagdahilan na lamang sya na masakit ang ulo at katawan nya kaya nagpasya silang umuwi nalang.

Ngayon ay mag-isa sya sa kanyang kwarto. Iniisip nya ang lahat ng kaganapan sa kanya nitong mga nakaraan. Palagi nalang si Prince ang nasa isip nya. Palaging hinahanap ng puso nya at pati sa panaginip nagpapakita ito. Iba na talaga ang tama nya rito.

Napagpasyahan nyang maglakad lakad muna sa labas nang hapong iyon, nagsawa na kasi sya kakastalk sa mga social media accounts ni Prince. Gusto nya munang mabaling sa ibang bagay ang atensyon nya, dahil kung patuloy kay Prince iikot ang isip nya, tiyak bukas baliw na sya.

Nagsuot lamang sya ng fitted na black ripped jeans na tinernuhan ng white sweat shirt. Nag-ayos sya ng buhok at nagpabango.

Bago lumabas ay inunplog nya muna ang lahat ng appliances nila para iwas sakuna. Nagdala rin sya ng extra cash para kung sakaling may gusto syang bilhin ay mabibili nya.




Hindi namalayan ni Jomel na nasa isa na palang syang maliit na parke sa lugar nila. Namangha sya sa kagandahan ng lugar. May palaruan, may malaking puno na kinabitan ng tali na may ilaw at kinabit sa nakapalibot sa mga streetlights sa gilid nito, may mga landscape na puno ng iba't ibang uri ng bulaklak, may mga food stalls and clothing stalls na nakahilera sa daanan at ang pinaka nagustuhan nya ay ang mga taong masayang namamasyal dito, halatang halata sa hitsura ng mga ito ang kasiyahan kasama ang mga mahal nila sa buhay. May masayang naghahabulan, may mga naseselfie, masayang natatawanan, nagkwekwentuhan. Lihim syang napangiti. Ganito kasing tanawin ang nag-aalis ng stress nya.

Dumiretso sya sa mga food stalls at bumili ng ihaw-ihaw at inumin matapos nito ay naglakad lakad sya sa kahabaan ng parke. Hindi pa man nakakalayo ay naaninag nya ang taong gumugulo sa isipan nya, si Prince, na naka suot ng jersey, sweat shirt at sapatos panakbo. Tumatakbo ito sa direksyon nya, marahil ay nagjojogging.

Kinurot ni jomel ang sarili nyang pisngi ng pagkalakas lakas, nasaktan sya.

"Totoo nga, hindi na imagination" wika nya sa sarili

Tatalikod na sana sya para umiwas dahil mababaliw na talaga sya ag nagkataon ng bigla syang tawagin ni Prince

"Jomel! Sandali" sigaw ni Prince sakanya

Automatiko naman syang napatigil. Napako sa kinayatayuan nya. Hindi nya alam ang kanyang nararamdaman nang mga oras na iyon. Tila isang musika na masarap sa tenga ang mga salitang narinig nya.

Napatingin sya kay Prince na malapit na sa kanya. Napabuntong hininga sya. Gwapo ang hitsura nito ni hindi manlang kinadugyot ang tagaktak nitong pawis na sa totoo lang ay nakakadagdag sa pagiging Gwapo nito.

Tayo Parin Hanggang Dulo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon