Chapter 1

13 2 0
                                    

Prologue

Posible kayang magmahal ang tao ng isa lang?
Yung tipong makukuntento ka na sa isa at hindi na titingin pa sa iba?

Yung nakukuntento ka na lang na makita syang masaya, dahil may iba ng nagmamay-ari sa kanya.

Mistula akong buwan na nagbibigay kadiliman sa kanya. At sya naman ang araw na nagpapaalala saking kailangan ko ng gumising sa katotohanang hindi nya ako makikita sa kung paano ko sya nakikita.

Masakit man ay mas pipiliin mong gumawa ng paraan kung saan magiging masaya siya.

Dahil pag nagmahal ka, lahat ng sakit titiisin mo makita mo lang na masaya siya, masaya siya kahit hindi ikaw ang dahilan ng kasiyahan niya.

Mahalin din kaya ng binatang si Daemon ang dalagang labis na nagmamahal sa kanya na si Yanna?

Masuklian din kaya nito ang pagmamahal na matagal ng ipinaparamdam ng dalaga sa kanya?

Oh huli na para mahalin niya pa ang dalaga?


Yanna's P.O.V

"Yanna, come on! Malelate na tayo, at hello hindi ko pinangarap na ma-late sa first day of school no!" Inis na sabi ni Emma at sinamahan pa ng irap. Kung hindi ko lang kaibigan to susungalngalin ko na talaga to e.

Bumalik kasi kami sa bahay dahil naiwan ko yung regalo ko kay Ria. Baka magtampo yun kung hindi ko maibibigay yung regalo ko.

"Wag ka ngang mag-inarte dyan Emma, basta ako may regalo na kay Ria. E ikaw?" Natatawa kong sabi sa bruha, paano ba naman e sobrang war freak ng bruha kaya ayan pina-hold ni Tito Daryl lahat ng cards niya. At ngayon nakikisabay pa sa akin dahil sa pati ang car key niya ay kinuha ni tito. Natatawa na lang kanina ng sabihin niya ang lahat ng yan.

"Nakakainis kasi ang haliparot na babaeng yun! Kung makalingkis lagi sa braso ni Cholo akala mo naman siya ang girlfriend. Hmp!" Ewan ko sa babaeng to, hindi naman sila ni Cholo pero kung makabakod sa kaibigan namin akala mo asawa na niya.

"Emma, please wag mo ng uulitin yun. My goodness anak ng Mayor ang sinabunutan mo. Ayan tuloy nakakuha ka ng punishment kay Tito Daryl. At i-uupdate lang kita Emma, walang kayo ni Cholo kaya lumugar ka hija. Natatawang sermon ko sa bruhang ito dahil kaming magkakaibigan ang nai-stress.

"Dapat lang yun sa kanya no! Yanna alam mong love kita dahil maasahan ka at ikaw ang pinaka makakaintindi sa sitwasyon ko kaya kahit ang sarap mong idukdok sa manibela mo dahil sa sermon mong yan sa akin hindi ko gagawin no." Nag pout pa ang bruha. Kung hindi ko lang mahal ang bruhang ito, naku.

"Kung tutuusin nga ang wife material mo e, but you see hindi mo ako mapipigilang hindi awayin ang mga babaeng lumalandi kay Cholo dahil nakakapang-init sila ng ulo." Pag papatuloy na sabi ni Emma, hindi naman namin sya mapipigilang mahalin si Cholo dahil grade school palang kami in love na ang bruha kay Cholo.

"Whatever. Nandito na tayo prinsesang bruha, bumaba na po kayo at baka masipa pa po kita palabas ng sasakyan ko." Biro kong sabi kay Emma dahil nakarating na kami sa Cobalt University. Nag pout pa ulit ang loka loka at sinamaan ako ng tingin. Natatawa ko siyang sinundan sa hallway kung saan nakatambad ang hele-helerang mga papel na nakapaskil sa gusali ng hallway. Mga listahan ng pangalan ng enrollees at sections ng mga ito.

Thank you for reading this chapter😘
Sana suportahan nyo po yung first story ko😅🙏
Lovelots💞

We Could HappenWhere stories live. Discover now