Third person's pov
Few days before...
Binagsak ni Maximus ang hawak na bote ng beer. Gigil na gigil siya sa nalaman kaya naman gano'n na lang ang galit na umuusbong sa kan'ya. Matalim niyang tinitigan ang mga kausap.
"Sinong putangina ang pumatay kay Alfonso?" galit at madiin na tanong nito ngunit walang sumagot. Lahat ay nanatiling nakayuko at tahimik dahil sa tensyon ni Maximus.
"Walang sasagot?" malumanay na tanong muli ng lalaki.
"A-Alam ko po..." biglang singit ng isang lalaking nakaupo sa sira-sirang sofa ng lugar. Agad dumapo ang mga paningin sa kan'ya kaya naman lalo siyang kinabahan.
"Sino?" tanong ni Maximus.
"S-Si.. Grey Falcon po," nauutal nitong sagot. Nanatiling tahimik ang silid dahil sa gimbal ng sinabi niya.
"Grey... Falcon?" hindi makapaniwalang litanya ng isang lalaki sa tabi. Maya-maya ngumisi ito at sumandal sa upuan, "Si Grey. Ang taksil na 'yon, anong gusto mong gawin namin sa kumag na 'yon, Maximus?" mayabang na tanong niya rito.
Tila ay nag-isip si Maximus. Kapatid ni Maximus ang pinatay na si Alfonso, pero 'di gaya ni Alfonso na gustong pumatay dahil sa pera... si Maximus ay miyembro ng ISIS. Kaya naman gano'n na lang siya katakutan ng mga tao nito. Lingid sa kaalaman ni Grey, hindi niya kilala ang mga 'to ngunit siya ay kilala bilang naging miyembro siya ni Alfonso.
"Pahirapan niyo ang gunggong na ‘yun hanggang sa mamatay. Naiintindihan niyo?" baling nito sa walong lalaki na nandito kabilang si Ralph-- ang dating kaibigan ni Grey.
Matunog na ngumisi ang lider ng grupo, si Brendon, "Walang kawala sa ‘kin 'yang taksil na 'yan, Maximus." paninigurado nito.
"Maghanda kayo, sasama ka samin, Ralph." baling nito sa nakaupong si Ralph na hindi maitago ang kaba. Tumango na lang ito at isa-isa na silang lumabas ng silid.
Queenie
Present
Handa na ang lahat, naka-set up na rin ang tables. Even the foods are ready to serve. Ito ang unang beses na magdaraos ng event dito at ang saya ko dahil dito nila napiling mag-celebrate.
"Yes, Mom I know, nakikita ko na papasok na sila," sabi ko kay Mommy habang magkausap kami sa phone. Gusto kong sumaya para kay Mommy kasi ito ang gusto niya ever since but... hearing her voice like this makes me wanna cry. Hanggang ngayon nag-aalala pa rin siya tungkol kay Daddy.
"Sige na, Queenie, I'm happy for you dahil sa event diyan," aniya.
Napabuntong hininga ako, "You doesn't sound happy, Mom." Pagsabi ko ng totoo. Narinig ko naman siyang nameke ng tawa.
"Nag-aalala lang ako sa Dad mo, Queenie."
Muli akong bumuntong hininga saka tumingin sa mga guest naming masayang pumapasok, "Maaayos din ang lahat. For now, just relax okay? We won’t let that happen."
Matagal bago siya sumagot, "Okay, darling..."
Napangiti ako. Alam kong gusto ni Mommy magsaya dahil sa achievement na 'to pero hindi niya maiwasang mag-aalala. Gano'n din ako para sa kanila.
Nang maibaba ang linya ay agad kong binati ang guests namin. Sandali ko munang tinapon ang mga pag-aalala sa akin.
"Good afternoon, Ma'am, Sir. Please enjoy our coffees. I’m really glad to see you today," litanya kong bati sa mga tao na siyang binibigyan naman ako ng ngiti bilang sagot.
YOU ARE READING
CRIMINAL [Under Major Editing]
Gizem / GerilimA legendary heartless devil who will appear in Queenie's hapless life. A love that can give him supcremacy and domination... but there's one way to gain this strength...