Dear Diary

763 19 27
                                    

~~~~~~~~~~@@@@@@@@@@~~~~~~~~~~

" sa stairs tayo dadaan kasi nandyan ang crush ni Earley " sabi ni Yanni

" ano ka ba ? baka malaman niya na palagi ko syang sinusundan " sabi ko sa kanya

Ako nga pala si Earley Regencia 1st year College , course ko ay Accountancy at kaibigan ko naman sina Yanni at si Raya pero Commerce po ang course nila sila lang ang nakakaalam sa crush ko , si Patrick nga pala ang crush ko , but his friends call him Pat , ang cute nga nang name combination namin eh , " PATTY " parang crabby patty haha , dancer nga pala siya , grabe galing niyang sumayaw tapos ang gwapo niya talaga para siyang isang k-pop ... 

" uiiiii Yanni bilisan mo ,dito tayo sa stairs dadaan " sabi ni Raya habang hawak niya ang kamay ni Yanni tapos si Yanni naman ay hawak niya rin ang kamay ko

" ui guys ayoko ngang dumaan diyan-"

*boink*

" na-naku po so-sorry "

Si Pat pala ang nakabangga ko , ang kulit kasi nina Raya at Yanni

" ayaw mong dumaan dito noh dahil sa nahihiya ka sa akin ? " biglang sabi ni Pat

" shockzz!! ang haba nang ilong mo , di kita crush noh " umalis ako at diniwalan ko siya

Ito naman kasi si Yanni eh binitawan niya ang kamay ko nung naka bangga ko si Pat , actually eh kapag kaharap ko siya eh di ako nanginginig , normal lang ako , relax , at parang wala lang talaga para naman di niya mahalata na may gusto ako sa kaniya noh ...

" hahaha ang sweet naman non" sabi ni Yanni

" anong sweet eh inaway nga niya eh " sabi naman ni Raya

" kayong dalawa ha gusto niyo e tulak ko kayo diyan ? " sabi ko sa kanila

" sige go para e save ako ni Pat , geh na , tulak mo na ako " sabi naman ni Yanni

" nakakainis ka talaga !!!!!! "

..Kinabukasan..

Classmate namin si Pat sa English subject namin tapos ay may project kami at 'yun ay ang Diary namin, color sky blue ang Diary ko , dapat complete date ito , di naman 'to babasahin ni Ma'am pero e passed lang daw namin , first subject namin sa umaga ay ang English tapos palagi lang akong na la-late dahil ganyan na talaga ako since highschool pa , 8am nga pala mag start ang class namin , buti naman di ako na late ngayon ..

*yawn .. " kulang yata ang tulog ko " sabi ni Yanni

Natutulog ito kahit nasa harap si Ma'am , di naman siya takot kay Ma'am kaya ginawa niya kung anong gusto niya ..

" psst Earley , tignan mo si Pat o , may chicks na naman " bulong ni Raya sa akin

" bahala siya , malandi kasi 'yan eh " sabi ko sa kanya habang nag susulat ako

" naku naku Earley , papunta si Pat dito " hinampas niya ako nang notebook niya

" aray ! ano ba , dapat lang pupunta siya dito dahil nakita ko siyang may kabit no " nag biro na lang ako pero kinikilig ako dahil papunta si Pat sa amin

palapit..

palapit..

palapit..

" ayh " sabi ni Raya

" hoyy!! Yanni umuulan nang pera sa labas " sabi ni Pat kay Yanni

" tsk sayang , si Yanni lang pala ang pinuntahan niya " sabi ni Raya

" aarrggh!! Pat ano ba , dun ka kina Earley oh , natutulog 'yung tao tapos ginugulo mo " galit naman si Yanni

" hi Earley " nagpacute pa ito

" eeww 'dun ka nga ,di ka bagay dito " sabi ko sa kanya

" bakit ?  dahil gwapo ako ? " sabi niya

Tumawa na lang ako tapos ay umalis kami ni Raya sa upuan namin dahil nahihiya talaga ako sa kanya kaya parang may pagka maldita ako kapag siya ang kausap ko ..

" tsk , maldita ka talaga " sabi niya sa akin

" ikaw ? gwapo sana pero mayabang " sabi ko

" gwapo ba ang sabi mo ? ayeeee "

Nakakainis na talaga siya kaya di ko na siya kinausap , nag transfer kami nang ibang chair pero ito naman si Raya eh palagi niyang tinitigan si Pat

" hoy Raya , tama na ang pagtitig baka ma inlove ka niyan " sabi ko sa kanya

" eh hindi eh tignan mo kinausap niya si Yanni oh , nako girl 'wag kang mainggit " sabi ni Raya

" eh di sa kanya na 'yan hahaha " tumawa na lang ako

How many days ay hindi nawala ang pagkacrush ko kay Pat , kahit may girlfriend na siya bahala na , crush ko lang naman siya eh , tapos sina Raya naman ay palagi nila akong inaasar kay Pat kaya kinikilig rin ako pa minsan-minsan ..

..last day of 1st semester ..

" naku late na naman ako , pano na to , di ko na ma pass ang Diary ko " ..

Tumatakbo ako nang mabilis dahil late na talaga ako at may exam pa naman kami ngayon sa English .. pagliko ko ay may nakabangga ako at ang sakit talaga non dahil ang bilis kasi nang takbo ko tapos bigla lang may bumangga kaya 'yung Diary ko ay nahulog ..

" Pat ?! anong ginagawa mo dito ? " tanong ko sa kanya

" late rin ako noh "

Tumakbo ako dahil baka nagsimula na ang exam ..pagpasok ko ay wala nang tao , si Ma'am lang ..

" o Earley late ka na naman ? "

"naku Ma'am sorry po "

" okey lang , oh heto , paper mo , simple lang ang exam ngayon , o Pat , heto rin "

Nakaupo ako sa first row tapos si Pat naman ay sa second row pero sa pinaka last siya nakaupo , and i started answering my paper ..

After how many minutes ay umalis si Ma'am dahil may kukunin siya tapos sabi niya ilagay lang daw namin ang Diary namin sa desk niya ..

" teka ?! san ang Diary ko ? "

" color black ?! "

I open the Diary tapos may mga date ito at nakita ko may mga pangalan ko , first page lang ay nakita ko na ang full name ko tapos ang daming love love ha at may heart heart pa ito , lumingun ako para tignan ko si Pat pero pag lingon ko ay wala siya sa upuan niya..

" EARLEY!! "

" AYH KABAYO !!! "napasigaw ako dahil kaharap ko na siya

" Diary ko 'yang binabasa mo !! " kinuha ni Pat ang diary niya tapos binigay niya ang Diary ko at lumabas na siya

Di ako nakapagsalita dahil nabasa niya ang diary ko at nabasa ko din ang diary niya , di ko alam na mali pala ang diary na nakuha ko kanina..

" may gusto ka pala rin sa akin ha " bigla siyang bumalik sa room tapos abot tenga ang ngiti niya ..

~~~~~@@@@~~~~~

Actually wala matagal na pala silang break sa gf niya , di ko kasi alam 'yun tapos ay nung nilapitan niya si Yanni eh nag ask lang siya tungkol sa akin , hihihi ang cute noh ?? i feel like heaven talaga .. xD

_________________________________________________________________________

Thanks for reading my story guys :D

I just dedicated this story for my friend :D

So i hoped you liked it , hehehe di medyo maganda pero bahala na  :)

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon