Part 1

1 0 0
                                    

"Ken!" napalingon ako sa pamilyar na boses na tumawag sakin.
"Oy musta Bry? Nakaenroll ka na?" tanong ko sa lalaking papalapit sakin habang medyo hinihingal pa.
"Di pa nga eh? Nalate ako ng gising, ikaw ba?" Tumango ako sakanya at sinabing nakaenroll na ko.

Maaga-aga rin akong natapos gawin ang dapat kong gawin. Mga papers pag papaenlist, pagbayad and so on. Plinano ko talagang maaga pumasok para matapos ko kaagad dahil ayaw ko dumagsa sa dami ng tao.

Umupo ako sa bench na malapit sakin at tinignan ang schedule namin sa registration card.
"Uy yan ba yung sched natin?" Tumango naman ako. Kaklase ko si Bryan, block section kami simula first year at eto 3rd Year College na kami sa pasukan. Ang bilis naman ng pangyayari.
"OY!" Nagulat ako sa biglang sigaw ng lalaki sa likuran ko.
"VINCE" sabay naming sabi ni Bryan, at kinaltukan siya sa ulo. Pano ba naman bigla bigla na lang mang gugulat.
"Ansakit ah? Grabe kayo! Parang yun lang? " Medyo nagtatampo ba ito na parang bata pero tinawanan lang namin.
"Vince, nakapagpaenlist ka na?" Tanong ni Bryan rito. Nakikinig lang ako sa kanilang pag-uusap ng biglang may umagaw sa atensyon ko.
Isang babaeng may shoulder length na buhok na may blankong mukha. Walang kaemo-emosyon. Siya si Mary. Kagaya ng dati naagaw niya nanaman ang atensyon ko, nagpagupit siya mas lalong umiksi ang buhok niya at mag-isa siya ngayon. Tumingin ako sa paligid pero mukhang wala nga ang mga kaibigan niya.
Si Mary, hindi ko alam ang buong pangalan niya. Mary lang kasi yung nasulyapan ko sa ID niya noong nagkaroon ako ng pagkakataon. Taga ibang college siya pero ang alam ko magkasing year kami. Parati ko siyang nakikita, sa di malamang kadahilanan kaya siguro ako nagkainteres sakanya pero more or less hanggang dun na lang yun dahil may girlfriend ako.
"Oy Ken?Magpapaenlist lang tong si mokong, sasamahan ko na muna ikaw ba?" Tanong sakin ni Vince.
"Nah? Dito na lang muna ako sabihin niyo na lang kapag magbabayad na kayo sa cashier dun na lang ako sasama" sabi ko sakanila sabay tayo sa pagkakaupo ko sa bench.
"Ganun ba? Sige mamaya na lang" sabi ni Bryan at agad agad tumakbo papasok ng building.
Ayoko sumama nakakapagod kasi umakyat ng hagdan nasa 4th floor pa ang department namin plus magkikita pa kami ng girlfriend ko.
Dinial ko ang number niya sa cellphone ko. Mga ilang ring pa pero di niya sinasagot. Pumunta akong malapit sa stage kung saan parati kaming nagkikita noong nililigawan ko pa lang siya. Oo, espesyal sakin ang lugar na to. Umupo ako sa gilid nito at nagbakasakali na baka makita si Karen, girlfriend ko.
Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko na agad.

Babe? Nasan ka? Call mo ulit ako

Ang sabi sa text nito. Tinawagan ko naman siya agad.
Isang ring pa lang pero narinig ko na may nagring rin sa malapit, sinundan ko ang tunog at dinala ako sa likod ng stage.
"Oy babe, nandyan ka lang pala" sabi ko kay Karen na may kasamang classmate niya ata, isang babae at dalawang lalaki.
Ngitian naman ako nito, at lumapit sakin.
"Babe! Namiss kita" sabay yumakap ng mahigpit sakin at hinalikan ako sa pisngi. Ang sweet talaga ng girlfriend ko sa isip isip ko niyakap ko rin siya pabalik. Napatingin naman ako sa mga kaklase niya pero di ko mapaliwanag ang reakyon nila. May mali ba? PDA ba masyado? Bahala na wala akong pake.
Di naglaon tinawagan na ko nila Vince at Bryan na pupunta na raw silang Cashier kahit parang ayaw ko na sumama pumunta pa rin ako. Buti na lang mabait si Karen at pinayagan akong umalis sa tabi niya.
Papalapit na ko sa cashier ng makita kong mahaba ang pila. Buti pala maaga ako at di ako pipila ng kahaba haba.
"KEN!" rinig kong sigaw ng tao sa bandang dulo ng pila. Sila Bryan pala. Lumapit ako sakanila at kinamusta.
"Kenji pabantay naman ng Bag namin ang bigat dalhin sa pila eh" Pakiusap sakin ni Vince.
"Sige lang basta ba libre niyo ko ng lunch" Sabay ngisi ko sakanila.
Nakita ko namang pumapatak na ang pawis nila sakanilang mukha. Di mapagkakaila na sobrang init ng panahon ngayon samahan mo pa ng mahaba-habang pila sa cashier na kung saan nakatayo kayo hanggat makarating sa unahan.
"Buraot talaga to, sige na, sige na basta ayusin mo yung pagbabantay dyan Linao hah?!" Sabi ni Bryan na mukhang naisahan. Ngiting aso naman ako dahil makakalibre ako ng lunch.
"Oo na, oo na" dahil medyo good mood na ko kinuha ko na yung bag nila na pagkalaki laki at umupo kung saan malapit sa cashier kung saan agad nila akong makikita.
Ano kayang laman nito ay medyo may pagkamabigat gayong enrollment naman? Anong trip kaya ng mga yun?

Bigla namang may umupo sa tabi ko pero di ko naman masyadong binigyan ng atensyon dahil natatakpan ang mukha nito ng hawak niyang libro.
Oh? Nasa gitna na pala sila Bryan? Sa isip ko ng makita kong medyo lumapit na sila sa unahan.
May naramdaman akong kakaiba, hindi ko lang pinapansin pero parang may kakaiba talaga kaya tumingin ako sa unahan, likuran, kanan at ..... kaliwa. Nakita ko ang isang pamilyar na mukha, ganun pa rin wala pa rin itong ekspresyon pero taimtim itong nakatingin sakin. Nakatingin ako sa kanyang mukha ng biglang dahan dahang bumuka ang kanyang bibig sabay tanong sakin na isang kakaibang bagay.

"Naniniwala ka ba sa love at first sight?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Suddenly, its youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon