Sir Naman Eh! (One Shot)

734 19 8
                                    

"Class find a partner and solve this equation on your paper." Sabi ni Sir.

Ano bayan. Sino kayang pwedeng maka partner? Lahat naman yata halos naka partner ko na eh.

Pwede bang si Mack-Mack nalang? Yung Crush ko XD Kaso ayun may partner na siya e. Yung tropa niya. Tsk. Tsk.

"Class wait lang pala. Lagyan natin ng konting twist. Lahat ng boys stand up! punta kayo dit sa harapan."

At dahil uto-uto yung mga classmate kong boys, Ayun pumunta nga sila sa harapan.

Eto na naman si Sir. Madaming alam. Maligo lang hindi. >___<

"Ano na namang pakana 'to? Ano na naman bang nasinghot ni Sir?" Tanong ni Jorylyn. Bestfriend ko.

"HAHAHA. Naka-Katol yan eh. Yaan mo na. Wala din akong idea kung anong ipapagawa niya sa mga boys ehh." Sagot ko.

Ano kayang ipapagawa ni Sir sa kanila? Bakit hindi kasama yung mga girls? Sasayaw kaya? Baka Kakanta?

"Boys, Pumili kayo ng partner niyo sa mga girls." Sabi ni Sir sa Kanila.

WAlANJO. Ayun lang pala eh. Asan yung twist dun? Nakasinghot nga talaga si Sir.

Eto namang tanga-tanga kong mga classmate na boys nagsihanap na ng mga partner sa Girls.

"Wait lang. Hindi pa ko tapos. Nagsihanap na agad kayo ng mga partner niyo. BALIK!" Sigaw ni Sir.

Wala ehhh. Uto-uto talaga yung mga boys. Tiningnan ko si Mack-mack. Weeeeee~! Ang gwapuuu-Gwapuuu niya talaga *O*

"Kailangan yung pipiliin niyong partner ehh yung crush niyo or dun sa babaeng may lihim kayong pagtingin." Dagdag pa ni Sir.

Awtsuuuy. Ayun lang pala e. Pipili lang yung boys sa mga girls ng kanilang makakapartner pero kailangan yung piliin nila ehh yung crush nila. Madali lang.

Teka. Yung crush nila?

CRUSH TALAGA? Hala ka?

Ang dami namang nagreact sa sinabi ni Sir.

"Sir naman ehh! mabubuking ako!"

"Sir iba nalang, wag na yung ganito!"

"Sir yung mga girls nalang yung pipili lagi nalang yung mga boys!"

At ang nagiisang babaeng nagreact ay ako.

"Sir naman ehh! Syempre nakakahiya yun para sa mga boys!"

Actually hindi talaga ayan yung dahilan ko. Natatakot lang akong malaman kung sino yung crush ni Mack-mack. Wala ehh. Masakit kaya yun.

"Sige Yhannie! Gusto mo yung mga girls nalang yung papapiliin ko?" -Sir.

"Ay wag na sir! Okay na yang mga lalaki! Go boys kaya niyo yan!" Sagot naman ni Jorylyn.

Langya. Ako yung tinanong siya yung sumagot! Sabagay, Ayun din naman yung isasagot ko. Sino bang babae ang gustong mabuking sa crush nila?

"Ohh boys dali na! Pili na! Tandaan niyo, Dun sa babaeng may lihim kayong pagtingin ahh. Tinutulungan ko lang yung mga torpe dyan." -Sir.

Si Sir ang Lande. Kinikilig pa kunware. Potek. TAGLANDI SA PINAS!

Nagsi pilian na yung mga boys. Tiningnan ko ulet si Mack-mack. Nakatayo lang siya sa sulok. Sino kayang pipiliin niya?

"Hoy! Mack-mack! Lapitan mo na si Yhannie! Nahiya ka pa." Sigaw ni Jorylyn.

HaLaaaaaaa! Bakit ba ko nagkabestfriend ng maingay? Waaahh! Inalis ko yung tingin ko kay Mack-mack kasi nakakahiya. tumingin ak kahit saang direksyon.

Nakita ko namang ngumiti si Jorylyn ng pagkalawak-lawak. Bweset. Ano na naman ba 'to?

"Tara Yhannie! Partner tayo." Paglingon ko sa gilid ko, Nakita ko yung pagmumuka ni Mack-mack na parang nahihiya.

Walangya. Talaga tong bestfriend ko ehh. Pero okay na din Atleast kinikilig ako. HAHAHA.

"S-sige."

Waaaah!! Totoo ba talaga ako yung crush niya? Weeeeh?

Hinarap naman niya yung upuan niya sa 'kin. Ako, hindi pa rin gumagalaw. Ewan ko parang na freeze ako.

"Ohh. Magharap-harap naman kayo class! Basta girls tandaan niyo, Sila yung may mga lihim na pagtingin sa inyo!"

Letche. Sana nga lang totoo. Muka kasing napipilitan lang 'tong partner ko eh. >.<

"Ayos ahh. Parang date lang." Bulong ni Mack-mack sa 'kin. 

Ngumiti lang ako sa kanya tapos hinarap ko na din yung upuan ko para magkaharapan na kami. Shet. KENEKELEG NEMEN EKE.

Natapos naman namin sagutan yung equation na binigay ni Sir. Chicken nga lang e.Walang nagsasalita sa 'min. Except kung kailangan lang talaga. Ewan. Nahihiya kasi ako. :3

"Nice Mack. Dumadamoves ka ahh." Sabi ni Jerard. Isa sa mga tropa ni Mack-mack.

"Ganun talaga."

"Pero Mack, Yung totoo bakit si Yhannie yung pinili mo?" Tanong ni Jerard sabay Smirk.

"Ahh... Ehh.. Kasi wala akong papel. Nakita kong may papel siya kaya siya yung nilapitan ko."

A-ano daw? Dahil may papel ako? Ganun? Ibig sabihin hindi niya talaga ako crush? Aww. Pesteng papel 'to! Nakakainis!

"Uyy. Joke lang." Sabi niya sa 'kin.

"H-ha? Ge. Okay lang" Sabi ko sabay ngumiti ng pilit.

"Edi Mack, Ibig sabihin may crush ka talaga kay Yhannie?" Tanong ulit ni Jerard.

"Oo naman."

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ayunn! Nakatapos na naman ng bagong one shot! ^___^ Shinare ko lang po sa inyo yung nangyari noong Valentine's Day. Opo. Totoong nangyari yan sa 'kin. :D

Sana Magustuhan niyo :)) Labyuuuu Guyss! ♥♥♥

Sir Naman Eh! (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon