"Carol!Carooool! Gising ka na nga! Baka matuluyan ka na eh!Uyyyyy!"
Woaw. Napasobra na naman ata ang pagpupuyat ko kagabi. Weekend na kasi.
Nilulubos ko na lahat. Lahat ng pwedeng makain, kainin na.
Lahat ng pwedeng panoorin, panoorin na. Lahat ng posible, gawin na.
"Anong oras na ba, kuya?"
"Alas - tres na.Aalis na ako.Ikaw na bahala dito ah.Malelate na ako."
Eto na naman sila. Lagi na lang akong iniiwan.Lol, ang drama ko 'teh.
Okay lang, sanay naman ako na walang kasama palagi. Palaging nasa trabaho
parents ko.Tapos lahat ng kuya ko may sidelines na, bihira na umuwi.
Yung iba nasa ibang bansa naman nag - aaral. Ayoko ng sideline kas-----
*Beep Beep
"Wow. May nagtext."
GM lang pala. Tungkol sa kung gaano kainit ngayong araw.
dafuuuq! Ano bang pakielam ko?! I'm too cool for that. Teehee :3
Lumabas na naman pagka feelingera ko.Oh well.
*Beep *Beep
"Nako! Isa pa 'to! Sino na naman ba 'to?!"
*1 message received
*Show
* Antonio: Wooo.Here sa Ocean Park.Ang saya kahit mainit.
Goodafternoon sa lahat. >:D<
//group
"OM?! Nadamay ako sa GM ni Antonio.Ship! Mainit daaaw!
Hehe, ang hot ko kasi eh.Ansaya naman.:"">"
Wow ang fickle - minded ko. Kanina lang naiinis ako sa nagtetext ng mainit pero
nung si Antonio na, makakilig naman ako WAGAS!Sana uminit pa lalo
para mag gm pa siya :))) <33
"Kailangan ko 'tong inote sa diary ko.Ano bang date ngayon?"
"Hmmm... 14 pala ngayon.. WAIT?! Sunday na? Nako!'Di ko pa tapos yung
Physics Take home test namin.Tengene naman"
Hala sige!Kahog kahog nanaman ako nito bukas! Kopya doon, kopya dito.
Bahala na ung magchecheck na intindihin 'to.Makikipag - away na naman
ako kasi ako ung unang nagpaalam tapos may ibang kokopya.Sheeet=)))
*Kinabukasan
"May sagot ka sa # 67?"
"Meron! eh sa 28 meron ka?"
"Wala! Si Kim meron yun!Matalino yun eh."
"Nakanino yung second page ng take home ko??
Ibalik niyo naaa!Kokopya pa ako."
"Anoo, may stapler ka?>.<"
Ayan na nga ba sinasabi ko, kanya-kanya ng style iyan
para makumpleto nila.
"Carol! Nagawa mo ung part mo?"
Nako patay. Paano ko sasabihin na nakatulog ako?Nakngteteng o!
"Nako, ah ehh.OO wait lang irerewrite ko lang ah!"
"Haay.Salamat.Sasabunutan kita sana kung hindi eh, lels."
Woow.Nakahanap din ng alibi. Yun nga pala si Niqqy.Bestfriend ko.
Lagi kong kasama kung saan - saan.Pareho kaming maingay XD
Masaya siya kasama=)))Wait mamaya na tong intro - introduction.
Kanino ako kokopya?!Shemay naman.:(
"Marie!Pahiram naman ng second page oh."
"Ay Carol sorry. Nakay Ilay eh."
"Ay sige salamat na lang</3"
Wala na bang mas mamalas pa sa araw ko?!
"Uy Carol.Nasa akin pala Stat Notebook mo.
'Di naman chineckan ni Ma'am Li nung Friday eh.Haha"
Ayy hindi pala ako malas, swerte pala ako. Napakalaking privilage naman
na mailagay ang notebook ko sa locker niya.Waah.Ang cute niya
talaga.Kaso iba naman ang gusto niya eh. Si Niqqy yung nababalitang
crush niya.Saklap namaaan. Wait wala na akong panahooon.
Kailangan ko ng kumopya.
"Haaaay, salamat. Nakaraos din tayo sa physics kanina.Ilan ka?"
"3 mistakes." Kahit nakokonsensya ako dahil puros kopya ko lang.
Lahat naman kami eh.Lol pamapulabag - loob.
"Ah ako 4! Mali kasi ung explanation ko sa blah blah blah----"
Hindi ko na narinig sinabi ni Niqyy.Parang nabinge ako.Nawindang na naman ako.
Nakalimutan ko ata na nasa earth pa din ako.Akala ko nasa langit na ako
nakakita kasi ako ng anghel na naglalakad.Si JM. Jusko, first year pa lang tinadtad
na ako ng pana ni kupido sa sobrang pagkagusto sa kanya. Hindi ko masabi na sapat
na ang word na "obsession". SOBRA pa ata kasi ung nararamdaman ko.
"Ayyy sige! Magnilandi ka na naman diyan 'te! Kita na nagsasalita ako eh!
Kung kani - kanino nakatingin!"
"Ay Sorry naman.Masama madistract sa magagandang bagay?=))"
"Asus! Ang layo layo ni JM eh! Paano mo naman nakita agad! Ano bang
mata meron ka?"
"Mga mata para sa kanya!"
Nako eto na naman ako ang assuming, feeling at palaasang si Carol.
"Wag ka ng bumanat te!Di na iyan effective!Overused na iyan.
Dapat gumagawa ka na din ng paraan!Nako mabubulok ka diyan
sa pagmamahal mong iyan.Ang manhid naman niyan eh.Alam
ata ng buong batch na mahal mo siya.Siya na lang hindi eh."
Napaisip ako. Oo nga 'no? Magtatatlong taon na din pala akong umaasa.
Haaaay. Ano ba naman iyan.Sana mapansin naman niya ako.
Hindi yung pinagmumukha niya akong tanga.Teka? Pinagmumukhang tanga?
Siya nga ba dapat ang tanga eh. Tanga niya kasi hindi niya nakikitang
mahal na mahal ko siya.