Prologue
“It was hard to remember I wasn’t supposed to love him anymore, because I did. I never stopped.”
*Come back home..Can you come back home. Modeun apeumeun dwiro hae. Yeojeonhi neol gidaryeo ireoke. Now you gotta do what you gotta do. Come back home.. Come back home~*
Sinagot ni Dara ang phone niya. At bumungad naman sakanya ang boses ni Bom.
“YAAAAAAH~ Wala ka pa rin bang balak pumasok?! Aba, sobra na ‘yan ah!” Napatayo naman si Dara at sabay na tumingin sa wall clock nila. Nanlaki bigla ang mata niya nang makita na 30 minutes na lang ‘eh magsisimula na ang klase nila.
“Oo na. Oo na. Kita na lang tayo, ‘bye!” Hindi na niya hinintay na sumagot si Bom. Agad niyang in-end ang call at tumayo para magmadaling ayusin ang kanyang sarili sa pagpasok.
---
Hingal na hingal na nakapasok si Dara sa YG Town University. Tiningnan niya ang orasan niya sa phone at 15 minutes late na siya. Mas pinili niyang ‘di na lamang pumasok sa unang subject nila dahil alam niyang hindi rin naman siya papapasukin ng kanyang propesor.
Bumili siya ng bottled water at umupo sa isang bench ‘don. Napatingin siya sa gawing kanan at nag-iba ang ekspresyon ng mukha dahil sa nakita. Si Jiyong.
Napatingin din sa’kanya si Jiyong. At nang mapansin niya ito ay agad siyang umiwas ng tingin. Uminom siya ng tubig at napapansin niyang lumalapit sa’kanya si Jiyong. Tumayo siya at aalis na sana pero napigilan siya ni Jiyong.
“Umiiwas ka ba?” Tanong agad sa’kanya ni Jiyong. Hindi siya makatingin dito. Kinakabahan siya. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya maipaliwanag kung bakit ayaw niyang kausapin si Jiyong. Ayaw niyang pansinin. At kung maaari, ay nais niyang layuan. Hindi pa rin maialis sa puso niya ang sakit na nararamdaman niya. Hanggang ngayon, si Jiyong pa rin ang sinisigaw ng puso niya. Hindi niya iyon mabago.
“Anong sa tingin mo?” Sagot ni Dara. Halatang nagulat si Jiyong kaya nabitawan niya ang braso ni Dara. Magsasalita pa sana si Jiyong ngunit agad na umalis si Dara. Hindi na niya ito napigilan.
Mabilis na naglakad palayo si Dara. Hindi niya mapigilan ang mga luhang patuloy na umaagos sa’kanyang mukha. Wala siyang nagawa. Pinunasan na niya lamang ito. Pero hindi pa rin tumigil ang pag-agos kaya pinili niyang ipagpatuloy na lamang ang pag-iyak.
“Siya na naman ba?” Bungad sa’kanya ni Chanyeol. Nilabas nito ang kanyang panyo at binigay kay Dara. Agad naman itong tinanggap ni Dara.
BINABASA MO ANG
Broken [DaraGon&ChanDara FF]
Fanfiction"It was hard to remember I wasn't supposed to love him anymore, because I did. I never stopped." When will I able to move on? How can I move on? I'm too broken. And I need you to fix me.