Mahal niya ba talaga ako? (One-Shot)

1.9K 16 5
                                    


Naranasan niyo na bang magmahal ng todo, iyong kaya mong ibigay ang lahat at kaya mong isuko ang lahat ng mayroon ka para lang sa kanya? 


Siguro Oo no? Kasi ako nararanasan ko na ngayon at sobrang hirap. Sobrang hirap kapag napunta ka na sa puntong may dapat kang piliin. 


Hi! My name is Liezel Salvador 16 years old and 4th year high school sa Empire University. Wala namang kapans-pansin sa akin. Hindi ako kilala sa paaralang pinapasukan ko ayaw ko kasi na laging pinagtsitsismisan ng maraming tao. 


First day of school ngayon at andito na ako sa school. Dumiretso naman ako sa laging tambayan namin ng bestfriend ko at ng girlfriend niya. 


"Liz," rinig kong tawag sa akin ng kung sino man kaya tumingin ako sa pinanggagaling ng tinig na iyon. Nakita ko si Kim na kumakaway sa akin. Ningitian ko lang siya at naglakad na palapit sa kung nasaan man siya. 


"Hi, Kim." masayang bati ko sa kanya. 


"Bruha ka! Hindi ka manlang nag-message sa akin noong bakasyon, kamusta? Kamusta ang Cebu?" tanong niya. 


"Ayon Cebu pa rin" natatawang sagot ko naman nang umupo ako sa katabi niyang upuan. 


"Sira-ulo ka! Psh." sabi niya at hinampas ako sa braso na kinagitla ko. 


"Bakit? Alangan naman maging Manila ang Cebu?...OH binibiro ka lang eh"sabi ko at umaktong umiiwas na sa kanya kasi mahirap na. 


"Nga pala asan si MJ?" tanong ko. 


"Ayon, bumili ng pagkain. Hindi pa raw kasi siya nakapagbreakfast eh. Excited akong makita" sabi niya na parang kinikilig ako naman ang humampas sa kanya. Ang harot harot eh. 


"Ang harot harot mo. Kailan ba kayo magbre-break?" napaatras naman ako ng bigla siya tumingin ng masama sa akin. 



"Hindi kami magbre-break no" sabi niya sa akin habang matatalim ang tingin sa akin. 


"Ano magpapakasal kayo? Alalahanin mo, illegal ang same sex marriage dito sa Pilipinas" sabi ko sa kanya. Bakit totoo naman diba? 


"Oo nga. Bakit may sinabi ba akong dito kami magpapakasal? Hindi naman diba?" sabi niya. 



"---Nag-iipon na rin kami. Sa ibang bansa kami titira. Hiii, Liz" napatingin ako sa babaeng kakarating lang at may dalang tray na may pagkain. Kinuha ko naman ang fries na nandoon. Bigla rin ako nagutom. 



"Sus!" sabi ko at sinimulan ng lantakan yung fries. 



"Ang sama mo! Bakit ganyan ka? LQ nanaman ba kayo ni Glenn? Grabe ah. Hindi pa kayo gaano katagal lagi na may away." sabi ni Kim. 

Mahal Niya Ba Talaga Ako?(One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon