"Hindi muna mga anak."
Ang mga salitang binitawan ng Mama at Papa ng kambal ay muling nagbunga nang sakit sa kanilang dalawa.
Hindi na muling nagkita ang dalawa hanggang sa nakatungtong na sila ng High School.
Present Day
Nathan's POV
"SURPRISE!"
Nagulat si Nathan sa kanyang nakita. Ang mga kaibigan niya, Papa at Lola niya ay may hawak na mga balloon at cupcake.
Pagtingin niya sa itaas, napangiti ang binata sa nakikita.
(CONGRATULATIONS NATHAN! WE ARE SO PROUD OF YOU!)
"Nate, buti talaga nagmana ka sakin." Papa habang palapit sakin.
Natawa nalang ako at napayakap sa kanya.
"Ok lang ba talaga sayo na doon ako mag-aaral? Magisa?" Tanong ko kay Papa habang inilagay ang backpack ko sa sofa.
"Haynako! Pagkaalam palang ng Papa mo na nakatanggap ka nang scholarship doon sa syudad, aba, tumalon talaga siya sa tuwa!" Lola at napapat sa ulo ko tapos ngumiti, "Sana nga kung bibisita ka rito ay kasama mo na si Natasha."
"Ma..." Papa at inilayo si Lola sakin. "Kumain nalang tayo." Dinig pa niyang sabi nito.
Napabuntong hininga nalang ako at nilapitan ang mga kaibigan kong nagtatawanan sa gilid.
"Tol!" Sigaw nila, kaya lumapit na rin ako.
Sana nga, sana nga na matutupad ko ang hiling ni Lola.
Natasha's POV
"Natasha!" Galit na sigaw ni Mama sa baba.
Nanginig naman ako sa takot at tumingin sa bestfriend kong nanlalaki na ang mata.
"Patay ka niyan!" Sabi ni Bianca.
"Manahimik ka at tulungan mo nalang akong ligpitin tong mga UNO cards!" Naiinis kong sabi sa kanya habang itinago ang mga cards sa ilalim nang kumot.
Chineck naman ni Bianca ang sahig, in case na may nahulog na card.
Agad kaming napatayo ni Bianca nang bumukas ang pinto nang kwarto ko at pumasok si Mama. Bakas sa mukha niya ang inis habang hawak ang isang papel na akala ko ay natapon ko na.
Napahinga ako nang malalim at yumuko.
"Natasha," Madiin na sabi ni Mama,"Anong klaseng score itong nakuha mo!" Sigaw niya sakin sabay tapon nang papel sa pagmumukha ko.
"Ma naman e, atleast pumasa ako sa gusto mong university na papasukan ko diba?" Sabi ko at nagpacute. Nakita ko si Bianca na nagpipigil nang tawa sa gilid.
"Wala ka bang pride para sa sarili mo?! Anong klaseng pag-iisip ang meron ka, Natasha?!" Mama sabay napaupo sa kama ko.
Patay... yung cards.
"Uh, ang pagiisip ko kasi ay..." Napatigil ako at tumingin kay Bianca kaso nag aaction na itong lumabas kaya napairap ako.
"Huwag kang umirap-irap jan! At sabihin mo kung bakit ka ganyan?!" Iritadong sigaw ni Mama sakin habang dinuduro ako.
"Aanuhin ko naman yung sobra?! Atleast pumasa diba? Entrance examination lang yan Ma! Hindi naman yan yung official grade ko, kung makaasta ka parang ang gaganda rin nang grades mo noong nag-aaral ka pa." Inis kong sabi kay Mama.
Nanlaki naman ang mga mata ko at agad na napatakip sa bibig ko.
Ang tanga tanga mo Natasha! Kailangan mo ba talaga iyon sabihin sa pagmumukha ni Mama?
"Anong sabi mo?" Mahinahon na tanong ni Mama, pero halatang galit ito.
"Ah, basta! Ang importante pumasa ako." Sabi ko nalang at tumawa pa para hindi pa sasama yung tensyon.
Mismong si Bianca ay napa nga-nga sa sinabi ko at nag squat pa sa sahig habang ngumunguya nang boy bawang niya.
"Ewan ko sayo, Nat." Mama sabay tayo at lumakad patungo sa pituan ko. "At least nag tra-try ako kahit na alam kong hindi ako matalino, habang ikaw, matalino sana kaso hindi naman ito ginagamit." Sabi niya at lumabas, kaya agad akong napahinga nang maluwag.
Pero binuksan niya ulit ang pituan ko at itinapon sa sahig ang isang UNO card ko.
Fvck.
"At sa susunod, itapon mo na yang mga malalaswang cards mo kundi babawasan ko yang baon mo!" Mama bago niya isinara ang pinto.
Agad akong tumingin nang masama kay Bianca na tumatayo pa.
"AT SAAN NAMAN KAYA NAHANAP NI MAMA ANG CARD?!" Inis kong sigaw sa kanya.
"M-Malinis naman yung sahig, promise!" Kinakabahan niyang sabi.
"Ugh, kainis." Sabi ko at pinulot ang card na may picture ni Wonho na nakikita ang abs. Naiyak naman akong napaupo sa sahig. "Bianca naman e! Alam mo naman na mahal itong pagpa-customize ko!"
"O-Okay lang yan, N-Natsha." Nauutal na sabi ni Bianca habang pinapatahan ako.
"Mga asawa kooooo!!" Hagulhol ko.
BINABASA MO ANG
Fake Relationship With My Kambal
Humor{on going} Natasha and Nathan,magkakambal na puro kalokohan ang nalalaman.Dahil hindi sila magkamukha, trip-trip nilang maging FAKE COUPLE.