Chapter 20 Working

2.2K 83 0
                                    

Haine POV.

"Tapos, anong sinabi mo pagkatapos niyang sabihin sayo na 'Im Falling in love with you' ek,ek..." Sabi ni ashley habang tinutulungan akong iligpit ang gamit ko sa bag.

Dumating na rin si aunti nanet nong isang lingo lang, kaya hindi na dito natutulog si ashley. Pinupuntahan niya lang ako tuwing pumapasok kami sa school, hindi na rin kasi ako nag pa-pakuha dahil baka magalit si aunti na malaman niyang dilikadong nilalang ang dumidikit sakin.

Naalala ko pa nong sinabihan ako ni aunti bata palang ako na, layuan ko raw yung mga taong alam mong dilikado tulad rin daw nang mga gangsters. Kaya ayaw ni aunti na ako lang mag-isa kong uuwi at papasok ako sa paaralan.

"Shh, ashley hinaan mo boses mo. Baka marinig tayo ni aunti.." Pigil ko sa mahinang tili niya.

"Hindi tayo maririnig non, kasi nasa kusina si tita. Kaya sige na sabihin mo na.." Nakangiti niyang banggit sakin.

Tinaasan ko siya nang kilay. "Kahit na, matalas ang panri---" hindi ko natapos ang aking sasabihin nang biglang nagsalita si aunti na kakarating lang galing sa kusina.

"Haine, ashley.. Hindi pa ba kayo papasok?" Sabi ni aunti at tinignan ang kanyang relos. "Malalate na kayo, sige na pumasok na kayo.."

Nagkatinginan kami ni ashley tsaka ako nagsalita. "Ah-m, sige aunti. Mauna na kami." Hinalikan ko sa pisnge si aunti, ganon din si ashley.

"Ang gaga mo talaga! Baka narinig tayo ni aunti dahil sa ka dal-dalan mo." Masungit kong sabi nang maka labas na kami.

"Eh kasi naman ba't hindi mo pa kasi sinasabi sakin kung ano yung sinagot mo kay Ian, at yung pagyakap ni Sam sayo.. Dahilan kong bakit sila nag away-away." Kunot noo niyang sabi. "Bakit kasi ako na-late sa balita. Kung hindi dahil sa english teacher namin na araw-araw may quizes at assignments, hindi sana ako magiging ganito ka sipag mag aral." Malungkot na sabi ni ashley pero tinawanan ko nalang.

The Three Gangsters In Love With Nobody (OnGoing/Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon