Isa akong highschool student na puro lang ang nasa isip ay anime, kdrama, manga, online games.
Tamad sa bahay mala prinsensa kumbaga. Wala akong kapatid that's why wala akong kailangan intindihin. Yeaaah! Ako yung taong nagaaral lang pag may exam.Lovelife? Wala sa isip ko yun nako aksayado lang sa oras at di naman ako papaswelduhin nun. Sapat na ko kung ano man ang meron ako. Di naman kami mayaman pero di rin naman mahirap. Katamtaman lang. Napasok naman ako sa isang private school. Inaalagaan naman ako ng parents ko.
May internet sa bahay, may computer at lappy. Wifi lang sapat na! Kaya ano pang hahanapin ko.
Ako lang naman ang sinusuportahan ng magulang ko.
Alam ko naman ang hirap ng buhay. Nakakapagtaka nga e? Ang dami ng kabataan ngayon ang nagsisipagasawahan na. Di ba nila alam kung gano kahirap ang buhay ngayon at magulang pa nila ang kailangan mamoblema? Enebeyen. Okay tama na yan haha. Basta magtatapos ako at di muna magkakabf. Study first nga di ba.Besides, marami pa kong pangarap na kailangan tuparin.
Manloloko naman lahat ng lalaki hahaha! Pare pareho lang sila but it doesn't mean na naging bf ko silang lahat. Nakakatae yun haha may mga similar traits sila, I'm telling you! tsaka si Lee Dong Wok sapat na.
BINABASA MO ANG
The Ignorant One
Teen FictionAng babaeng study first at unaware sa takbo ng mundo. Pero anyare? Bat nagtiwala ka? First time lang po. Nagtry lang ako para masubukan kung may angking talento ba ko sa pagsulat ng isang kwento. Sana basahin nyo. Salamat.