"Di ko alam kung masuwerte ba ako at sa mura kong edad ay naranasan ko nang umibig. Dati pag-aaral lang at paglalaro ang pinagtutuunan ko ng pansin pero nagbago ang lahat nang makilala ko si Andrew." ~ Ellie
Magkababata, magkalaro, at mag best frien...
"Let us always meet each other with smile, for the smile is the beginning of love." Mother Teresa
Andrew's POV
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ako si Andrew transferee ako sa paaralang pinapasukan nila Ellie. Napilitan akong lumipat ng pampublikong paaralan dahil sa financial status ng aming pamilya.
Dahil sa isang car accident ay nagbago ang takbo ng aming buhay. Namatay ang aking ina dahil sa aksidenteng yon at ang aking ama naman ay nagkaroon ng bali sa kaliwang paa kaya kinakailangan nya munang huminto sa pagta-trabaho.
Ako ang umalalay sa aking ama sa pag-aalaga sa aking nakababatang kapatid na si Andrea. Kinakailangan ko pang huminto ng pag-aaral habang nagpapagaling si Daddy.
Sa murang edad natutunan ko na ang kumilos at mag-isip na parang matanda at mag-focus sa pamilya hanggang nakilala ko si Ellie. Biglang nagbago ang buhay ko at ito'y isang magandang pagbabago.
Sa simbahan ko unang nakilala si Ellie at mga kaibigan nya. Miyembro kami ng choir sa simbahan. Habang nag-mi-meeting kami. Isa-isa kaming pinakilala ni sister Tess sa kanila.
"Eto pala si Rea, Katie, at si Ellie. Ang mga bagong choir members dito sa ating simbahan" pakilala ni sister Tess.
Sa kanilang tatlo si Ellie ang napansin ko agad. Ang ganda ng kanyang mga ngiti at ang kanyang mga mata parang ngumingiti din sa saya. Mahaba ang kanyang buhok at morena ang kanyang balat. Ngunit habang tinitigan ko sya ay lalo syang gumaganda. Hindi ko maintindihan pero mas lalo ko pa siyang gustong makilala.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"O sinong gustong mag-handog ng awit?" tanong ni sister Tess.
"Ako po!" nagmamadaling sagot ni Rea.
"Okay, Rea. Halika dito sa harapan at handugan mo kami ng isang awit".
"Ehem..." umpisa ni Rea. Tumahimik kaming lahat upang mapakinggan siya.
🎤Mr. Kupido ako nama'y tulungan mooooooh...Bakit di panain ang kanyang damdamin...🎤