Tulay sa Pag-ibig [Oneshot]

211 5 3
                                    

Sabi nila...

Kapag umikot ka ng tuloy tuloy ng sampung beses...

At sasabihin mo ang pangalan niya habang ihahagis ng batong hawak mo sa bubong ng school building (5-story building ang pinag-uusapan dito)...

Magiging kayo ng taong gusto mo.

Tumingin muna ako sa aking paligid. Wala namang tao dito sa likod ng school building ngayon.

"Kaya ko ito. Aja!"

One...

Two...

Three...

Four...

Five...

Six...

Seven...

Eight...

Nine...

Ten...

*whoosh*

"Simon Angeles!"

Humawak ako sa aking ulo.

Mukhang nahilo ako sa pag-ikot ko.

Matutumba na yata ako...

Nagulat ako nang may biglang humawak sa aking mga balikat.

Si Reyson Trinidad?!

Siya lang naman ang aroganteng lalaki na parating kasama ni Simon. Sila ang tinatawag na Hot-Duo ng batch namin.

Kahit parati silang magkasama, magkaibang-magkaiba ang ugali nila.

"Delikado yang ginagawa mo."

"Ah, thanks."

"Ikaw si May Quintela, tama ba?"

Binitawan niya ako nang naitayo niya ako ng maayos.

"Si Simon pala ang gusto mo."

Hala, narinig niya ako?

"Pinaniniwalaan mo ang kalokohang kumakalat kaya mo nagawang umikot ng sampung beses at maghagis ng bato? Hindi ba delikado iyon?"

Binaling ko ang aking tingin sa ibaba.

"Gagawa ako ng paraan. Magiging tulay mo ako papunta kay Simon." kumindat siya at naglakad na papalayo.

"Ha?"

"Narinig mo ang sinabi ko hindi ba?"

"Pero, paano..."

"Huwag kang mag-aalala. Ako na ang bahala." umalis na ng tuluyan si Reyson sa harap ko.

Ang buong akala ko, aroganteng tao siya. Pero nakita ko ang mabuting parte niya.

Kinabukasan....

"O, Reyson, kasama mo si May ngayon?"

Isinama ako ni Reyson sa may school garden na wala masyadong pumupunta. Dito daw kasi sila naglulunch ni Simon minsan para magtago sa mga babaeng naghahabol sa kanila.

"Ah, oo, tinulungan niya kasi ako kahapon. Tama lang na ilibre ko siya ng lunch ngayon."

Ang lapit ko na kay Simon my loves! Kinikilig ako.

"Ah, kaya pala... Mukhang nag-eenjoy ka ngayon ha."

Wala akong pakialam talaga sa pinag-uuspan nila. The fact lang na malapit ako kay Simon makes me really really really really happy.

Tulay sa Pag-ibig [Oneshot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon