"Ouch! Watch where youre going" Sabi ng isang familiar na boses.
"I'm sorry Iya, di kita nakita" sabi ni Ivan
Si Ivan ay isang simpleng studyante na happy go lucky. Siya ay isang komedyante kaya wala halos sumeseryoso sa kanya. Samantalang si Iya ay isa sa mga popular student sa kanilang campus. Madaming nagkakagusto sa kanya at siya ay isa ring rich kid.
"Di mo ako nakita? Ano ka bulag? Jan ka na nga." Wika ni Iya kay Ivan
"Maganda ka sana masungit ka lang" pabulong na sabi ng binata
Papalayong naglalakad si Ivan nung makasalubong niya si Albert. Si Albert ay ang bestfriend ni Ivan. Simula nung bata pa sila sila na ang magkasama.
"Mukhang nasungitan ka nanaman ni Iya ah? Hobby mo na ata mag pasungit sa kanya eh" Sabi ni Albert.
"Siraulo! Nagkakataon lang na ako ang trip sungitan nun" Sagot ni Ivan
"Oo na sabi mo eh. Tara na pasok na tayo bago pa tayo malate" Wika ni Albert
Pag pasok nila sa kanilang classroom nakita nila ang isang grupo ng mga babae
"Yan nanaman ang mga Mean Girls" sabi ni Albert
"Hahaha talagang pinangalanan mo sila eh noh?" sabi ni Ivan
Ang Mean Girls ay isang grupo ng mga popular girl students na kinabibilangan ni Iya.
"Hoy! Kayong dalawa ano ang pinagtatawanan niyo jan? Bakit di pa kayo maupo sa inyong mga upuan?" wika ng ng kanilang teacher na si Ms. D. Kagalanggalang
"Sorry po ma'am" sabay na bigkas ng dalawa.
"Okay class, I will give you a project that will require you to group yourselves into two" Wika ni Ms. D. Kagalanggalang
"Are we allowed to choose our partners? Cause I would like be partnered with Ryan" Maarteng wika ni Natalie na one of the Mean Girls.
"Ayoko nga kita kapartner Nat, gusto ko kapartner si Iya" Sabi ni Ryan. Si Ryan ay ang heartthrob ng Campus.
"No, you are not allowed to choose your partners. Kailangan niyo bumunot ng number then hahanapin niyo kung sino ang may hawak ng kaparehas niyong number" wika ng guro
Bumunot ng number ang buong klase.
"Anong nabunot mong number Ivan? Ang nabunot ko number 17" Tanong ni Albert kay Ivan
"Number 4 nabunot ko pre" Sagot naman ni Ivan
"Sino ang may hawak ng number 17?" Tanong ni Alexa. Si Alexa ay isa rin sa Mean Girls. Siya ang pinaka maarte sa kanilang lahat.
"Ang malas ko naman si Alexa pa ata makakapartner ko" Pabirong sabi ni Albert.
"Hey Albert! Ikaw ba yung may hawak ng number 17?" Tanong ni Alexa
"Oo ako may hawak." Sagot ni Albert
"OMG! Ang malas ko naman ikaw pa nakapartner ko" sabi ni Alexa
"Makamalas ka naman mas malas nga ako eh ikaw pa nakapartner ko tsk" Sabay talikod ni Albert
"Sana si Nikki ang makapartner ko" Sabay tingin ni Ivan kay Nikki.
Si Nikki ay isang simpleng babae, mabait, matalino at crush ni Ivan.
"Sino may hawak ng number 4?" Sigaw ni Ivan.
"Ako bakit?" boses ng isang babae na nang galing sa likuran niya.
Sabay lumingon si Ivan at nakita niya na si Iya ang nagsabi.
"Ikaw ang ba talaga may hawak nung number 4? Oh baka gusto mo lang ako kapartner?" Biro ni Ivan kay Iya.
"Yuck! Kadiri ka! Medjo mahiya ka nga sa skin mo! Baka nga ikaw pa ang naghanap ng number na yan para makapartner ako eh" Maarteng sagot ni Iya
"Maka yuck ka naman tsaka ikaw nga ang mandiri sa mga sinasabi mo." Galit na sabi ni Ivan.
"Maam pwede po bang makipag palit ng number? Kadiri kasi yung kapartner ko. Makapal kasi ang mukha" sabi ni Iya sa kanilang teacher.
"No, you can't Ms.Ferrer. That grouping is permanent." Wika ng guro
"Wala na tayo parehas magagawa. Pagtiyatiyagaan nalang kita maging partner" Pang aasar ni Ivan.
"Wow ha! Ikaw pa ang may ganang magsabi niyan. Dapat ako ang magsabi niyan sayo" Sagot naman ni Iya.
"Sige na mamaya nalang natin pag usapan yung project. May kailangan pa ako gawin" Sagot ni Ivan
"Okay fine bahala ka sa buhay mo!" Pasigaw na sabi ni Iya
Pagkatapos ng klase ay tumambay muna sila Ivan at Albert sa kanilang club room. Kasali silang magkaibigan sa Glee club. Hilig nila pareho ang kumanta at mag gitara.
"Pre ang malas natin sa mga partners natin." Sabi ni Albert sa kaibigan
"Oo nga eh. Dapat tayo nalang ang mag partner" sabi ni Ivan
"Kadiri ka pre! Nababakla na ba? Ako ang gusto mo kapartner? hahaha" Pabirong sabi ni Albert
"Siraulo ka talaga! Pero kung papapiliin ako si Nikki talaga gusto ko makapartner. Ang ganda ganda niya kaya."
Huminto sa pagsasalita si Albert sabay turo sa likod ni Ivan. Napatalikod si Iva at pagtalikod niya ay nakita niya si Nikkie sa kanyang likod.
"Hi :)" Sabi ni Nikki
(Tama na muna hahaha)
Note: Pagpasensyahan first time magsulat :)