Love Is . 10

498 21 5
                                    

Vic's POV

"Ate Ara wake up!"

"Hey!"

"Come on!"

Nagdilat nalang ako ng mata at nginitian ang tatlong anghel sa harapan ko, nasanay na ako nung mga nakaraang araw sila na ang nauuna kong nakikita.

Nakakatampo na nga eh, masyadong busy si Cienne. Oo may problema ang business nila ngayon pero kasi diba kaya nga umuwi ako dito para makasama ko siya.

"Breakfast is ready"

"Yes, pancake, hotdog, bacon, ham, egg and your favorite tocino"

"Achi Cienne cooked it specially for you"

Tumango naman ako at bumangon na, inayos ko na muna ang pinagtulugan ko.

"Give me a minute okay" pakikiusap ko.

Pumasok na ako ng CR para makapaghilamos at sipilyo.

Hindi naman ako naboboring dito kasi sa tatlong anghel na nangunglit saakin, nung isang araw nagmall kami tas nanood ng sine, kahapon naman nagpaturo sila saakin mag volleyball. Di ko lang alam ngayon kung anong plano nila.

Yung love ko naman di na masyadong gabi umuwi pero inuuwi naman ang trabaho parang wala lang rin, haysss!

Awtomatiko naman akong napangiti ng makita ko ang pancake na heart shape, kinuha ko ang maliit na papel sa tabi nito at binasa.

"Good morning love, sorry di na ako nakapagpaalam ang himbing kasi ng tulog mo eh. Enjoy your day, pasensya na ulit kung busy ako promise babawi ako. I love you"

"Kinikilig" pang-aasar ni Chasiah, natawa nalang ako sa accent nito.

"Let's eat" yaya ko, umupo na ako sa gitna ni Sachi at Chasiah.

"Anong plan natin?" Tanong ko.

"We have a date?" Nakakalokong sagot ni Cameron, tinaasan ko lang naman ito ng kaliwang kilay.

"With kuya Ray and ditse" nakatawang sagot ni Sachi.

Bilang bumilis ang tibok ng puso ko pero agad din akong nakabawi, na excite lang siguro ako dahil ang tagal ko narin siyang di nakikita.

"Lunch date" segunda naman ni Sachi, tumango lang ako bilang sagot.

"Tomorrow, what's your plan?" Tanong ni Chasiah.

Oo nga pala may pasok sila bukas kaya maiiwan akong magisa dito.

"I don't know" sagot ko habang nagiisip.

"Go play basketball with kuya Cy" suggestion ni Sachi.

"Your achi Cienne forbid me to" nakatawa kong sagot.

"Ate Ara you know Liza right?" Tanong ni Cameron.

"Yung kapitbahay natin?" kunot noo kong tanong, tumango ito "bakit?"

"Crush niya ikaw" nakatawa nitong sagot.

"Ikaw na bata ka" napapailing kong sambit.

"Totoo" segunda naman ni Cameron.

"Sumbong ko kayo kay achi Cienne niyo" pagbabanta ko.

"She's always busy naman eh, aren't you nagtatampo?" Seryoso nitong tanong.

"Nagtatampo" matipid kong sagot.

"You love her?" Seryosong tanong ni Chasiah.

"More than you can imagine" nakangiti kong sagot.

Love Is:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon