Chapter 1 - Revenge

126 4 0
                                    

Trinity Alivia Alfarro's POV


Lingon sa kaliwa.


Lingon sa kanan.


Nang makumpirmang walang ibang estudyanteng nakapaligid, mabilis kaming pumasok sa isang classroom na pang Grade 12.


As expected, mabilis makapasok dahil lahat ng tao ay nasa cafeteria o nasa may gym dahil lunch break ngayon. Bawal kasi kumain sa classroom, iyon ang patakaran sa school.


"San nga ulit siya nakaupo?" Tanong ko as I scanned the place.


"Diba yung bag niya yung black na may malaking kulay pink na ribbon?" Turo sakin ng kasama.


"Oh yeah." Nangiti kong sabi saka nilapitan yung desk na may nakapatong na sinasabing bag. 


Wow. Her desk is so clean kumpara sa iba na ang daming basura sa ibabaw. Clean freak talaga.


"Akin na yung bag mo." Sabay abot mula sa kasama ang bag na tinanggalan namin ng laman kanina.


Isinalin ko rito ang laman nung isang bag. Lahat ng gamit- notebooks, libro, notes, pampaganda niya, lahat lahat. Tinira ko lang ang importanteng bagay tulad ng wallet at phone.


"Uy dalian mo Trin, 10 minutes nalang bago mag bell!" Kabadong sabi ni Denice. Tumawa ako.


"Relax. Madami pa tayong oras." I said as I zipped the bag.


Dali dali kaming bumaba sa may likod ng school. Siyempre walang tao, off limits ang parte ng school na to. Tuwing umaga nagwawalis dito si Mang Abnier ng mga tuyong dahon na nahuhulog mula sa mga puno. Ngayong lunch break ay naka-pahinga rin siya. Mamayang hapon ay isisiga na niya ang mga dahong naipon sa pagwawalis.


Pero dahil mabait ako, papadaliin ko ang kanyang trabaho.


"Yung bag." Utos ko sa kasama. Inabot naman niya ito.


Binuhos ko ang lahat ng laman nito kasama sa mga dahon na isisiga ni Mang Abnier.


"Oh my god." Kinakabahang sabi ni Denice. Kinakagat na niya ang kuko sa kamay, halos di na makatingin sa akin.


"Tutulungan ko lang mag siga si Mang Abnier ng mga dahon." Tumatawa kong sabi.


Nagsindi ako ng posporo at hinagis dito.


Pinanood ko habang tinutupok ng apoy ang bawat pahina ng mga notebook at libro. Natigil lang ako sa panonood ng biglang tumunog ang bell.


"Ano tara na? Ma-late pa tayo, tas ma office pa tayo e."


"Wow. Takot ka pa niyan ma office?" Naunang maglakad si Denice. Iritado dahil kabado. Tila iniisip pa rin ang aking ginawa.


Courting Mr. Perfect (kathniel)Where stories live. Discover now