Year 2013 (PAST) - Part IX
Nagulat si Marco sa nakita niya.
Pagkatapos yakapin ni Edward ng mahigpit si Maymay, hinawakan niya ng dalawang kamay niya ang mukha ni Maymay para hindi ito makapalag at hinalikan niya nanaman ito.
Sobrang bilis ng mga pangyayari na hindi man lang nakapagreact si Maymay. Mabilis na nang-angkin ang mga labi ni Edward na para nanamang nangangain sa sobrang pagkasabik. Umaasa si Edward na sana tulad ng dati, gagantihan ni Maymay ang mga halik niya.
Kababalik lang ng diwa ni Maymay mula sa pagkatulala. Nakamulat lang ang mga mata niya sa sobrang gulat at tsaka niya nalang nakita at naramdaman si Edward na nangungusap sa mga labi niya. Hindi rin napiligan ni Maymay ang sarili niya, kaya naman -
Hindi inaasahan ni Edward ang sumunod na nangyari.
PAK!
Sinampal ni Maymay si Edward ng sobrang lakas na halos natumba na ito.
Nagmadaling pumasok si Marco at sinuntok niya si Edward. Nakita niya kasing galit na galit si Maymay sa paghalik ni Edward sakanya.
Gulat na gulat si Edward sa mga nangyari. Alam niyang mas lalong nagalit si Marco sa kanya. Pati narin si Maymay. Wala na siyang ibang nasabi pa.
"Maymay. I'm sorry. I'm really sorry. Sorry bro. Marco, I'm sorry."
"Hoy, ikaw! Edward! Hindi porket nandito tayo sa bahay niyo magagawa mo na lahat ng gusto mo! At yung noon? Tapos na yun! Wala na akong pakialam kung mahal mo pa ako ngayon! Masaya na ako, kaya utang na loob, tama na!"
"I warned you enough, Edward! I told you! She doesn't care! She doesn't wanna give a damn about you! Deal with that!"
Magkahawak-kamay pang umalis sa harapan ni Edward si Marco at Maymay at bumaba na sila sa may sala. Nagpaalam na rin sila.
"Thank you for inviting us, Tita, Tito and Ate Laura. We'll miss you guys so much."
"Hey, where's Edward, by the way?"
"Ahh. Ano po. Kasi. Uhm. ----- Masama po pakiramdaman niya. Yun. Tama. Sigurado hindi na po bababa yun. Nagpaalam narin po kami sa kanya."
"Ganun ba? O sige, mag-iingat kayo ha? See you soon!"
"Yes po. Bye bye po! Salamat po ulit. Beautiful, I'll see you soon ha? I love you sister!"
"I love you too, so much! Little bro, Marco, Take care of Maymay, okay?
"Of course. Yes, I will. Goodbye na!"
--
Hindi nila pinag-usapan sa sasakyan ang mga nangyari o kung saan man sila pupunta, pero alam na ni Marco ang gagawin niya. Hindi pa umuwi sila Maymay at Marco. Sa halip, dumeretso sila sa tambayan nila. Paborito nilang lugar ang view deck na ito lalo na pag nagbubuhos sila ng sama ng loob."May nangyari pa ba maliban dun?"
"Hayyy! Nakakabwisit talaga yun! Pasalamat siya kaliwa ang ginamit kong kamay pansampal sa kanya. Naku, kung nagkataong kanan! Ewan ko nalang!"
"Kumalma ka na, uy. Tapos na nga eh."
"Ang ganda na nga kasi ng usapan namin eh pumaraan pa siya!"
"Anong bang sinabi niya sa'yo?"
"Eh kasi nga kinantahan niya pa ako, kaya kami nasa Music room. Sabi niya, yung kanta niya nung pageant para sakin daw pala."
"Ay talaga ba? Hahaha Brokenhearted pala talaga siya ah!"
"Uy pero wag ka! Umiyak siya sa harap ko! Habang kumakanta pa ah."
"Naconvince ka naman? Hahaha"
"Pwede na rin. Medyo marami eh. Hahaha Loko, pero seryoso nakakakonsensya kaya, ako pala iniiyakan niya hindi ko man lang alam."
"O tapos? Anong nangyari?"
"Eh sinabi niyang mahal na parin daw ako. Paulit-ulit pa nga eh."
"Anong sabi mo?"
"Syempre, na wala na yun silbi. Tagal na nun, kaloka! Tsaka may jowa na nga siya eh. Ano ba yun! Diba?"
"Eh bakit ka hinalikan?"
"Malay ko! Nagrequest lang ng yakap eh. Iba na pala ang yakap ngayon?!"
"So, kumusta naman yung halik niya? Paglalamutak pala? Grabe din si Edward ah! Gutom. Hahahaha"
"Ay bwisit! Anong klaseng tanong yan!?! Kinikilabutan ako sa'yo! Hahahaha Ako na nga ninakawan ng halik ikatutuwa ko pa? Hahahaha"
"Oy! So, ano to? Feeling mo naman nag-enjoy siya? Hahahaha"
"Ay grabe ka! Gusto mong masampal din? Hahaha Sige inuumpisahan mo nanaman ha!?"
"Pikon to! Hahaha Edi malamang, oo! Masaya yun! Ikaw ba naman makahalik sa isang dyosa!? Diba? Hahahahahaha"
"Bwisit ka talaga kahit kailan! Hahahaha"
"Ano? Okay ka na?"
"Oo. Pagkatapos naman lagi natin itawa, wala na. Hahaha"
"Ayun! Good vibes na ulit! Hayaan na natin yun. Matuto na sana tayo dahil dito. Tama? Hahahaha ang drama!"
"Tama! Hahaha Pero salamat ha? Dumating ka kanina."
"Tagal ko na kaya dun sa labas. Ang drama niyo kasi kaya nanuod nalang ako. Hahaha Pero nung inaapi na yung bida, pumasok na ako sa eksena."
"Naks! Nagpapalakas ah! Hahaha Uy pero nilakasan mo rin suntok mo kanina ah? Iba ka rin pala magalit."
"Kaya ayaw kong nagagalit eh. Napuno ako kanina sakanya."
"Pero yung English mo kanina iba din! May conviction! Hahahaha"
"Eh ano nalang yung Tagalog mo? Hahaha Sa tingin mo naintindihan niya? Hahahaha"
Nauwi nalang ulit sa tawanan ang lahat ng nangyari. Pagkalipas ng ilang araw ay tuluyan na ngang umalis si Edward papuntang Germany. Hindi alam ni Maymay na aalis ito kasama nila Laura. Umalis ito ng walang paalam. Ganun nalang. Hindi na ulit humingi ng tawad o nagparamdam man lang.
Dito na nagsimula ang taon-taong pagtataka.
--
A/N:
Hopia si ako sa sariling kwento! Hahaha
Ayan. Nakaalis na siyaaa! Sadlayp.PERO
Ito na ang huling pananakit ko sa'yo Edwardo. Magiging masaya ka na. Hahahaha 💋
--Watch out for changes in time settings.
Thanks po for reading!
Love always, Sisi. 🌻PS. Vote & Comment? Danke! 💕
BINABASA MO ANG
Back For You (MayWard) - Completed
FanficSa dinami-dami ng nangyari, bumalik siya para magbaka-sakali. Ang nasayang na sandali, maulit pa kaya muli? 💕