Prologo

144 2 2
                                    

Hindi ko inakala na ang pagkahumaling ko sa kanya ay magiging sanhi ng aking pagkahulog sa kawalan. Napakalakas ng pwersa ang umikot sa aming dalawa kaya hindi na nakapagtataka kung naging mahina ako at nawala sa balanse. Ito na siguro ang sinasabi nilang pag-ibig. Dahil ng pag-ibig na ito, hindi ko na nakilala ang aking sarili. Nangibabaw ang pagmamahal ko sa maling lalake sa maling panahon. Ang tuwid na linyang tinatahak ko ay lumiko sa espasyo at oras na sa kanya lang gumagalaw. Higit sa lahat, ang nararamdaman kong ito ay tanging ako lang ang nakakaalam at kahit kailan ay hindi maiintindihan ng iba.

"Paano kapag nalaman ni kuya?", malumanay akong nagtanong sa kanya. Ang kanyang atensyon ay nakatuon na sa akin na kanina ay lihim na nangingiti sa papalubog na araw.

"Hindi ko alam."

Napakaikli ng kanyang sagot ngunit ito ang naging mitsa upang mawalan ako ng pag-asa na kaya niyang harapin ang  aking panganay na kapatid tungkol sa aming lihim na relasyon.

Yumuko ako at doon ko lang napagtanto ang lamig na idinudulot ng bakal na inuupuan namin sa itaas ng lumang tren. kumalas ako sa magkahawak naming mga kamay upang hubarin ang aking itim na jacket at itinaklob sa aking hubad na mga binti.

"Itago na lang natin hanggang sa magsawa na tayo sa isa't isa."

Humarap ako sa kanya at ganoon din ang kanyang ginawa habang isinusuot sa akin ang kanyang simpleng coat. Diretso akong nakatitig sa kanyang mukha ngunit hindi niya ako magawang tingnan sa mata.

Alam kong sa oras na bumitaw siya sa relasyong ito ay tanging mga luha na lang ang aking mailalabas. Wala akong dapat sisihin kundi ang aking sarili sapagkat alam kong walang puso ang tulad niya ay nagawa ko pa rin siyang mahalin.

"Ma-May plano ka bang tuldukan ang namamagitan sa ating dalawa?", ibinulong ko na  lang ang mga salitang ito sa kanya. Parang nawawalan ako ng hangin saaking pagsasalita. Hindi ko tuloy magawang madugtungan ang katanungang ito kahit na marami akong gustong malaman kung bakit nangyayari ito. Napuno ng takot at pangamba ang aking pagkatao sa kanayang inaasal.

Wala akong natanggap na tugon sa kanya imbes ay bumaba siya sa aming kinauupuan.

"Tara na, Angela. Umuwi na tayo tutal gumagabi na rin. Baka hinahanap ka na ng kapatid mo."

Hindi ito ang gusto kong marinig sa kanya ngunit hindi na ako makapagsalita. Nakakapanghina.

Inilahad niya ang kanyang palad para alalayan akong makababa ngunit tinitigan ko lang siya. Kahit na ang aming mga mata ay nagkatagpo hindi nangungusap ang mga ito sa akin. Naglaho ang kinang ng mga matang ito na kumikislap kapag sinasabi niyang 'mahal niya ako.'

'Rigor, iiwan mo na ba ako?', isang mabigat na tanong ang aking naisip na hindi ko kayang sabihin sa kanya.

"Angela...", tinawag niya ang aking pangalan pero hindi pa rin ako kumikibo. Mas gugustuhin ko na lang na umupo dito kaysa mahulog ulit sa kanyang mga bisig.

Get a GripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon