BYAHE

10 1 1
                                    


Para. apat na letra na bumubuo sa isang salita kung saan sinasabi nang isang pasahero pag siyay bababa na.

bababa sa sinasakyang jeep kasi nakarating na siya sa kanyang kinakaroroonan.

para. simpleng salita nag ang ibig sabihin ay hanggang dito nalang.
minsan sumosobra, minsan rin ay nagkulang

parang ikaw, parang ako, parang tayo
hindi ko alam kung sino ang sumubra
hindi ko rin alam kung sino ba ang nag kulang

pero kung ako man ay nagkamali, mahal, sana akoy patwarin mong muli

kahit sa huling panahon nalang, bago ka bumaba sa jeep

sa jeep kung saan malayo ang byahe na narating na nating dalawa

sa jeep kung saan may ibang sumakay at nakisam sa ating pupuntahan at bumaba rin pagkaraan

sa mga pangarap nating ginawa nang sabay

pangarap nating sabay ginawa'y ngayoy bakit naglaho na.

hanggang dito nalang ba tayo mahal?

binigay ko naman lahat para mag tagal tayo sa biyahen ito

sa biyaheng parehas nating ginustong sumakay

byaheng sa una parehas tayong masaya

pero bakit ngayoy ikay biglang pumara at bumaba?

PARA

apat na letrang nagtapos sa ating dalawa

ngunit, bakit ganito mahal?

bakit bigla kang pumara?

sa lakas nang pagkakasabi mo nang "para"

napalakas ang break at akoy natumba
sugatan, nasaktan,

hindi man lang ako nakakapit sa hawakan

hindi kman lang nag pa abiso na may mali na pala

na kahit alam ko sa una palang ay marami na nagsabi na baluktot ang dinadaanan nating dalawa

na nagmahal ka nang kapwa

kapwa lalaking kagaya ko.

ngayon, akoy nalilito

di ko na alam saan papunta

kung saan pupunta

kasi ikaw ang nagmulat sa akin sa mundong ito,

pero di ko alam, tour guide klang pala
pinakilala mo lang pala ako  sa mundong ito

hindi ko akalain makalipas ang ilang buwan magtatapos na tayo

hanggang dito nalang tayo

kaya "para"

para saan pa?

para sa ano pat iniwan mo rin pala akong mag isa?

pero dahil sa buong biyaheng iyon
isa lang hindi ko pinagsisihan

yun ay minahal kita, at natuto rin pala akong mag mahal

kaya PARA nalang sa malapit na babaan

doon sa waiting shed

kung saan maraming naghihintay

ako rin maghihintay

kung kailan na naman ako makaksakay

at makahanap nang kasabay sa isang byahe

yung byaheng hindi na ako iiwan hanggang sa huli

kaya mahal, PARA, pala...

palalayain na kita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ByaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon