12. Hug

8.8K 269 13
                                    

Maaga kaming nagbyahe dahil hahabol sa enrolment si Draco at Darton. Good thing I can rely on Kristele. Tinawagan kasi nila si Dom pero hindi ito pumayag na i-enrol sila.   Buti nga sa kanila! Between the three kasi, si Dominic ang pinaka-responsable. I just can't accept that he's suffering for-- Ugh! I don't want to remember. I'm just happy that he's fighting and living his life normally.

"What do you think about, Athena?" Bulong ni Darton kay Draco. Hmmm- Athena, I've heard na siya ang babaeng matyagang humahabol kay Dom. Why the hell on Earth Dom declined her repeatedly? Bakit hindi niya enjoyin ang mga bagay? Hanggang pwede pa..

"She's pretty damn hot.." sagot Draco habang nakasandal sa headrest sa likod at nakapikit ang mga mata.

Napatingin kami kay Luther ng bigla itong tumawa pero nasa daan pa din ang mga mata. "Who's the pretty damn hot? Fuck you, dude! Lagyan nga ng palda ang poste tumatayo na yan spada mo!"

Natawa ng bahagya si Darton. Mabuti nalang at natutulog ang dalawang kasama nila. Umayos ng upo si Draco at tumingin ng parang hindi makapaniwala kay Luther.

"Really, dude? Talagang seyo pa yan nanggaling?" Natatawang sabi ni Draco. Umirap si Luther kaya natawa din ako.

"Bakit ka tumatawa?" Iritable siyang bumaling sa akin. Tumatawa din kasi si Darton at Draco. Natameme nalang kasi bigla si Luther. Ayan kasi..

"Bakit nagagalit ka?" Sagot ko ng natatawa. Kinurot ko pa nga ang pisngi niya ng bigla siyang umilag habang magkasalubong ang kilay niya.

"Ayan kase, minsan preno preno din, e. Nag backfire tuloy seyo mga sinasabi mo--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang nagpreno si Luther. Halos maumpog ako sa dash board sa full stop na ginawa niya. Kumalabog sa likod kasunod ng sunod sunod na pagmumura.

"Tangina! Ang sakit.." hawak ni Draco ang noo niya habang nakangiwi ang dalawang kasama nila na nawindang yata. Me? I was shocked.

Napatingin ako kay Luther na tulala lang. Nanlaki pa ang mga mata ko nang mapansin kong may batang babae na nakatigil sa gitna habang nakapikit.

"Is she alive?" Nawala ng bahagya ang kulay ng labi ni Luther. Is there something wrong? Kahapon ko pa kasi napapansin na may bumabagabag kay Luther. And the fact that he almost hit that kid? It's pretty obvious na meron siyang dinadala.

Kinalma ko ang sarili ko. Panay pa din ang reklamo sa likod na tila di napapansin ang nangyari. Hinawakan ko ang braso ni Luther para bahagya siyang kumalma. "She is.. are you okay?" Kalmadong salita ko. Nakatitig pa din si Luther sa bata hanggang tuluyan na itong maglakad palayo.

Bumaling muna siya sa akin ng blangko ang ekspresyon. "Yeah," nagsimula ulit siyang magdrive. I was looking at him the whole time hanggang makarating na kami sa city. The guys continued their nap, kaya kami lang ni Luther ang nanatiling gising.

Nauna naming hinatid ang dalawang babae na bumaba lang sa Mega Mall. Sumunod sila Draco dahil mas malapit ang village nila sa amin. Nasira kasi ang sasakyan dala nila kaya naiwan muna ito sa Bulacan.

Nadaanan pa nga namin ang bahay ni Maggie. We saw her sitting on the garden. Maybe, nagmumuni.

"Thanks, dude. You, two, take care." Sabay na salita ng dalawa sabay baling din sa akin kaya tumango lang ako, while Luther also nodded. God! He's unbelievably quiet.

Nang makarating na sa village namin ay pansin ko pa din ang pagka-aligaga ni Luther. He's so quiet na hindi kapanipaniwala. "Thanks for everything.." salita ko sabay baba ng sasakyan. Ngumiti ng tipid si Luther. His eyes are exhausted.

Isasara ko na sana ang pinto ng bigla akong napatingin sa kanya. Nakatulala na naman siya! "Sigurado kang, okay ka?" Hindi ko mapigilan makaramdam ng pag aalala sa kanya. Hindi kasi ako sanay na ganyan si Luther. I want to ask him pero ala naman akong karapatan. Isa pa, baka sabihin niya na masyado na akong nanghihimasok sa buhay niya.

No Strings (Strings Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon