Avery's POV
Hinaplos ko ang tiyan ko habang pinagmamasdan ang sarili ko sa malaking salamin na nasa harapan ko. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil excited na talaga akong manganak.
8 months na ang nasa tiyan ko kaya nararamdaman ko ang mahina niyang pagsipa. Binibiro pa nga ako ni Daddy Drew na baka daw twins ang anak namin ni Xander dahil nasa lahi na daw nila ang magka-anak ng kambal.
Umasa ako na magiging kambal ang anak ko pero nagpapasalamat ako na kahit hindi maging kambal ang anak ko masaya ako atleast biniyaan ako ng isang anghel.
Yes! Babae po ang anak namin ni Xander. Sa tuwing naglilihi ako gusto kong makita si Luke. Minsan nga kahit may shooting sila pumupunta pa talaga ako sa lugar na 'yon para lang makita ko siya.
Madalas nagtatampo sa akin si Xander dahil bakit hindi nalang daw siya ang paglinhan ko. Paano kung maging kamukha daw ni Luke ang baby namin edi si Luke daw ang napagkamalang ama ng anak niya.
Natatawa nalang ako sa tuwing sinasabi niya 'yon. Hindi ko naman siya masisisi dahil minsan hinahalikan ko si Luke. I don't know. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko dahil siya talaga ang pinaglilinhan ko.
"Gurl"
Binaba ko ang damit ko at humarap kay Kaye na hawak ang kanyang balakang. Bestfriend goals talaga kaming dalawa dahil buntis din siya. Yes! She's pregnant at kasal nadin sila ni Yvan.
Ang masaya pa doon dahil 8 months nadin siyang buntis. Kaagad silang nagpakasal ni Yvan ng malaman na buntis siya. Akalain niyo bang buntis din pala siya noong malaman ko na buntis din ako.
"Ang bigat ng kambal ko." wika niya at hinaplos niya ang tiyan niya.
Umupo naman ako sa tabi niya at hinaplos ko ang tiyan niya na mas doble ang laki kaysa sa akin. Kambal ang pinagbubuntis niya kaya madali siyang mahirapan sa paglalakad at baka daw bigla nalang siyang mapaanak ng wala sa oras.
"Paano 'yan? Hindi na ako ang magpapa-anak sa'yo." malungkot niyang wika kaya natawa ako.
"Okay lang, madami pa namang iba dyan." natatawa kong sabi ng bigla siyang ngumuso.
"Hayst! Bakit kasi sabay pang buwan tayong manganganak? Bestfriend goals talaga tayo no?" natatawa niyang sabi
"Bestfriend goals." nakangiti kong sabi at hinawakan ko ang kamay niya at marahang pinisil.
Lumabas na kami ng kwarto ko at nagtungo ng pool area kung saan nandoon sina Caleb at Mindy na nagsasabuyan ng tubig.
"HOY KAPRENG HILAW! WALA KA BANG BALAK NA MAG-ASAWA?! BUNDAT NA KAMI'T LAHAT HINDI KA PARIN NAGPO-PROPOSE KAY MINDY THE MINDY." biglang sigaw ni Kaye kaya natigilan ang dalawa sa pagsasabuyan ng tubig sa isa't-isa samantalang ako naman ay natawa lang dahil sa sigaw ni Kaye.
"Soon." nakangising sabi ni Caleb na ikinapula ng pisngi ni Mindy ng bigla siyang akbayan ni Caleb.
"SOON?!! BAKIT HINDI PA NGAYON?" muli namang sigaw ni Kaye at hinaplos ang tiyan niya.
"PAKE MO BA?!" sigaw naman ni Caleb.
Natawa nalang ako sa kanilang dalawa dahil hanggang ngayon hindi parin talaga sila magkasaundo sa isa't-isa. Hindi ko pa sila nakikitang maayos na magkausap dahil palagi nalang silang nagbabarahan na dumadating sa puntong nag-aaway silang dalawa.
Umupo lang ako sa gilid ng pool habang nakalublob ang paa ko at pinagmamasdan ang sarili ko sa tubig.
Hindi ko talaga akalain na dadating sa puntong magiging mag-asawa kami ni Xander. Palagi ko siyang iniiyakan noon at palagi niya nalang akong sinasaktan pero sa kabila ng lahat ng 'yon mahal ko parin siya.
BINABASA MO ANG
Loving A Stoned Hearted Man (Completed)
Teen Fiction(#2) Highest Rank #2 ♥ & Wattys 2017 WINNER ♥ - Meet Hezekiah Avery Muñoz, a martyr girl. Kahit sinasaktan na siya ng taong mahal niya minamahal niya pa rin ito. Kahit na hindi siya mahal ng taong mahal niya, handa pa rin siyang maghintay na sana m...