Kung ano ano na pinagagawa ko para lang talaga makaiwas.
Success akong nakalabas ng school na walang nakakapansin
Hindi ko alam kung may sense ba ang pakikipagkita ko kay Calvin
Napailing na lang ako nilabas ko sa bag ko ang Cellphone at Earphone at pinasak ito sa tenga ko habang naglalakad sa sidewalk
Medyo madilim na nung nag dismissed ang last period teacher namin.
Tumunog yung Cellphone ko kaya huminto muna c
+639***********
Sorry, 9 pm sa Bakanteng lote kung saan mo ko unang nakita rito sa Lugar na to.
Napataas kilay ko 9pm? Sabi nya 6 ano na naman ang meron tss.
Binalewala ko iyon at inayos muli ang earphone sabay nagpatuloy maglakad
Nanlaki na lang ang mata ko sa mabilis na pangyayari
Nawalan ako ng balanse dahil may tumulak sakin mula sa likod
Isang mabilis na Itim na tinted na kotse ang papunta sa direksyon ko
Nangangatal ang Katawan ko Sigurado akong ako ang Patatamaan nito
Parang huminto ang mundo ko at tibok ng puso ko
Isang kamay ang humila sa akin Parehas kaming natumba sa sahig Pumailalim ito at nakayakap ito na para bang pinrotektahan ako sa pagkakabagsak
Muntik na kong mabangga ng itim na sasakyan kung wala lang humila sa akin
Nakasubsob parin ako sa dibdib ng nagligtas sa akin
Di ko ata kakayanin tumayo nanlalambot tuhod ko
"Bakit ba hindi ka nagiingat ha!"
Kita ko ang galit sa Mata nya at unang beses na napagtaasan nya ko ng boses
Tinulungan ako nito tumayo .
At hindi binitawan sa braso
Ramdam ko parin ang malagkit na pawis sa Noo at leeg ko
Muntik na kong mamatay
Hindi ko alam pero sino. . . .sino yung tumulak sa akin
Luminga linga ako at tinignan kung may tao ha sa paligid.
Bakit pakiramdam ko sinadya iyon at ako ang patatamaan ng kotse?
Bumalik ako sa Tamang pagiisip ng lumambot na ang boses ni Austin
"Ayos ka lang ba?." Umikot pa ito at chineck ako "Ano Ven walang masakit sayo?." Muling tanong nito
Tinignan ko yung mata nya
Yung mata nya na kita ang galit at takot
Niyakap ako nito ng mahigpit mabigat ang paghinga nya na para bang ang tagal nya pinigil ito
"Austin Im-----"
Humiwalay ito at
Hinila nya ako sa batok at dinikit ang labi nya sa labi ko
Nandoon yung Takot nya dahil nanginginig pa ang labi nya
Hinawakan ko ang pisnge nya para pigilan sya dahil iba ang nginig ng labi nya
Natatakot? Galit?
Pero bakit?
"Austin? May nangyari ba? Ok lang ako? Anong nangyari? May nangyari bang iba na hindi ko alam Austin Tell me."