"Mahal Kita, Subalit...Paalam."

37 6 0
                                    

Collab with @qveenisabel02
---

Mahal, alam ko madalas napupuyat ka sa gabi.
Naririnig ko kasi yung mga hagulgol mo't mga hikbi.
Mahal, kung alam mo lang na sobrang miss na din kita.
Miss na miss na kita,
Na kinailangan ko pang makiusap sa kapatid mo
Na iwan ang kanyang telepono sa may kama mo.
Sa tuwing nahihimbing ka na
upang maramdaman kita.
Upang maramdaman kita.
At marinig kahit man lang ang iyong paghinga.
Alam ko mahal, hanggang ngayon nagtataka ka.
Kung bakit nandito ako at nanatiling nandyan ka.
Kung bakit iniwan kita sa ereng nagmamahal mag-isa.
Kung bakit magkahiwalay ang tayong dalawa.
Kung bakit sinukuan ko ang pag-ibig natin sa isa't isa.
At kung bakit parang palagay mo pinaparusahan kita.
Mahal, maniwala ka...
Mali lahat ng kung anong iyong inaakala.
Noon pa man, pinili na kita.
Pinili kita.
Pinili kong mahalin ka.
Pinili ka ng puso kong ipagsigawan sa madla.
Pinili kong maging masaya.
Maging masaya ng kasama kita.
Pinili kong lumikha ng ikaw, ako, tayo at walang iba.
Ngunit mahal...
kasabay ng kagustuhan kong paulit ulit na piliin ka.
Patawarin mo ako, kung ngayon mas pinili kong palayain ka.
Mas pinili kong isuko ang kung ano mang merong sa ating dalawa.
Pinili kong saktan ka.
Pinili kong magbilang ng luhang papatak sa iyong mga mata.
Pinili kong talikuran ka.
Pinili kong iwanan ka ng walang dahilan.
Pinili kong hindi magpaalam.
Pinili ko ang karuwagan.
Dahil mahal, kahit gaano ako katapang,
na ipaglaban ang aking nararamdaman.
Na sabihin sa iyong mahal kita,
na mahal na mahal pa rin kita.
Pinili kong sambitin ang mga salitang 'hindi na'.
Pinili ko iyong 'huwag na baka lalong masaktan kita'.
Mahal, pinili kong wag piliin ka.
Mas pinili ko kasing mabuhay ang siya.
Upang sa kanyang paglaki may matawag siyang "Papa".

....

Hindi ko alam kung ilang araw at gabi na akong ganito.
Nagmumukmok sa loob ng aking kwarto.
Lumuluha na para bang katapusan na ng mundo.
Ngunit naisip ko...
Sa wakas naisip ko,
na kahit lumuha man ako ng dugo.
Wala na din namang magbabago.
Hindi ka na maibabalik nito.
Hindi na maibabalik nito yung tayo.

Dahil sumuko ka na.
Sinukuan mo na ako at ang pagmamahalan nating dalawa.
Yung mga pangarap na binuo natin simula 'nung umpisa
Lahat ng 'yun...nabaliwala.
Itinapon mo lang na para bang basura.
Kagaya ko na iniwan mo na lamang ng basta-basta.
Mag-isa.
Nang walang pasabi ni isa mang salita.
Wala!

Tapos ngayon, maririnig ko sa iba na mahal mo ako?
Mahal na mahal mo raw ako.
Na kaya ka umalis dahil 'yun ang makakabuti sa ikaw at ako.
Putangina mo!
Eh, ano 'to?!
Mabuti ba 'to!?
Saka pwede ba?
'Wag mo na akong paniwalain sa matatamis mong salita.
Mahal kita, pero ang sakit-sakit na.
Sa puso kong manhid ay hindi na 'yan oobra.

Manhid na manhid na ako.
Kaya't wala kang karapatang sabihin na, eto?
Ito ang makakabuti sa akin at sayo
Dahil hindi!
Maling-mali.
Maling-mali ka nang iniwanan mo akong humihikbi,
habang nababaliw sa kakaisip kung ano ang nangyayari.
Hindi ko mawari
Kung saan ako nagkulang?
Kung ano ang nagawa upang ikaw at ako'y magkaganyan?
Kung may salita bang nasabi at ikaw ay nasaktan.
O hindi nagawa upang ako ay kalimutan.

Mahal kita,
Pero tama na.
Mahal kita,
Pero nakakapagod na.
Kagaya mo, ako ay pagod na pagod na.
Kaya patawad kong kagaya mo ay papalayain na din kita.
Papalayain na kita
Dahil iyon ang tama.
Papalayain kita kahit katumbas nito'y pagkadurog ko't pag-iisa.
Papalayain kita...
Para mapanindigan mo ang pagiging ama.
Kahit hindi ako,
Kahit hindi na ako ang napili mo...
Upang maging ina ng mga anak mo.

Munting Tinig (Mga Tula At Alingawngaw)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon