Year 2015 (PAST) - Part I
Second year college na sila Maymay at kinuha niya ang kursong gusto niya talaga - Tourism. Sobrang busy ng department nila sa dami ng events kaya naman naiistress siya.
Niyaya niyang lumabas ang kaibigan niyang si McCoy at Elisse. Magkakaklase sila pero magjowa din yung dalawa.
"May, bakit di mo niyaya si Marco?"
Tanong ni Elisse."Oo nga. Himala ata, hindi kayo magkasama ngayon."
Sagot din ni McCoy."Nagtatampo kasi ako sakanya. Hindi ko pa siya kinakausap. Pero, nakita niyo ba siya? Pumasok ba siya?"
"Sus. Tampo tampo pa, concerned din naman. Hindi ko siya nakita girl."
"Ako hindi rin, May. Baka hindi pumasok?"
"Hala. Tanungin niyo naman siya para sakin oh."
"Push mo yan May! Tampo pa more! Hahaha Yan, iconvince mo tong si Mokya."
"Sige May, Pero anong itetext ko?"
"Tanong mo lang kung bakit wala siya. Please?"
"O ayan, sent na. Ano bang kinatatampo mo?"
"Oo nga girl. Anong nangyari?"
"Eeeh. May inamin kasi siya sakin."
"Na gusto ka niya? Given na yun."
Sagot ni Mokya."Hala kinikilig ako girl! Official na ba?!"
"Mga sira! Hindi no! May inamin siyang sikreto from the past na ngayon ko lang nalaman. Mababaw lang yun, hindi naman ako galit sa kanya."
"Ayy enebe! Asang-asa ako ah!"
"Ano ba kayo! Magkaibigan nga lang kami ni Marco. Hanggang ngayon ba naman nagpapaliwanag parin ako?! Hahaha"
"Wala. Ano. Siguro para sakin, ang ganda kasi ni friendship niyo. Walang ilangan, pwedeng best friends, boyfriend. Yung chill lang. Ang hirap maniwalang magkaibigan lang."
"Oo. Pero dibale girl, naniniwala naman kami ni Mokya sainyo. Mag-two years narin tayong magkasama eh wala namang halikang naganap. Unless. Hahaha"
Natahimik sila ng magvibrate ang phone ni McCoy. Tumatawag si Marco.
"Oy bro. Marco? Kumusta ka?"
"Okay lang bro. Hindi ako pumasok, may pineprepare lang ako. Nakita mo ba si Maymay ngayon?"
"Ah. Oo. Nakita ko kanina."
"Kumusta siya? Mukha ba siyang galit?"
"Hindi naman. Bakit? Nag-away ba kayo?"
"Nagtatampo siya sakin, Tol. Hindi niya sinasagot mga tawag ko. Hindi rin siya nagrereply."
"Mukha naman siyang okay. Wag ka mag-alala, mahal ka nun. Hahahaha Aray!"
BINABASA MO ANG
Back For You (MayWard) - Completed
FanfictionSa dinami-dami ng nangyari, bumalik siya para magbaka-sakali. Ang nasayang na sandali, maulit pa kaya muli? 💕