CHAPTER 1

130 1 1
                                    

Jonathan / Athan

Isang gabing bumubuhos ang malakas na ulan at nasa harap ako ng puntod ng aking mga magulang.

'Nay...Tay...bakit ho ninyo inilihim sa akin?!.....bakit?!..' nakaluhod at sumasabay sa malakas na ulan ang kanyang pagtangis.

-----------------------------------------------------------------
May limang araw pa lang, mula ng mamatay at mailibing ang kanyang mga magulang,mula sa isang aksidente. Paluwas ng Maynila ang mga ito. Nang may isang rumaragasang truck ang bumangga sa sinasakyan nilang jeep. Nawalan umano ng preno ang truck kaya naman nabangga ang jeep na ikinahulog nito sa bangin. Lahat ng mga pasahero ng jeep ay mga namatay. Kasama ang kanyang mga magulang.
-----------------------------------------------------------------

Napaka sakit ang mawalan ng mahal sa buhay. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap ang pagka wala nila. Lalo na at ako na lang ang natitira sa pamilya. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Lalo pa at nalaman kong mawawala na din ang bahay na kinalakhan ko at ang lupaing kinabubuhay ko. Ano na ang mangyayari sa akin?!.

'Athan..' may pag aalinlangan at pag aalalang tawag sa akin ni Marie.

'Tayo na Athan napaka lakas na ng ulan.. Baka magkasakit ka na niyan..ni hindi ka pa nga nakakabawi ng tulog o pahinga,mula ng mailibing ang mga magulang mo..' dugtong pa niya..

Hindi ako tuminag.

'Pare halika na..' hinawakan ako sa balikat na sabi ni Jay.

'Lasing ka na naman Athan pare..' dugtong pa niya na pilit akong itinatayo sa pagkakaluhod ko.

'Di naman ako lashing parrre..Bakit ganun parrre naging mabuting anak naman ako sha kanila di ba?!..di ba?!..' palasing kong sabi sa kanya.

Di ako nagpatinag sa pagkakaluhod ko. Sige lang ako sa pag-iyak. Wala akong pakialam basta mailabas ko kung ano ang nararamdaman ko.

'Lahat ng gushto nila shinunod ko naman....kahit....kahit na labag sha loob ko....shinunod ko pa rin....taposh ganito?!..'
Sabi ko sabay hagulhol.

'Tama na Athan..' umiiyak na yumakap sa akin si Marie. 'Andito pa kami handang tumulong sa iyo.......kaya sana naman tulungan mo rin ang sarili mo.' umiiyak pa rin siya na nakayakap sa akin.

'Oo pare andito lang kami para sa iyo..kaya wag mong iisipin na mag isa ka na lang..' naki yakap na rin sa amin si Jay.

Ramdam ko naman lahat ng mga sinabi nila. Mula ng mga bata pa lang kami. Hanggang sa mamatay,naiburol at mailibing ang mga magulang ko talagang Hindi nila ko iniwan. Kaya kung iisipin nga naman nawalan man ako ng pamilya by blood,mayroon pa rin akong sila ung family by heart.

'Nay...Tay... tulungan niyo naman po akong alishin tong shakit dito po sha dibdib ko oh..' sabi ko pa sabay hagulhol uli. 'Hindi ko na po alam ang gagawin ko...paano na po ako nito ngayong kashabay niyo na rin pong mawawala sha akin ang bahay at ang lupain..' naramdaman ko ang paghigpit ng yakap sa akin ng dalawa kong kaibigan.

Maya-maya pa nakaramdam ako ng panghihina. Hanggang sa magdilim ang aking paningin at may mga yabag akong narinig na palapit sa amin at may tumatawag sa pangalan ko na parang alalang alala sila sa akin hanggang sa tuluyan akong mawalan ng malay.

___________________________________________
Anim kaming matatalik na magkakaibigan. Magkakapit-bahay lang kami kaya naman maliliit pa lang kami magkakakilala na kami. Magkakaklase kaming anim mula elementary hanggang highschool. Nagkahiwa-hiwalay lang kami noong magkokolehiyo kami dahil iba iba ang mga kurso namin at sa ibat ibang school din kami pinag aral ng mga magulang namin. Pero hindi naging hadlang yun dahil after school ay madalas pa rin kaming nagkakasama. Pero noong makatapos at may kanya kanya na kaming career madalang na kaming magkita kita pero dahil modern na hindi nawawala ang communication namin sa isat isa.

Jayson Saavadera/Jay
-anak mayaman pero mababa ang loob
-pinaka naaasahan sa lahat ng bagay
-still single dahil ang lihim niyang minamahal ay hindi pa handang mag mahal

Orly John Cojuangco/ Orly
-pinaka mayaman sa aming magbabarkada
-isang sikat na business man kaya maraming connection sa matataas na tao
-strikto at suplado pero pag dating sa malalapit sa kanya walang hanggan ang pasensya
-still single din dahil up to now hindi pa rin niya napapasagot si Via

Iisa lang ang pagkakapareho naming tatlong lalaki sa magbabarkada yun ay ang habulin kami ng babae dahil sa sinasabi nilang sex appeal na wala lang sa amin.

Marie de Mesa / Marie
-galing sa simpleng pamilya
-mahinhin kumbaga Maria Clara ang datingan
-maalaga at maasikaso sa Barbara
-mapagkalinga pwedeng pwede mong sabihan ng problema at secrets
-di nakakapagtakang isa siyang nurse
-single di pa raw siya handang magkaroon ng boyfriend,panganay kasi siya at may kapatid pa siyang pinag aaral

Olivia Berlin /Via
-anak mayaman din pero independent
-suplada pero sa mga nanggugulo lang sa kanya like suitors
-dahil independent mahilig siyang rumaket
-single din ewan ko ba kung bakit di pa niya masagot sagot si Orly samantalang ramdam naman ng barkada na may gusto rin siya
-isang siyang architect dahil talented ang kanyang mga kamay at imagination

Lacey Grace Cage /Lacey
-anak mayaman din pero broken family
-half Australian at half Filipino kaya international model siya ngayon
-di mo aakaling galing siya sa broken family dahil siya ang pinaka masayahin at pinaka malambing sa barkada
-miss friendship ang datingan niya kaya naman maraming lalaki ang nag  aassume sa kanya
-siya ang pinaka baby ng barkada dahil na nga siguro s attitude niya may pagka childish kasi malakas pilya pa

At syempre like naming mga lalaki s barkada iisa din ang parehas nilang mga girls ung pagkakaroon ng kakaibang kagandahan at kaseksihan na balewala lang din sa kanila. Maraming lalaki ang nanliligaw at nangungulit sa kanila kaya madalas din kaming napapatrouble na mga boys noong mga highschool pa kami.







Love Me or Pay Me Back?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon