Short UD:)
______
"Ikaw na talaga, Bes!"
Medyo lumayo na siya sa kaibigan pero dahil sa haba ng braso nito ay naabot pa rin siya ng mga hampas nito.
"Hoy hindi ako bola!" reklamo niya habang umiiwas dito.
"Eh ikaw kasi eh!" kinikilig pa itong binigyan siya ng huling hampas. "May love life ka na! Noong high school nga tayo halos taguan mo crush mo pag tinutukso ka namin ngayon naman.. eeeh!"
"Ssssh! Pinagtitinginan na tayo oh nakakahiya ka talaga." saway niya dito habang nakayuko na sa sobrang hiya. Paano kasi ay ponagtitinginan na sila ng mga kalapit na table sa coffee shop na kinaruruonan.
Hindi pa rin ito tumigil sa kakatukso sa kanya pero at least ay mahina na lang.
"So may plano ka bang sabihin sa kanya yung totoo?" excited na tanong nito sa kanya. "Siyempre, hindi naman pwede na ganyan kayo forever di ba?"
Natahimik si Mika at mahinang napailing. Naintindihan naman siya ng kaibigang si Jessey dahil unti-unting nabura ang ngiti sa mukha nito.
"BF..."
"Baka kasi magalit siya BF eh.." malungkot siyang ngumiti dito. "Okay na naman ako sa friendship namin. Alam ko naman ang pinasok ko."
"Haaay BF talaga.." niyakap siya nito mula sa gilid. "Kamusta na pala sina Tine?"
Kung hindi pa nabanggit ni Jessey ang kaibigan nila ay hindi pa niya narealize na mahigit isang linggo na niya pala itong hindi nakakausap. Masyado kasi siyang naging busy sa training nila since second round na ng volleyaball plus studies pa. Hindi rin nagkakatugma ang schedule nila.
"Di ko pa siya nakakausap since last week eh. Di bale, I'll ask Kim."
Napansin niyang madalas di nakakasama si Kim sa lunch nila so she assumed na baka kasama nito si Tine.
Tumango si Jessey saka nagtabong pa sa uba nilang mga ka-batch noon sa St. Scholastca na nasa DLSU rin. Masaya silang nagkwentuhan since ilang buwan na rin sila di nagkikita. Busy rin kasi ito sa studies at training. Ngayon nila naisipang magkita since holy week kaya wala masyado klase at pahinga rin sila sa training.
Hindi rin sila masyado pa nagtagal. May klase rin kasi ito at siya naman ay may lakad rin kasama sina Ricci.
Mika went back to DLSU afterwards dahil iniwan niya roon ang kotse. Sa malapit na coffee shop lang naman kasi sila nagkita ng kaibigan. She was walking towards her car when she saw a familiar figure leaning against its rear. Sinuot pa niya ang salamin upang makasigurado na hindi siya nagmamalik-mata.
"Ang tagal mo naman."
"Sino ba kasing nagsabi sa'yo na hintayin mo ko?" she retorted, rolling her eyes. "Asan ba kotse mo?"
"Nasa condo. Tinatamad ako mag drive eh." Vic grinned at her.
Her heart skipped a beat. Again.
It's been a month since Ara helped her and here they are now. Since that day, their conversation went from three words to countless sentences. Awkward silences were replaced with laughters. They're much more comfortable with each other now. Mika even lost track of their progress along the way that she couldn't remember how it really started. She just found herself right beside Vic everyday. Seryoso, kinikilig siya tuwing naiisip niya iyon.
"Di pa ba tayo aalis?" tanong nito nang hindi pa siya gumagalaw kahit na naka-start na ang engine ng kotse.
"Seatbelt mo." she reminded Vic. Maraming beses na niya itong nakasabay at lagi na lang nitong nakakalimutan mag-seatbelt kahit ito pa ang nagda-drive.
BINABASA MO ANG
Unplanned (Mika Reyes - Ara Galang) ON HOLD
FanfictionA KaRa Fanfic Mika only wanted to speak with her crush for just even once before she finishes her last year in DLSU. She wanted to know what it feels like to have a conversation with Ara Galang. She'll do whatever it takes even if it includes cuttin...