“Have you tried being confuse about love? Loving two girls with the same personality and same faces? Loving them in different time. Giving them different intensity of your love. But the more you see their similarities, the more hard for you to move on. But once you learn to let go one of them and choose the other one,the one you have chosen started trying to find way to say goodbye. What will you do if the same scenario happens to you? Is it easy or hard?
You can forget everything except the love you have exerted to something. You can forget the sight but you can’t never forget the feeling. And you can never change the fact that once you have love someone, the feeling may fade but the fact that you loved him will always remain. The only thing you can do is to follow you heart.”
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nagulat nalang ako ng may biglang umakbay sakin at sumigaw sa tenga ko.
“Hoy! Napakaseryoso mo naman dyan. Anong iniisip mo?Ano yan?? New subject? May new inspiration ka ba?? ”
Nakakairita talaga tong si Maxx. Bigla bigla na lang dumarating. Nageemote ako e. Oo nga pala sya ang bestfriend ko. Pero di nya alam yun kasi di ko rin naman maamin. At ayaw ko sabihin. Nakakahiya. Parang nakakabakla naman kasi pag ganun. At tsaka feeling ko naman alam na nya yun kahit di ko sabihin sa kanya. Sa tagal ba naman na naming magkakilala e.
“Aba. Dinededma mo na ako? Tulala ka pa rin ba? Yoohoo!!!Rick!!!Uy!Di ka ba magbabago? Gagraduate ka na dedma ka pa rin sa lahat ng bagay. Di ka pa rin palakibo. ”
Aba’t talagang ginugulo ako. Bahala ka dyan brad. Gulo mo. E kung sa talagang di ako pala salita e. At tsaka nawawala ako sa concentration. Pinagpatuloy ko na lang yung ginagawa ko.
“Ayaw mo talaga ko pansinin. Ano ba namang friendship to. Patingin na nga lang nyang dinodrawing mo.”
Bigla na lang nyang hinila yung sketchpad ko. Ayaw ko pa naman yung pinapakialam yung gamit ko lalong lalo na yung sketchpad ko dahil sa lahat ng gamit ko, yun yung pinakaimportante kasi nandun lahat ng mahahalagang bagay para sakin.
“Ano ba naman yan Maxx!!! Bigla mong hinila. Paano kung napunit yan. Mapupunit ko yang pagmumuka mo!!”
“Sawakas kumibo ka rin. Kala ko nilamon ka na ng dinodrawing mo e. At tsaka di naman napunit kaya wala kang mapupunit na muka ngayon.” Gawain na nya kasi palagi yan. Ang hablutin sakin yung sketchpad ko at paminsan minsan, este palagi, may napupunit na page sa sketchpad ko at pagganun nagugulpi ko sya.
“Alam mo namang pag nagdadrawing ako di talaga ko namamansin. What’s new? At tsaka ano bang ginagawa mo dito? Diba may klase ka? Pumasok ka na nga sa klase mo. Wag ka nang manggulo dito.” Kinukuha ko sa kanya yung sketch pad ko pero ayaw nyang bitawan.
“Wait ah. Paulit nga nung sinabi mo? May KLASE AKO?? E ikaw ba wala??? Magkaklase tayo baka nalimot mo lang kasi e.” Di ko sya pinansin.
“Basta umalis ka na. Nanggugulo ka lang dito e.” Aba, tinaasan pa ako ng kilay. Minsan naiisip ko bakla tong kaibigan ko e. Minsan kasi nigiging kilos babae sya. Tapos mas madalas na napagkakamalan kaming magkarelasyon dahil sobra sya kung makadikit sakin.
“Ganyan ka naman palagi. Lagi mo akong pinapalayas. Papasok ako kung papasok ka.” Sabi nya sakin habang tinitignan yung drawing ko.
Oo nga pla magkaklase kami. At as usual, pag ako umaabsent sunod kagad sya. Hanap dito hanap doon. Lagi nya akong ginagaya. Pag sya absent , aba wala akong pake no. Bahala sya. Di ko alam pero parang spy ko sya. Gusto nya malaman lahat ng ginagawa ko. Sa tingin nya kasi kahit matagal na kaming magkaibigan, madami pa syang di alam sakin. At tama sya…