Napabalikwas ako sa aking pagkakatulog nang umalingawngaw sa buong campus ang sirena ng ambulansya.Anong mayroon?
Sabado ng umaga. May aksidente ba?
Ginawa ko ang normal routine ko sa umaga. Naghilamos at nag-toothbrush lamang ako, at nagpalit ng maayos na damit, tsaka ako bumaba para makibalita.
Naabutan ko sila Duanne at si Maureen na naroon at nag-uusap. Lumapit ako sa kanila para magtanong.
"Hey, what's up? Anong nangyari dito?" Inosente kong tanong. Napunta naman sa akin ang tingin nila.
"May natagpuan daw patay sa likod ng boys dormitory. Wakwak daw 'yung tiyan." Nag-aalangan niyang sagot na ikinasikip naman ng dibdib ko.
"Huh? Paano nangyari 'yon? Secured naman ang buong campus, hindi ba?" Tanong ko na agad naman sinagot ni Maureen.
"Nakausap ko na si Dad at ang sabi niya, hindi raw galing sa labas ang killer dahil chinecheck naman daw maigi ang security nito. Malamang daw, isa la'ng sa mga estudiyante ang suspek." Saad ni Maureen na lalong nagpakaba sa akin. Bakit kaya ako ang kinakabahan?
"Naku naman! May dadating pa naman na transferee, ang pangit naman ng aabutan niyang scene." Mahina kong saad pero mukhang hindi naman ito nakatakas sa pandinig nung dalawa.
"Transferee?" They asked in chorus.
"Ahm. Yeah, a transferee, a new student. Anong problema niyo?" Sagot ko na ikinaikot naman ng mata nung dalawa.
"Sige na. Aakyat na ulit ako. Maglilinis pa ako e," sagot ko at lalong ikinakunot ng noo nila.
"Maglilinis ka talaga? Sa North ba sumikat yung araw? Magugunaw na ba yung mundo?" Dire-diretsong saad ni Maureen. 'Eto problema dito e. Minsan na nga lang magsasalita, dehado pa ako.
"Tsk! Yung transferee kasi yung magiging ka-share ko sa room kaya't kailangan daw maglinis." Saad ko at sumang-ayon na lang sila.
Mula sa quadrangle ay dumiretso na akong muli sa taas at pinilit na makatulog muli. Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock.
Ala-una na pala. Bumangon ako at til may kakaibang amoy na bumabalot sa kwarto ko. Teka, amoy pagkain. Natagpuan ng mga mata ako ang isang set ng meal sa lamesa at naagaw ng pansin ko ang isang bagay.
May nakadikit na note.
Hey Sleepyhead. Kumain ka na para makapaglinis ka ng maayos. Alasinko dadating yung transferee ha? Go! Go! Go!
~ Sandy
Kaya naman pala, eh. Kinain ko na yun para makapagsimula nang maglinis. Isa lang yung large meal sa Mcdo.
Mga alas-tres na ako natapos maglinis. Nagpahinga lamang ako ng kaunti at naligo na rin. D'un na ako sa office ni Sandy mag-hihintay, malamig dun, eh. Mahina kasi aircon dito sa room.
"At bakit ka nandito? 4:30 pa lang ah?" Saad ni Sandy nang hindi man lamang tumitingin sa akin.
"Wala lang. Trip kong tumambay dito e." Saad ko at nagsimulang mangalikot sa gamit niya.
Ilang sandali lamang, dumating na rin yung transferee.
Agad kong napansin ang pisikal na kaitsurahan ng babaeng transferee.
Tama lang yung height niya. Maputi, kulot ang buhok at mga neng, maganda ang mala-anghel niyang mukha.
Nagbow muna siya bago magsalita. "Good Afternoon po! I am Jaimee Cast, and I am the transferee po," saad niya.
"Oh, well, hello Ms. Cast. I want you to meet Lisa. She will be your roommate." Sandy said and looked at me.
"Ahm. Hi, I'm Lisa." Maikli kong turan.
"Lakad na Lisa, samahan mo na siya sa room niyo." Utos ni Sandy na ikinataas ng aking magarbong kilay.
"Excuse me? Hindi mo ako kailangang utusan. Tara na Jimmy." Saad ko at agad na akong tumalikod.
"It's Jaimee, not Jimmy." Narining kong pahabol na wika ni Sandy.
"Whatever." I whispered to myself.
Tinulungan ko si Jaine, Jim, Jaime, whatever na magbitbit ng gamit niya. Pinili kong buhatin yung medium-sized na handbag niya at bahala siyang magbitbit ng maleta niya.
"Ahm. Lisa, ayos lang ba sayo na ikaw ang magbuhat n'an?" Tanong niya at nagnod na lang ako.
Kapansin-pansin ang kahinhinan ng babaeng ito. Nahiya ang pagiging bungangera at pagka-siga ko ha.
Nakarating kami sa third floor, room 123, which is yung room number ko.
Nilapag lamang niya ang gamit niya at nagsimula na siyang ayusin yun.
"Ahm. Jaimee? Anong grade mo na ba?" I started the convo para naman hindi mapanis yung laway namin, ano?
"Grade 12- HUMSS A." Tipid niyang saad.
"Great. Dun din ako." Sagot ko na ikinaliwanag naman ng mukha niya.
"Really? Yey! May kasabay na akong pumasok." Pagdidiwang niya.
Nginitian ko na lamang siya.
"Pwede mo ba akong samahan sa mall bukas? Bibili kasi sana ako ng mga gamit para dito sa room. Sagot ko." Aya niya. Hihindi sana ako dahil nagtitipid ako pero since libre niya, game.
"Sure, basta libre mo ha?" Sagot ko at tumango lamang siya.
Umuwi kasi sina Maureen at Duanne sa kanila kaya wala akong kasama. Buti na lang dumating tong si Jaimee.
*****
Napag-desisyunan kong ayain si Jaimee at i-tour dito sa buong campus para naman ma-familiarized siya.
Alas-sais na kami natapos maglibot dito sa campus, gabi na rin, kaya't dumiretso na kami sa cafeteria para sana kumain ng dinner.
"Umupo ka na lang dito at ako na kukuha ng order. Anong gusto mo?" Suhestyon ko.
"Ahm. Pepsi in can na lang tsaka Lasagna." Sagot niya at nag-abot ng bayad niya.
Dumiretso na ako sa counter at kinuha ko ang order namin.
Habang naghihintay akong matapos yung inorder ko, parang may strange feeling sa loob loob ko. Parang may nakatingin sakin.
Inilibot ko ang mata ko sa loob ng cafeteria, wala naman.
Matapos kong makuha ang order namin, bumalik na agad ako sa table namin ni Jaimee.
Pawis-pawis si Jaimee na akala mo tumakbo ng mabilis.
"May aircon naman, ah? Bakit pawis na pawis ka?" Tanong ko habang binababa ko ang mga inorder namin.
"Ah, don't mind me. Tara na, let's eat," Sabi niya at agad na nilantakan ang inorder namin.
Matapos namin magdinner ay nagpaalam sakin si Jaimee na may titignan lang daw siya saglit.
Nauna na ako sa dorm.
Madali akong binalot ng antok.
Nagising ako dahil sa tunog mula sa pagbukas ng pinto.
I saw Jaimee slowly entered the room at agad dumiretso sa Cr. Anong oras na ba?
2:00 am
Ibig-sabihin ngayon lang siya bumalik?
Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon at tinuloy ko ang aking pagtulog.
Mahaba habang araw siguro ang magaganap bukas.
BINABASA MO ANG
PAYBACK
ActieLisa Endrada. A typical high school girl who hates to do something illegal. She's been living alone for a long time and learn to be independent. She doesn't have any clue about his father, and she's been bugging by her dream. Sebastian Eastern Aca...