One year ago.
April 2016.
Seoul, South Korea.Spring season. Sobrang daming tao. Kasama na din ang mga turistang dumayo para masilayan ang naggagandahang cherry bloosoms.
Mga taong animo'y tila nakafast-forward sa bilis ng lakad. Parang takot na takot ma-late sa kung saan man sila patungo.
Nagkakasalubong, nagkakabanggaan, nagmamadaling pumasok sa trabaho o sa kahit saan.
"Ahhhhhhhhhhhhhh!!!!!!"
Sa gitna ng abalang syudad na may naglalakihang mga gusali, nangibabaw ang malakas na sigaw ng isang babae.
Nakasuot ng black and white long sleeves na mejo maluwag. Nakasuksok yun sa suot niang skirt na hanggang itaas ng tuhod ang laylayan. Naka-white sneakers na tinernuhan ng colored na medyas.
Mukhang nasa high school ang itsura.
Kapansin-pansin ang mahigpit na pagkakahawak niya sa basong may laman atang kape sa kanang kamay nito. Halos mayupi na ang hawak nitong baso.
Nanlalaki ang mga mata sa takot at gulat habang nakatitig sa matandang babaeng bigla na lamang bumagsak sa harapan niya mula sa itaas ng isang gusali.
Duguan ang mukha at tuluy-tuloy ang agos ng pulang likido mula sa ulo ng lolang may nakapulupot pa na lubid sa leeg.
"Omoooo!!"
(Oh my God!)"gugeupcha jom bulleojuseyo!"
(Tumawag kayo ng ambulansya!)"Towa juseyo!"
(Tulong!)Halu-halong sigawan ang maririnig sa paligid habang pinagkukumpolan ang taong naaksidente.
***************************
*Yolo's POV
Nagmamadali syang pumasok sa ER ng hospital. Muntik pa siyang mabangga kanina sa kalsada ng marinig niya sa telepono ang nangyari.
Naiiyak na siya at kinakabahan.
Hindi niya alintana ang suot na pambahay lamang at hindi magkapareha na suot niang tsinelas.
Wala na din siyang panahong mag suklay man lang kanina kaya naman mukha siyang yagit sa itsura niya.
Sinalubong siya ng isang matangkad na lalaki na sa tingin niya'y isang imbestigador. At siguro ay ito din ang nakausap nia sa cellphone kanina. Kung saan nia narinig ang masamang balita.
Parang umiikot ulit ang paningin nia pagkaisip ng balita. Manhid ang pakiramdam niya. Gulung-gulo ang isip niya.
Bakit???
Paanong may nangyaring ganito?
"Are you Miss Yolo Park?"
Pinigil ng isang baritonong boses ang pag-iisip nia.Tumingin sya dito ng diretso.
"Yes."
"What's your relationship to her?"
"Oh, she's my grandma."
"Does she have any other family?"
"No. I'm her only family."
Sinasabayan niya ng lakad-takbo ang pilit niyang pagsagot ng mga tanong sa kaniya habang nagmamadaling pumunta sa lola niya.
Naninikip ang lalamunan nia. Ayaw niyang mag isip ng hindi maganda.
Sumasakit ang dibdib nia sa kaba habang papalapit sya sa isang kwartong tinuturo ng lalakeng sumalubong sa kaniya.
Hindi siya handa sa anumang mangyayare pero alam niyang kelangan niyang tatagan ang sarili niya.
Wala siyang ibang masasandalan kundi ang sarili niya.
Kasabay ng pagpapaalala sa sarili niya ay ang pagpasok nila sa isang pintuan.Tila ayaw gumalaw ng mga paa niya. Mabibigat ang bawat hakbang pagpasok.. parang hinihila siya ng sahig na tinutuntungan ng mga paa niya..
Di ko kaya...
BINABASA MO ANG
Elysia's Secret
Misteri / ThrillerElysia, isang maliit, tahimik at napakapayapang pamayanan. Halos wala kang krimen na mababalitaan sa lugar na ito. Ganunpaman, sa unang araw dito ni Miss Yolo Park, isang English teacher, ay aksidenteng nakadiskubre ng isang bangkay. Dito magsisimul...