CHAPTER 40

1.3K 80 171
                                    

CHAPTER 40

I already packed my things and I'm ready to leave. Umupo muna ako sa kama at napahilamos na lang ako ng mukha ko. It was never my intention to have a baby with Seulgi. I want to be a parent but not this way.

Tinignan ko yung cabinet ko kung may naiwan pa ako at may nakita akong ring box at isa pang singsing. Kinuha ko pareho at napangiti na lang ako dahil nasa akin pa pala yung wedding ring ni Suga.

Binuksan ko yung ring box at nasa loob yung promise ring na dapat ibibigay ko sa kanya noong wedding anniversary namin. Nakatitig lang ako sa wedding ring ni Suga at hindi ko maiwasang hindi masaktan dahil iniiwasan na nya ako ngayon.

"I will fix everything... just don't give up on me." I said while reminiscing. Huminga ako ng malalim para hindi ako maiyak. Nasasaktan man ako ngayon, walang magagawa yung mga luha ko para maging ayos lahat.

Tinignan ko yung orasan ko. May oras pa ako para puntahan si Suga. Umalis muna ako saglit para pumunta sa unit ni Suga. Kahit alam kong hindi nya ako pagbubuksan ng pintuan... pupunta pa rin ako.

Nakarating na ako sa apartment unit ni Suga. Kumatok ako sa pintuan nya pero walang nagbubukas ng pintuan. Alam kong nandito lang sya dahil wala naman syang schedule ngayon pero hindi nya ako pinagbubuksan ng pintuan.

Napatingin ako sa promise ring na dala ko. Hindi man kami okay ngayon, mangangako ako sa kanya na babalik ako. Babalik ako para sa kanya at sisiguraduhin kong sa oras na babalik ako, maayos na lahat. Yung walang Seulgi na sisira ng relasyon namin.

"Suga. Pagbuksan mo naman ako ng pinto oh." Halos magmakaawa na ako sa kanya pero wala akong nakukuhang sagot. Umupo ako sa sahig saka sumandal sa pader. Tinignan ko yung relo ko at may oras pa naman ako.

Maghihintay ako para sa kanya. Hihintayin ko si Suga.

"Jimin?" Napaangat ako ng tingin nung narinig ko si Gabrielle. Lumabas sya sa katabing unit ni Suga saka lumapit sakin, "Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya. Magkatabi lang sila ng unit?

Napatayo ako saka sya tinignan. Napakunot yung noo ko nung nakita ko si Gabrielle na sobrang payat, "Kumakain ka pa ba? Bakit ang payat mo?" Tanong ko sa kanya.

Umiwas naman ng tingin si Gabrielle, "Hindi pa kumakain si Suga. Gusto mo bang kausapin ko sya para sayo?" Tanong ni Gabrielle. Iniiwasan nya yung tanong ko pero ayoko na ipagpilitan pa sa kanya na sagutin yung tanong ko kung ayaw nyang sagutin.

Tumango ako. Gusto ko syang makausap bago ako umalis, "Yes. I badly want to talk to him."

Tumango si Gabrielle saka kumatok sa pintuan ni Suga, "Suga. Si Gabrielle to. Let's talk, please."

Tinignan ako ni Gabrielle saka ako ningitian na parang sinasabi nya na magiging ayos rin yung lahat.

Biglang bumukas yung pintuan at nakita ko si Suga. Hindi naman sya nagulat na nandito pa rin ako kaya grinab ko na yung opportunity na makausap sya, "Can we talk?"

Tinignan lang ako ni Suga. Hindi sya sumasagot kaya nagsalita na rin si Gabrielle, "Give him time to say what he wants to say."

"I'll give you one minute." Sabi ni Suga saka pumasok sa unit nya. Pumasok na rin ako at hindi sumunod si Gabrielle. Sinara ni Gabrielle yung pintuan at iniwan kami ni Suga.

Nakatalikod lang sakin si Suga. Hindi nya ako kayang harapin. Huminga ako ng malalim bago magsalita, "I didn't believe Seulgi when she said that I'm the father of her child. Ayokong maniwala kasi hindi ko ginusto na may mangyari sa aming dalawa."

The Book of Lies | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon