"Di ko alam kung masuwerte ba ako at sa mura kong edad ay naranasan ko nang umibig. Dati pag-aaral lang at paglalaro ang pinagtutuunan ko ng pansin pero nagbago ang lahat nang makilala ko si Andrew." ~ Ellie
Magkababata, magkalaro, at mag best frien...
"You can't sleep? Me either. Let's can't sleep together."
Ellie's POV
Hindi ako makatulog dahil naiisip ko pa rin yun nangyari kanina. Pabaling-baling ako sa kama. Ngayon ko lang naisip na nagkamali ako nang pagkakakilala kay Andrew.
Hinusgahan ko pa siya agad nung una kaming nagkita. Akala ko kasi na isa siyang brat, mayabang, at suplado dahil pinagtawanan nila yung kaibigan kong si Rea nung nagkamali siya ng kinanta. Maling-mali ako. Mabait pala siya. Kung nakakamatay nga talaga ang maling akala baka deadbol na ako ngayon. Isa pa kung malalaman ni nanay at tatay yung ginawa ko siguradong mapapagalitan nila ako. Bumangon ako at umupo sa gilid ng kama. Sinapo ko ang aking noo.
"Haiiiisssst! Ano ka ba naman kasi Ellie hindi ka nag-iisip. Hindi magandang biro yung ginawa mo. Ayan! May napahamak tuloy." Biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Ellie? May kusap ka ba dyan?" tanong ng aking ina. Binuksan ko ang pinto.
"Nay, wala po nagpapa-practice lang po ako ng script para sa dula-dulaan bukas. Nakangiting paliwanag ko sa kanya.
"Ah, ganun ba? Akala ko kinakausap mo na naman yung sarili mo" natatawang sabi ni nanay.
"Nay, naman. Hindi pa naman po lumuluwag yung tornilyo ng ulo ko" paismid na sagot ko sa kanya. "Ha,ha,ha,ha!" malutong na halakhak ng nanay ko.
"Binibiro lang kita. Alam ko naman na hindi maluwag ang tornilyo mo. Wala naman sa lahi natin yon" nakangiting tugon niya sa akin.
"Matulog ka na nga at may pasok ka pa bukas" ang utos ni nanay.
"O sige po nay. Matutulog na po ako" ang aking paalam sa kanya. At umalis na siya at sinara ko ang pintuan.
Maliit lang bahay namin pero dahil sa magaling mag-ayos ang nanay ko ay nagagawan niya ng paraan na maging maluwag itong tingnan. Pinagawan nila ako ng maliit na silid dahil nagdadalaga na daw ako. Kailangan ko na daw ng sariling kwarto.
"Nagawa ko pa tuloy mag sinungaling sa nanay ko. Ang dami ko nang nagawang kasalanan ngayong araw na ito. Hayyyy....makapag-dasal na nga at makatulog na" ang sabi ko sa aking sarili.
"Sana bukas kausapin na nya ako, Lord. Promise hindi na po iyon mauulit. Amen." Humiga na ako at ipinikit ang aking mata pero si Andrew pa rin ang nasa isip ko.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.