Nung dumating ka sa buhay ko...

4 0 0
                                    

Nung dumating ka sa buhay ko.

Nung dumating ka sa buhay ko nagkakulay ang mundo ko.

Nung dumating ka sa buhay ko sobrang saya ang naranasan ko.

Nung dumating ka sa buhay ko naging banal ako.

Nakakatawa man sa ibang tao pero ikaw ang may dahilan ng mga ito.

Sabi nila hindi na ako magbabago pero eto ako, binigyan mo ng pagkakataon para sumamba sayo.

Nung dumating ka sa buhay ko binuo mo ang pagkatao ko.

Ang mga dating tanong ko sa sarili ko na, "Bakit nabubuhay pa ako?"napunta sa "Ang sarap mabuhay ng kasama ka sa piling ko."

Ang mga matang namumugto dahil lang sa iba tao, umiiyak na para lamang sayo.

Kaya Panginoon ang maiaalay ko sa iyo ay ang aking puso,
Puso na dati'y wasak na wasak pero ngayo'y binuo mo.

Wala na akong mahihiling pa dahil alam kong binabantayan mo ako.

At eto lang talaga masasabi ko sa panghuli ne'to.

Nung dumating ka sa buhay ko naging bago ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Letters to God. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon