My First Book of Romance by Elena Benedicto (PUBLISHED BOOK)

9.5K 49 1
                                    

Ito na po ang book ni Breil... Sa lahat po ng gustong mag-order just send a message to tagalogromanceetc@gmail.com or sa Tagalog Romance Etc. Page. P70 po ang book at tatlong stories ang laman. May libreng T-Shirt po sa unang sampung bibili. Sa mga magpapamember naman as TRE VIP Member for one month ay libre na po ang book na ito sa inyo. Kaya what are you waiting for? ORDER NA!

Here are the PREVIEWS of the book:

The Seductress (An erotic novel) by Elena Benedicto

Masaklap ang naging kapalaran ni Yurnia. Inilako siya ng sariling ama sa amo niyang instik dahilan upang malungi ang kanyang puri. Tumakas siya patungong Maynila upang doo'y planuhin ang balak na paghihiganti. Pero nakilala niya si Rye. Ito ang nagturo sa kanyang magmahal at limutin ang masamang ekspiriyensa.

Ngunit nang ikakasal na sila'y saka naman biglang lumayo ang lalaki. Naiwan siyang muling tuliro at sugatan ang puso. Salamat na lamang at dumating sa buhay niya si Alwin. Ito ang dumamay sa kanya upang muling makabangon at magkaroon ng direksyon ang buhay. Kung kailan naman okey na ang lahat ay saka muling nagpakita sa kanya si Rye. Muling nagulo ang maayos nasa na niyang mundo.

Sino ang kanyang pipiliin, Si Rye na tunay niyang pag-ibig at kaylanma'y hindi nagawang kalimutan o si Alwin na lubos-pusong umiibig sa kanya at tumulong na abutin ang kanyang pangarap?

Maling Akala (A Romance Novel) by Elena Benedicto

Nang magkasakit ng malubha ang ama ni Leonie, napilitan siyang kalimutan muna ang pagiging piano instructress at maghanap ng ibang trabaho. Binalak siyang gawing espiya ng kanyang tiyuhin sa kakompetensiya nitong kumpanya na IGI pero dahil ayaw niya ang ganoong trabaho ay gumawa siya ng paraan na hindi matanggap doon. Ngunit tila mapaglaro ang tadhana. Nakilala niya ang guwapong engineer na si Rufo Sanchez at ito pa ang nagpasok sa kanya sa IGI. Sa unang kita pa lamang niya kay Rufo ay nabihag na nito ang puso niya. Pero humahadlang ang mga maling akala niya rito-na ito'y isang simpleng empleyado lamang ng IGI at kaya niyang paibigin ang mapaglarong puso nito.

Make It Real (A Romance Novel) by Elena Benedicto

Umalis ng bansa si Alwyn upang makalimutan si Yurnia. Makaraan ang pitong taon ay masasabi niyang ganap na niyang nakalimutan ang babae, salamat na rin sa tulong ng kanyang nobyang si Julyn. Ang labis lamang niyang ikinababagabag ay ang balitang nakarating na sa kanya na may anak na ang best friend niyang si Jules. Wala siyang natatandaang nag-asawa ito simula nang mangibang-bansa siya. At wala rin namang binabanggit sa kanya ang kaibigan tungkol sa pagkakaroon nito ng anak.

Mas lalo siyang nagduda nang malamang kamukhang-kamukha niya ang anak ni Jules. May nangyari ba sa kanila ng kaibigan bago siya nangibang-bansa? Bakit hindi siya hinabol ng babae? Bakit itinago nito sa kanya ang lahat? Ahhh, kailangan niyang umuwi uli para malaman ang katotohanan. At para maituwid ang lahat.

BUY NOW!!!

My First Book of Romance by Elena Benedicto (PUBLISHED BOOK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon