-UNA-
Puno ng pag-asang nakipagsiksikan si Dave sa luma at punong-punong bagon ng MRT sa Cubao Station. Ngayon ang unang araw ng kanyang trabaho. Hindi mapagkakailang may angking kasipagan at talino si Dave, mula elementarya hanggang kolehiyo ay napag-aral nya ang sarili sa pamamagitan ng iba't-bang scholarship at sa pagpapart-time bilang student assistant. Ang mga naiipon na salapi ay pinandadagdag nya rin sa pag-aaral sa kapatid na nasa huling baitang na sa hayskul.
Bukod sa pagiging matalino at masipag, mapamaraan din si Dave. Kahit wala ng espasyo sa loob ng umaapaw na MRT ay nagawa pa rin nyang mapagkasya ang balingkinitan na katawan.
"Naiipit ung babae dito oh, kawawa naman!", sigaw ng lalaki sa kanyang tabi.
Dali-dalli syang umatras upang makaluwag ang tinutukoy ng mamang katabi nya, laking gulat nya ng bigla syang hilahin nito papalapit sa kanya.
"Miss, mas mahihirapan ka kapag gumalaw ka pa, dito ka na lang."Natuwa si Dave ng bahagya sa kanyang sarili, kahit saan talaga'y madalas syang mapagkamalang isang babae dahil na rin sa kanyang liit at hugis ng katawan. Idagdag mo pa ang kanyang makinis na kutis at nakakahalinang pagmumukha, mas mukha pa syang babae kaysa kanyang nakababatang kapatid. Kapatid. Aira. Bigla na namang nilukuban ng lungkot si Dave. Kailangan kong gawin ang lahat para kay Aira.
Magdadalawang linggo na itong nasa hospital, kahit ang mumunting naipon nya sa pagsiside line nung nasa kolehiyo ay nagalaw na din. Buti na lamang at tinutulungan sya ni Kenneth, isang matalik at mayaman na kaibigan sa kolehiyo. Isa na rin siguro sa mga mabuting naidulot ng pag-aaral sa isang magandang paaralan ay pagkakaroon ng iba't-ibang koneksyon sa mga maimpluwensyang tao sa bansa, isa na rito ang pamilya ni Kenneth.
Isang kilalang politiko at isang kilalang artista ang mga magulang nito, kaya isang napakaliit lamang na pabor kung tutuusin ang hiningi ni Dave mula sa matalik na kaibigan, isingit ang pangalan ni Aira sa mga makakatanggap ng tulong mula sa gobyerno kahit na ilang beses na itong nakatanggap. Kahit na nakokonsensya, walang magawa si Dave dahil ito lamang ang tanging paraan para manatili si Aira sa hospital, mahal ang insulin. Wala pa syang pambayad. Kahit na nag-alok na ng personal na tulong si Kenneth, ay lakas loob nya itong tinanggihan. Sapat na sa kanyang bansa ang sinasamantala, wag lang ang matalik na kaibigan.
Biglang naputol ang kanyang pag-iisip ng biglang marahas na huminto ang sinasakyang tren, humampas tuloy ang kanyang maliit na katawan sa mamang kanina lamang ay nasa kanyang tabi ngunit ngayon ay nasa kanya ng harapan. Halos maalog ang kanyang ulo sa lakas pagkakatama nito sa matipunong dibdib ng lalaki. Biglang umingay ang buong tren, may mga lolang biglang nag-antanda ng krus, mga magsyotang halos ipulupot ang sarili sa mga kabiyak, ang iba ay nagtawanan samantalang ang iba naman ay di tiyak kung ano nangyari. At meron ring ibang tulad ni Dave na halos umikot ang paningin.
"Ayoa ka lang Miss?", tanong ng lalaki sa kanyang harapan.
Dahan-dahang itinaas ni Dave ang kanyang mukha patungo sa lalaki upang sumagot, nang magtagpo ang kanilang mga mata ay laking gulat ni Dave ng bigla itong mamula at tila nanigas sa kanyang harapan.
"Ayos lang po ako", usal nya na may konting pag-aalala dahil tila hindi na gumagalaw ang mama sa kanyang harapan. Hindi pa rin nawawala ang kulay rosas sa pisngi ng ginoo.
Ayala Station.Tila isang musikang nagpaulit-ulit sa taenga ni Dave ang pangalan ng stasyon. Ayala. Unang araw ng trabaho. Kailangang pagbutihan. Dali-dali nyang tinapik ang lalaki sa kanyang harapan at bumulong ng salamat po. Habang papalabas ng MRT ay nakita nyang nanumbalik muli ang buhay sa mata ng ginoo. Muli, ay natawa na naman sya sa kanyang naisip. Kayang magbalik ng buhay ng kanyang tapik.
Magtatrabaho bilang junior assistant si Dave sa isang kilalang magazine sa bansa, ang Apollo. Hindi talga Apollo ang target na kompanya niya pero dahil na rin kailangan na rin ng pera para sa hospital, pumayag na rin sya. Gagawa na lamang sya ng paraan para makalipat sa sister company nitong News Central Broadcasting Network, parehas na pagmamay-ari ng Gomez-Tuazon Group of Companies. Kailangan nya munang magtiis sa fashion magazine na ito at makaipon para madala sa mas maganda hospital ang kapatid.
"Good Morning! I'm Dave Cruz, today is my first day po", magiliw na bati nya sa guard ng kanyang bagong opisina.
"Hi Sir Dave, kanina pa po kayong inaantay sa taas", may pag-aalalang banggit ng guard sa kanya.Dali-dali nyang tiningnan ang lumang relos na mula pa sa nasirang ama. 7:45. Alas-8 pa naman ang pasok nya kayang imposibleng late na sya sa kanyang unang araw.
"Dali na!", sigaw ni Kuyang Guard sa tapat ng elevator hawak -hawak ang kanyang bagong ID.
Kumaripas sya ng takbo patungo sa nakabukas ng elevator sa tapat ng natatarantang guard.
"18th floor", dagdag ng guard
Tumango ng buong tapang si Dave. Kailangan nya ng tapang sa una nyang araw, at sa mga darating pa, paalala nya sa sarili.Habang papasara ang pintuan ng elevator ay narinig nya pang magsalita muli ang guard, "Pakatatag ah!"
~~~
18th floor. Ding.
Dahan-dahang lumabas si Dave nagtataka kung bakit halos magkagulo ang buong floor. May mga taong nagsisigawan, mga papel sa sahig at mga taong palakad-lakad bitbit ang iba't ibang gamit.
Nang magkataong may huminto sa kanyang tapat ay bigla nya itong kinalabit, "Ano pong nangyayari?"
Nang makita ni Dave ang mata ng dalagita ay bakas pa rin ang kakatapos pa lamang na pag-iyak nito."Maraming natanggal tapos iyong iba nilapit sa ibang... "
Shit. Hindi na pinatapos ni Dave ang dalagita, "Bakit? Bankrupt?"
Sasagot pa lamang ang dalaga ng biglang nanahimik ang lahat, umalingaw-ngaw sa buong paligid ang ingay na gawa ng mga sapatos sa marmol na sahig. Napalingon sya sa matangkad at makisig na lalaking biglang huminto sa gitna, nakangiti ito at parang lasing.
"Let it be freaking known", panimulang bulyaw nito
"This is what happens when he makes me work, I'll ruin this place he freaking calls home. Get out!"
Muling bumalik ang gulo at mga iyakan sa buong palapag.
Napalunok ng laway si Dave sa mga nangyayari. Shet. Paano na si Aira