Next time

9.4K 452 91
                                    

(Nasa isang account ko ito, gusto ko lang i-pub sa account na 'to. :) )

by: Swiss Maria ♥

"Not all prince charming are sweet and romantic some are just...... like him."

---

“Anong ginagawa mo?” tanong sa akin ng lalakeng walang ibang alam gawin sa buhay niya kundi ang asarin ako at guluhin sa tuwing may ginagawa ako.

“Designing. Bakit?” sagot ko.

 “Para saan naman ang mga designs na ginagawa mo babe?” tanong ulit niya.

“Dami mong tanong Migs ha.” sagot ko sa boyfriend kong binubuklat ang mga drawings ko.

“Masama na bang magtanong?”

“Sinabi ko bang masama?”

“Eh saan mo nga 'to gagamitin?”

Nakakapikon.

“Nakakainis ka na. Malamang na Designer ako at trabaho ko ang magdisenyo at mag-disenyo. Paano ako kakain kung hindi ako magtatrabaho? Mabuti ka at successor ng Daddy mo.” sagot ko sa kanya na hindi man lang siya tinatapunan ng tingin.

Natahimik naman siya.

Maya-maya'y binuklat niya ang portfolio ko ng mga designs ko for Lady's dresses. Seryuso siyang nakatitig sa mga designs ko sabay inom sa coffee ko.

“30 pesos for the coffee.” I said without looking at him.

Tapos, sumubo naman siya ng cheese cake na katabi lang ng kape ko.

“40 pesos for the cake.” Sabi ko ulit.

Hindi niya ako pinansin at patuloy lang sa pagbuklat ng hawak niyang portfolio.

Maya-maya'y nagsalita siya.

“Which do you prefer? Jeans or skirts?” he asked. Hindi ko siya tiningnan dahil seryuso ako sa pagdedesign ko.

“Both.” sagot ko.

“Long sleeves or casual shirts?”

“Casual shirts.”

“Dresses or shorts and t-shirts?”

“Shorts and T-shirts.”

Sunud-sunod ang naging tanong niya samantalang sagot lang ako ng sagot sa kanya without even looking at him.

“Red or black shirts?”

“Black.”

Next time (One Shot)Where stories live. Discover now