Chapter 3:

42 0 0
                                    




Maaga akong nagising ngayon dahil napagpasyahan kong mag-jogging at maglibot sa field.

Alas-sinko pa lang ng madaling araw at tulog na tulog pa si Jaimee nang lumabas ako sa dorm.

May iilan-ilan ding katulad ko na naglalakad lakad dito sa field.

Matapos kong makaikot ng apat na beses sa field, naupo muna ako sa isa sa mga benches doon.

Tuloy lang sa pagtugtog ang nakasalpak na earphone sa tainga ko at mahina ko itong sinasabayan.

Andito na naman yung pakiramdam ko na parang may nakamasid sa akin. Nakakakilabot.

Inilobot ko ang mata ko sa field at hindi nakatakas sa aking mata ang lalaking naka-all black outfit na nakatago sa puno.

Agad siyang tumakbo nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya.

Because of my curiousity, awtomatikong kumilos ang aking mga paa at sumunod sa direksyon nung lalaking tumakbo.

Hindi ko namalayang nasa loob na pala ako ng magubat na parte ng campus.

Alas-sais ng umaga na ngunit balot pa rin ng kadiliman ang langit. Parang may ulan na paparating.

Napatingin ako sa likod nang may marinig akong kaluskos mula sa isang puno.

Susundan ko na dapat iyon nang biglang nag vibrate ang cellphone ko.

Text yun mula kay Duanne.

From: Duanne

Lisa, andito ako sa dorm mo. Bakit walang tao?

Napagdesisyunan kong bumalik na lamang sa dorm. Bigla ko kasing naalala yung katagang "Curiousity Kills" kaya hahayaan ko na lang muna pakiramdam na 'yon.

Naabutan kong nakahilata si Duanne sa kama ko at kinakalikot ang kaniyang cellphone. Agad ko siyang hinila dahil minsan ko lang ayusin ang kama ko, guguluhin pa niya.

"Grabe ka naman Melissah, harsh ha?" Reklamo ni Duanne habang pinapagpag ang kaniyang damit mula sa kaniyang pagkakahulog.

"Ano ba kasing kailangan mo at narito ka ng ganito kaaga? Tsaka hello, sunday ho kaya, kaya huwag mo akong istorbohin," reklamo ko habang tinatanggal ang soot kong sapatos.

"Ay, wala naman. Dinala ko lang tong pasalubong ko sayo. Binili 'yan ni Mommy sa Singapore. Sukat mo ha? Babush." Nagpasalamat lamang ako at umalis din siya agad.

Well, binigyan lang naman ako ni Tita Rose ng isang off shoulder blue dress.

Duanne's mom is one of the kindest and thoughtful person I've ever met. Lagi niya kaming naiisipang bilhan ng regalo sa tuwing mamalagi sila sa ibang bansa.

Nang mga oras na ito, saka ko lamang napansin na wala si Jaimee dito.

Nasaan na kaya ang isang 'yon?

Speaking of, bigla na lamang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Jaimee na puro putik at humahangos.

"Hoy, babae ka! Saan ka galing at bakit puro putik ka?" Tanong ko habang sinusuri ang kaniyang itsura.

"Dapat kasi magdya-jogging ako eh biglang umulan tapos nadapa pa ako field kaya eto, putik." Paliwanag niya sa akin.

"Sayang, di mo naabutan si Duanne."

"Ah, si Duanne, yung friend mo? Ayos lang, maybe next time ma-meet ko rin siya." Sagot niya at nagdiretso sa cr.

Bumaba ako sa cafeteria para bumili ng breakfast namin ni Jaimee.

PAYBACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon