PANGARAP

32 1 1
                                    

PANGARAP

By Xhaleng

Ang hirap ng buhay ngayon. Kahit anong gawin mo sa mundo, mananatili kang nagdudusa, naghihirap. Sa Lahat ng ito, nanatili akong nakatayo. Determinado. Na balang araw, makamit ko din ang aking PANGARAP.

isa akong 4th year Student. Isa lamang ako sa mga pinagwawalang-bahalang tao dito sa paaralang ito. Walang kaibigan. Walang kasama. Laging inaapi. Pero dahil sa Pangarap na iyan, nananatili pa rin akong determinado. Na balang araw, makakamit ko rin ang mga tagumpay. Na balang araw, ako na ang magiging pinakamasayang tao sa mundo.  Na balang araw, sila naman ang luluhod at hihingi ng kapatawaran. Na balang araw, magkakaroon ako ng maraming kaibigan. At na sana balang araw, Matupad ang pangarap na yan.

Sabi nila, bigyan mo lang daw ng panalangin yan, hindi ka mabibigo. Simula ng dumating ka, siguro nga hindi ako nabigo. Dahil bago yun, hiniling ko

"Sana mahanap ko na yung taong magiging inspirasyon ko sa pangarap ko.... Makakapagpabago kung ano man nagiging kalagayan ko... At ang siyang mamhalin ako at mamahalin ko habang buhay.. "

Bigla bigla ka nalang dumating. Para kang magnanakaw. Walang pinipiling oras at panahon. Kaya ayan, nafall ako sayo agad. Sa simpleng ngiti mo, natutukso na ako. Sa simpleng pagsabi mo ng

"Kumain ka na?" o di naman ay "Nakauwi ka na ba?"

"kamusta ka na?"

"Namimiss na Kita"

Halos Lumundag na ung puso ko dahil sa sobrang tuwa. hindi ako makapaniwala. Kulang na nga lang sabihan mo ako ng "Mahal kita".

dumating ang araw, Ako mismo umamin sayo. Pero sabi mo, kaibigan lang turing mo sakin. Hindi ko un matanggap. Iyak ako ng iyak nun. Sabi mo

"Sorry, dahil nasaktan kita"

Ang nasabi ko na lang.

"Hanggang pangarap na lang ba?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PANGARAPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon