Chapter 37

1.4K 18 13
                                    

Play the video on the right para may thrill. Haha. Background music lang naman yan and si Elaine yung nasa right. Naka-hospital dress. =)))

Dedicated to greenmallow!

Sorry sa late dedication ha? Natabunan na, but here it is. Sorry din po sa lahat kung late UD na 'to. Ngayon lang nakaisip ng matinong chapter. And oh well, dumadaldal na talaga ako. Enjoy reading! ^______^

***

Elaine

"I miss you Elaine... I want you back."

Tama ba yung narinig ko? HUWAT?! He wants me back daw? Baka naman pinagloloko nanaman ako nito. 

Siya yung kumalas sa kiss naming dalawa. Nakangiti nanaman siya, tapos tahimik lang kaming nakaupo sa kama ko. Itatanong ko ba kung bakit nagiging ganito siya..? Hay.. baka naman masaktan lang ako sa maririnig ko.

Sinampal ko yung sarili ko, baka kasi nananaginip nanaman ako, "Aray." 

Napatingin siya sa akin, "Ba't mo sinasaktan sarili mo?"

Anong sasabihin ko? Hindi naman pwedeng sabihin na baka nananaginip lang ako, lalaki nanaman kasi ang ulo ng lalaking 'to. Tss.

"A-ah? W-wala.. May lamok lang." sabi ko.

Tumayo siya mula sa kinauupuan niya, "Uuwi na pala tayo sa Manila bukas. Kahapon ka pa tulog e, kakagising mo lang kani-kanina lang. At last tour dapat natin ngayon, kaso naospi-"

"What?! Bakit kasi dinala mo pa ako dito sa ospital. Okay lang naman ako eh, gusto ko pa namang makumpleto yung tour natin dito." sabi ko habang hinahampas siya ng unan.

"Aray! Eh putlang putla ka na kanina eh! Kung di kita dadalhin sa ospital, baka namatay ka na." sabi niya tapos tinapon yung unan sa sahig.

"Eh kasi naman! Nakakaasar! Last tour na nga lang di pa ako makakasama, tss." sabi ko.

"Bukas pa naman discharge mo dito. Tsk, tsk. Pati tuloy ako di nakasama."

Tinignan ko siya ng masama, "Aba, aba. Ako pa ang may kasalanan kung bakit di ka nakasama?! At tsaka bakit naman bukas pa ako papalabasin?! Simpleng hilo lang naman yun ah?!"

"Aish, basta mahabang explanation. Tara na nga." sabi niya at hinila niya yung kamay ko. 

"H-ha? B-baket? S-saan tayo pupunta?" tanong ko. Saan niya nanaman ako dadalhin?

"DIba gusto mong pumunta sa tour?"

"Tatakas tayo?!" nanlaki yung mata ko, loko talaga. Paano na lang kapag nahuli kami?!

"Oo, tara na. Habang wala pang masyadong tao." sabi niya at tinanggal yung tube na nakalagay sa kamay ko. Medyo masakit yung ginawa niya pero nilagyan na lang niya ng bandage para hindi gaanong magdugo.

Naka-hospital dress pa rin ako, pinagtitinginan kami nung ibang pasyenteng nakakasalubong namin pati na rin yung mga bisita sa ospital. May mga nakangiti at naghihiyawan, nakakahiya nga eh. Kalokohan kasi ng lalaking 'to >/////////<

"Hoy, baka naman mahuli tayo nito. Tsaka paano yung bills?" bulong ko sa kanya. Tumatakbo pa rin kami, tapos kakanan, kakaliwa. Paano niya kaya nalalaman yung tamang dadaanan?

"Nabayaran ko na yung bills mo. Wag kang mag-alala."

"Hey! You! Stop!" may narinig kaming nurse na sumigaw. 

"Dylan! May humahabol na sa atin oh!" sabi ko sa kanya.

"Wag kang mag-alala, di tayo mahahabol nyan. Just hurry up." Hinigpitan niya yung hawak niya sa kamay ko. Marami ng nurse ang humahabol sa amin. May guard na din. >_______<

Hinarang kami ng guard sa may main door, "Where are you going? She's a patient here, isn't she?" sabay turo ni manong guard sa akin.

"Yes sir, but please excuse us because..." tumingin muna sa akin si Dylan at may binulong sa guard. Tinignan niya kaming dalawa ni Dylan at tinuro, tumango si Dylan at ngumiti tapos ay sumaludo yung guard.

"Wow, congratulations, and have fun!" sabi niya at ngumiti pa. Tumakbo kami papalabas ni Dylan, ano naman kaya yung sinabi ng mokong na 'to?!

"Hoy, anong sinabi mo sa guard at pinalabas tayo?"

"Sinabi kong late na tayo sa kasal natin."

Nanlaki yung mata ko, anong klaseng excuse naman yun?!

"H-ha?! Ba-kit naman yun pa yung si-nabi mo-?!"

"Palusot lang yun, wag kang mag-alala. Dalian mo na."

Sumakay kami sa isang taxi, medyo nagulat pa yung driver, ikaw ba naman makakita ng naka-hospital dress tapos maraming taong nakahabol samen.

"Town plaza please."  

Tahimik lang kami sa kotse ni Dylan, walang umiimik, nagpapakiramdaman lang. Nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Hindi na lang ako nagrereklamo, kaya di niya inaalis.

In-on ni manong driver yung rado niya... maganda yung kanta kaso biglang pinutol...

"Flash report, one patient from *** Hospital has escaped, she is a girl, along with a guy wearing a black hoodie. If you have seen these people... please contact us immediately. *insert number." Tumingin yung driver sa aming dalawa ni Dylan.

"Aish, please stop the car. Here's the payment." sabi ni Dylan at inabot yung bayad. Binuksan niya yung pinto at hinila ako palabas. Balik nanaman kami sa pagtakbo. Pinasuot sa akin ni Dylan yung hoodie niya para di daw ako marecognize na galing akong ospital. 

"Dylan, napapagod na ako." sabi ko habang naglalakad. Tumigil si Dylan sa pagtakbo at umupo.

"Bakit ka umuupo? Kung gusto mong magpahinga dun tayo sa bench." sabi ko, papunta na ako dun pero hinawakan niya yung kamay ko.

"Sakay na." 

"S-sa li-kod mo?!" 

"Oo, dali."

Sumakay na nga ako at nagsimula nanaman kaming maglakad, "Dylan, may nurse oh." sabi ko nang may nakita akong gumagalang nurse galing sa *** Hospital.

Pumasok kami ni Dylan sa isang tindahan ng mga damit, binaba niya ako at pumili ng damit. Kumuha lang siya ng unang damit niyang nakita at binigay sa babaeng nagbabantay ng tindahan, binarayan niya ito at pinagpalit niya ako ng damit.

Simpleng floral dress lang naman yung binili niya, pagkatapos kong magbihis, may sinuot siyang glasses sa akin, "Oh, bakit may ganito pa?!"

"Wala lang, tinry ko lang kung bagay sayo. Anyway, tara na." sabi niya at hinila niya na ako palabas.

"Teka, yung damit galing sa hospital, nasa loob ng shop." sabi ko.

"Yaan mo na yun, tara, baka umalis na sila Ms. Baracuba. Makakahabol pa tayo sa tour."

Napangiti ako sa sinabi niya, "O, tara na! Ang bagal mo! Paunahan tayo ha?!" sabi ko at tumakbo na. Tumawa siya at tumakbo na rin.

*to be continued*

***

Jodie's Note:

May part 2 pa po 'tong chapter na 'to. Short UD lang ang nakayanan. Haha. Ang hirap kasing inarrate nung gustong kong kalabasan ng chapter na 'to. Anyway, enough talk. Salamat sa lahat ng nag-abang! :">

Votes, comments, suggestions, and violent reactions are welcome. HAHA. KTHXBYE :")

I LALABS YOU ALL. ^_______^

[JTBILF: Book II] Bittersweet Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon