Elmo's POV:
Nandito kami ngayon sa Starbucks. Tambay lang. Frustrated kasi kami ni DJ this following days. Bumalik kasi kami sa ligawan stage. Kaso this time di nila tinatangap ang mga pinapadala namin sa kanila. Rejected kami kumbaga. Kaya heto kami ngayon nagiisip ng susunod na gagawin.
Habang nasa kalagitnaan kami ng pagiisip, nakita ko si Prof Yeng. Kaya tinawag ko siya.
Elmo: Prof Yeng!
Prof Yeng: (Humarap) Elmo?! Daniel?! (Lumapit sa inuupuan nila) Anong ginagawa niyo dito?
Daniel: Prof upo ka. (Inoffer ang seat na nasa tabi niya)
Prof Yeng: Ohhh Thanks. (Umupo) So anong ginagawa niyo dito?
Daniel: Nagiisip ng next step.
Prof Yeng: Next step sa alin?
Daniel: Sa panlligaw namin.
Prof Yeng: Di pa pala kayo nagkakaayos?
Daniel: Di pa.
Elmo: Pahingi naman ng advice Prof ohh. Desperado na talaga kami.
Prof Yeng: Hmmm (Hawak sa baba) Magiisip muna ako ng gimik.
Ang astig talaga ni Prof Yeng kahit kailan. Nandiyan siya kapag kailangan namin ng tulong. Para siyang savior namin. After awhile nakaisip na siya ng magiging gimik namin.
Prof Yeng: Alam ko na!
Elmo: Ano po naisip niyo?
Prof Yeng: Di ba dati mahilig ang mga kababaihan na hinaharanahan sila? Paano kaya kung mangharana kayo sa kanila? Pero kailangan sa umaga niyo siya gawin.
Elmo: HA?! Bakit naman?
Prof Yeng: Kasi sa pagkakaalam ko, di sila nageentertain ng bisita sa gabi. Pati nga ako di nila ineentertain.Beauty rest daw kasi sila.
Daniel: Sa sa umaga namin gagawin ang panghaharana?
Prof Yeng: Exactly!
Elmo: Pero asan naman kaya sila ngayon?
Prof Yeng: Every weekdays nasa iba't ibang branches sila ng mga stores nila. Every weekends naman nasa restaurant sila. Since Wednesday ngayon, nasa mga store sila. Pero ngayon, nasa MOA sila. Nagtext kasi ako sa kanila kanina kung asan sila at sabi naman nila nasa MOA sila.
Elmo: Sige. So DJ game ka na ba?
Daniel: Always!
Prof Yeng: Ngayon niyo sila....
Elmo/Daniel: Naman!!
Prof Yeng: Well Good Luck sa inyo. And do it with all your heart.
Elmo/Daniel: Yes Boss!!!
So umalis na nga kami. Maghahanda pa kasi kami sa gagawin naming pasabog. Naghanda na kami sa mga gagamitin namin at bumili pa kami ng flowers at Balloons para naman maiba. Siyempre nagpagwapo rin kami para dagdag points. Naks!
Nandito na kami sa harapan ng isang store nila sa MOA. Nandito daw kasi sila. May mic at accoustic guitar kaming dala. Marami nang tao nakapaligid sa amin at tila nagtataka sa ginagawa namin pero kami wala kaming pake sa kanila. Desperado na ako masyado na magkabati kami ni Julie. Nagstrum na kami sa gitara namin. Si Dj ang unang kumanta.
Uso pa ba ang harana?
Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba 'to, mukhang gago
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba
Meron pang dalang mga rosas
Suot nama'y maong na kupas
At nariyan pa ang barkada
Nakaporma naka barong sa awiting daig pa minus one at sing along
Siguro narinig nila ang ingay galing sa labas kaya lumabas sila Julie at Kathryn kasama pa ang ilang staff nila. Nakakunot ang noo nila sa ginagawa namin. Ang iba naman ay kinikilig. Pero kami patuloy pa rin sa pagkanta.
Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa'yong tingin akoy nababaliw, giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sayo
Matapos kumanta ni Dj ay sumunod na ako. Sana magustuhan ni Julie to.
Bakit pa kailangang magbihis
Sayang din naman ang porma
Lagi lang namang may sisingit
Sa tuwing tayo'y magkasama
Bakit pa kailangan ng rosas
Kung marami namang nag-aalay sayo
Uupo na lang at aawit
Maghihintay ng pagkakataon
Hahayaan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sa'yo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Idadaan na lang sa gitara
Tapos sabay na kaming kumanta ni Dj.
Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa'yong tingin akoy nababaliw, giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana
Idadaan na lang sa gitara
Pagkatapos namin kumanta, nagpalakpakan ang mga tao. Pero ang dalawang babae na hinaharanahan kami pker face lang. Di ba nila nagustuhan? Kaya lumapit na kami sa kanila.
Daniel: Nagustuhan niyo ba?
Julie/Kathryn: ......
Elmo: Okey lang ba kayo?
Julie/Kathryn: .....
Sa di nila pagsagot, parang nawalan na ako ng chance kay Julie. Di niya yata gusto ang mga pinanggagawa ko. Kaya tumalikod na ako. Naramdaman ko naman na sumunod si Dj sa akin. Di pa man kami nakakalayo, tinawag nila ang pangalan namin.
Julie/Kathryn: Elmo!/ Dj!
___________________________
Sorry talaga sa late update. Nasira laptop ko ehh. Nasa internet shop ako ngayon kaya yan muna. Sabaw talaga siya. May Authors Block rin kasi ako. Sorry.
By the way comment lang sa mga gusto magpadedicate.
Nasa external nga pala ang gitara na music. Pangit kasi ang mga mash up kaya gumawa ako ng akin. Hihihihi
ESTÁS LEYENDO
The Nerds meets The Campus Royalties (Julielmo & Kathniel) [SLOW UPDATE]
FanficPwede kayang Nerds and the Campus Royalties fall for each other? Will they change for the better? What if malaman nila ang secret nila Julie? Magbabago ba sila? Enjoy my story. Be a fan, Read, Vote and Comment.