Date
"So what happened between the two of you?" Tanong ni Ashley nang makapasok kami sa comfort room.
Hinatak niya ako papunta dito nang saktong matapos ang klase ni Alex sa amin at magsimula ang lunch break. Siguradong hinahanap na kami ni Drake dahil bigla na lang kaming nawala sa classroom.
"W-wala." Nakayukong saad ko.
"Anong wala? Namumula kanina si sir at hindi makapag-concentrate sa pagtuturo. Alam kong dahil sayo 'yon unless may iba siyang babae." Saad niya.
Huli na nang mapagtanto kong nakatitig na siya sa kwintas.
"He gave you this?! Gosh!" Tuwang-tuwa na saad niya habang sinusuri ang hugis pusong pendant nito. Tumango ako.
"This looks so expensive!" Saad niya.
Hanggang makarating kami ng canteen ay panay ang pagbanggit niya kay Alex at sa mga positibong ugali nito. Noong una pa lang daw ay alam na niyang matinong lalaki si Alex. Ang sabi niya pa, hindi naman daw halata ang maliit na agwat sa edad namin kaya ayos lang at boto siya kay Alex.
"Shhh, malapit na tayo kila Drake." Saway ko sa kanya.
Natigilan kami pareho nang maabutan namin si Britney na nakaupo sa tabi ni Drake habang hinahaplos ang balikat nito. Agad kong tiningnan si Ashley.
Uh-oh. Mukha na siyang dragon na handang bugahan ng apoy si Britney. Hahawakan ko pa lang sana siya para pakalmahin nang mabilis siyang nawala sa tabi ko. Nanlaki ang mata namin ni Drake nang marahas niyang hilahin si Britney para tumayo sa kinauupuan nito.
"You, bitch." Mariing saad niya kay Britney.
"What did you just say?!" Sigaw ni Britney.
Dumadami na ang mga estudyanteng nanunuod sa kanila kaya lumapit ako para umawat.
"Masisira lang ang magandang record mo bago tayo grumaduate kung papatulan mo siya." Saad ko kay Ashley.
Binigyan niya ng nakakatakot na titig si Britney bago pumunta sa table namin. Saka ko lang napansin ang nakaupong si Zach sa tapat ni Drake na mukhang kararating lang.
Uupo na sana ako sa tabi ni Zach nang padabog na umupo doon si Ashley. Natigilan si Zach sa ginawa niya.
"Hey, that's my girlfriend's seat." Saad niya kay Ashley pero hindi siya pinansin nito.
"Hayaan mo na. Galit 'yan dito." Saad ko at inginuso ang kumakain na si Drake. Umupo na lang ako sa tabi niya.
"Did you fight again? You better stop that dahil naaapektuhan kami ni Almira." Saad niya pero nakabusangot lang ang mukha ng dalawa, nagpapanggap na walang narinig.
Kinuha ko ang phone ko nang tumunog ito.
"Don't skip your lunch. I'm watching you."
Nag-angat agad ako ng ulo nang mabasa ko ang message ni Alex. Nakita ko siyang kumakain sa table para sa teachers. Pasimple siyang ngumiti sa akin dahil may mga kasama siyang ibang teachers.
Yumuko ako. Nakangiti kong kinagat ang labi ko.
"Mira?"
Natigilan ako nang marinig si Zach. Itinuro niya ang pagkain kong hindi ko pa nagagalaw.
Pagkatapos ng lunch ay hindi na ulit nag-text sa akin si Alex. May klase na rin siguro siya. Paminsan-minsan ay nililingon ko sila Drake at Ashley. Tahimik silang nakikinig ngayon, hindi katulad dati na palihim silang naglalaro sa phone nila.
Hanggang matapos ang klase ay hindi sila nagpapansinan.
"Mira, mauna na ako. May kailangan pa pala akong gawin." Paalam ni Ashley. Hindi na ako nakasagot dahil nagmamadali siyang lumabas ng classroom.
BINABASA MO ANG
To The Guy She Ever Loved (COMPLETED)
Любовные романыCOMPLETED || WATTYS 2017 SHORTLIST The story of a girl named Almira Owens, also known as the student council president slash running for valedictorian. She was living a happy and quiet life until someone came. She knew what she wanted ever since but...